Chapter 18

4.1K 119 10
                                    

"Hmm....ang sakit ng ulo ko" paos na angal ko at pilit na nagmulat ng mga mata ko.

"Risa!" Narinig ko ang pamilyar na boses at naramdaman ko na may yumakap sa akin ng mahigpit.

Nang nilinga ko at kinilala ang pangahas na yumakap sa akin ay nagtaka ako ng ganap na mamalas ng mga mata ko ito.

"M---mairo?" Naninigurong tanong ko dito.

Ngumiti ito saka tumango pagkatapos ay hinagkan nito ang palad ko na hawak hawak pala nito.

"Yes Love, mabuti naman at nagising ka na,wait lang at tatawagin ko lang ang Doctor mo to check your condition" anito at bago pa ako makasagot ay nawala na ito sa paningin ko.

Nang mapag isa ako ay pilit na inalala ko ang mga nangyari sa akin kanina.

"Si Mairo ba yun? Bakit parang nag mature siya? Pero infairness mas naging hot pa lalo sya!" Humagikhik na bulong ko.
"Hmm....parang kausap ko lang kani kanina yun mga minions ni Giselle tapos ano nga ba yung pinag usapan namin?" Wala sa loob na tanong ko sa sarili ko at nahaplos ko ang impis na tiyan ko at nanlaki ang mga mata ko saka malakas na napasinghap ng ganap na maalala ang mga naganap.

Sinabi ng mga ito na buntis si Giselle....ibig sabihin iiwanan na ako ni Mairo....dahil sa bata sa sinapupunan ng una....tapos natakot ako dahil dun kaya naman nagsinungaling ako kay Mairo at sinabi na buntis ako kahit hindi naman, pero di kinaya ng konsensiya ko na may isang walang muwang na bata ang isisilang na di kapiling ang Ama nya kasi may Bruhang nagsinungaling dito....at ako yun....

Nang maalala ko ang galit na galit na Guwapong mukha ni Mairo pati na ang pagsampal at pagtalikod nya sa akin ay alam ko na tapos na ang lahat sa amin.

Sukat sa isipin na yun ay kumirot ang dibdib ko kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata ko.

"Love, andito na ang Doctor" mula sa bumukas na pinto ay pumasok si Mairo kasunod ang isang lalaki na nakasuot ng puting lab coat.
Marahil ay yun ang sinasabi nitong Doctor.

"Love are you hurt, why are you crying?" Nag aalalang tanong ni Mairo sa akin na nakalapit na pala at tinutuyo na ng likod ng  palad nito ang mga luha na nagkalat na sa buong mukha.

"W---wala...okay lang ako...pupwede mo na akong iwan dito, b---bahala na ako dito....b--baka hanapin ka ni G---giselle" mapait na napangiti ako dito saka pumaling ng tingin.

Ayaw ko na makita ang mukha nya.

"Bakit napasali dito si Giselle....?" Nagtatakang tanong nito pero pinili ko na wag sumagot baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko na pumalahaw ng iyak.

Narinig ko na malakas na bumuntunghininga ng walang makamit na sagot mula sa akin.

"Nevermind mamaya na kita ulit tatanungin, Doc check her condition please" utos nito sa Doctor na agad naman sumunod at sinuri na agad ako.
Nang matapos na ito at masiguro na okay na ako ay nagpaalam na ito kay Mairo na aalis na para mag round sa iba pa nitong pasyente.

"Risa, okay ka na raw sabi ng Doctor...now tell me bakit ka pa rin umiiyak----"

"I'm sorry, natakot lang ako na mawala ka, na iwan ako, kaya ginawa ko yun" bumangon ako sa pagkakahiga at humawak sa braso nito.

"Risa....."

"Please w---wag mo akong kamuhian, okay na sa akin kahit konti lang, kahit kapatak wag kang magalit sa akin sa akin kahit iwan mo ako tatanggapin ko b--basta...basta----"

"Risa...hush Love" hinagod hagod nito ang likod ko.
"Tell me again what's bothering you....promise I'll listen and after that I will judge if magagalit ako sa iyo or anupaman" anito na hinawakan ng palad nito ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

Sargo ang luha na tumango ako at sinimulan nang ipaliwanag ang side ko kung bakit ko nagawa yun.....

"Is that so?" Kunot noo na tanong nito.

"O---oo....M---mairo---" naputol ang sasabihin ko ng kuyumusin ako nito ng halik.

Nagtataka man sa aksiyon nya ay natagpuan ko ang sarili ko na tinutugon ang halik nito.

Nang kapwa kami humihingal na naghiwalay ay kinabig ako nito pasubsob sa malapad na dibdib nito.

"Tell me ano pang iba pa na naaalala mo?" Tanong nito.

"Hmm...wala na...di ko nga alam kung bakit nandito ako sa Hospital eh...ah may test pala kami bukas kailangan na mag review pala ako, Mairo okay naman na ako umuwi na tayo at magre review pa pala ako" sagot ko dito.

Buong simpatikong ngumiti ito saka tumango.

"Yes, Love....uuwi na tayo" anas nito at muli na naman nitong sinakop ang labi ko.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now