Chapter 11.1

3.9K 122 7
                                    

"Why are you here?" Pasupladang tanong agad ni Naira pagkakita sa akin.

"Ininvite ako ng future hipag mo" matamlay ang boses pero may ngiti sa labi na sagot ko dito.

Kasalukuyan na nasa Malaking Garden na kami ng Mansion ng Pamilya Altagracia kung saan ginaganap ang Engangement Party nina Mairo at Giselle.

"Really?" Tinaasan ako nito ng kilay saka nanunuring sinuyod ako ng tingin.
"Just make sure na wag kang gagawa ng eksena dito sa Party ng Kuya Mairo okay?"

Tumango na lamang ako dito pagkat pag sumagot pa ako ay mahalata nito na nagsisimula ng gumaragal ang boses ko gawa ng umiiyak na sa sakit ang nagdurugo ng Puso ko.

Inirapan pa ako nito bago ako tuluyan na iwan.

Talagang Ayaw ni Naira sa akin.....Guess it is a sign na dapat na bitawan ko na talaga ang tangang pagmamahal ko kay Mairo...

Naupo na lamang ako sa madilim na bahagi ng garden, malayo sa maliwanag na Venue ng Party.

Siguro nga masokista nga talaga ako kasi kahit na nasasaktan na ako heto ako at talagang pumunta pa dito sa Party para saksihan ang kasiyahan ng dalawa....

Pero pangako huli na ito.....kailangan ko lang ng closure para sa sarili ako para mawala na ang mga what if sa utak ko katulad ng What if hindi ko agad inamin kay Mairo na nagsinungaling ako sa kanya kami pa kaya?
Ako kaya ang nasa Puwesto ni Giselle ngayon?
Pero paano naman yun baby di ba?
Lalaki syang ang alam na ang Ama nya ay may ibang pamilya na?

Sukat sa isipin na yun ang may pumasok na pamilyar na eksena sa isip ko.

"Anung iniiyak mo dyan Princess?" pasigaw na tanong ng isang babaing di ko maaninag ang mukha.

"Gusto ko Papa ko! Gusto ko Mama ko!"

"Ako ang Nanay mo Tonta!" Dinuro nito ang noo ko.
"At yun magaling na tatay mo ayun at kinakasama ang babaing dahilan kung bakit nya tayo iniwan na dalawa, masama ang babaing yun"

"No that's not true mabait ang Mama Ganda ko ikaw ang bad, nikukurot mo ako lagi pag wala si Lola bad ka!"sumisibing sagot ko dito.

"Aba't ang bata na ito! Hoy Princess tandaan mo ito mabait lang yun sa iyo dahil wala pa silang anak pero pag mayroon na etsapuwera ka na din sa kanila" pananakot pa nito na kinakaba ko.

"Ayaw ko! Ako lang ang Baby ng Papa Pogi at Mama Ganda ko,ako lang!" Sigaw ko at saka nagtatatakbo ng lumayo dito.
Ayaw ko na magkaroon ng kapatid, never, hindi ako papayag!

"Risa" napapitlag ako at malakas na napasinghap ng maputol ang pagdaloy ng mga alaala na parang pamilyar sa akin gayun unang beses pa lamang na sumagi yun sa isipan ko.

Nang nilingon ko ang tumawag sa akin ay kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Natatarantang tumayo ako at agad na tinawid ang maikling distansiya  sa pagitan namin dalawa nito saka ubod ng higpit na niyakap ito.

"Mairo" anas ko at sinamyo ang pamilyar na pabango nito.

Hindi ako nito itinulak papalayo gaya ng inaasahan ko at sa halip ay niyakap din ako nito ng mahigpit na kinasaya ang puso ko dahil kahit sa huling pagkakataon ay naramdaman ko ang higpit ng yakap nya.

"Bakit pumunta ka pa dito Risa?" Pabulong na tanong nito na kinangiti ko ng mapait.

"Gusto ko lang na makita ka kahit sa huling pagkakataon"

"Huli?"tila nanigas ang katawan nito pero hindi ko yun binigyan pansin.

"Yes....sasama na kasi ako kay Kevin sa Manila dahil tanggap na ako dun sa trabaho bilang receptionist sa isa nilang Hotel" sagot ko dito.

"Paano ang pag aaral mo dito?"

"Ah....hihinto muna ako nakausap ko na naman ang Mama mo at sinabi ko na hindi ko na gusto na magpatuloy pa sa kurso na yun kasi wala na dun ang atensiyon" bumaba kasi ang mga grades ko ng nagdaan na dalawang buwan magmula ng inamin ko kay Mairo na niloko ko lamang sya ay napabayaan ko na ang pag aaral ko sanhi nga para bumaba ang mga grado ko.

Dahil dun ay nakiusap ako kay Mam Elaira kung pupuwedeng huminto muna ako at agad naman na pumayag ito at tamang tama naman na inalok ako ni Kevin ng trabaho sa Maynila na walang pagdadalawang isip na tinanggap ko naman agad.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng dalawang kamay ni Mairo sa bewang ko at mas inilapit nya ang katawan ko sa kanya.

Namula ako at napalunok ng maramdaman ko ang tila buhay na bagay na tumutusok sa tiyan ko.

"M---mairo----" bago ko pa sya matanong ay siniil na ako nito ng halik na agad kong tinugon.
Nang matapos ang halik na yun ay hinila ako ni Mairo papunta sa Comfort Room nila at dun ay muli naming pinagsaluhan ang isang mainit na halik....

Tutal Huli na ito.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now