Chapter 17.1

4K 115 6
                                    

"Bye!" Nakangiting sabi ko habang kumakaway papalayo sa mga kaklase ko.

"Are you sure Princess, you don't want to go?" Pangungulit pa rin ni Vannessa sa akin.
Isa sa mga kaklase ko.

Pupunta kasi ang mga ito sa Bar para magparty at gusto na sumama ako.

Nakangiting umiling ako dito.

"Nope, not now maybe next time, I need to finish the painting that i started to paint just yesterday, you know that right? When the inspirations to paint strike go grab them is our motto right?" Natatawang paliwanag ko dito.

Tumango tango naman ito na tila naintindihan ang paliwanag ko.

"I understand but next time you have to come whether you like it or not okay?" Anito.

"Of course, now go and flirt with Troy" tukso ko dito.
Isa rin sa mga kaklase ko si Troy at ang alam ko ay MU ang dalawa.

"Princess!"

"Now go before someone grab him" sukat sa sinabi ko ay nagmamadaling lumakad ito papunta kay Troy na kausap na si Dionne na kaklase din namin.

Nang mawala na ang mga ito sa paningin ko ay nagsimula na din ako na maglakad papauwi sa Apartment ko.
Ilang blocks lang naman ang layo mula dito sa Art School kaya naman kayang kaya ko ng lakarin.

Huminga ako ng malalim at ninamnam ng mga mata ko ang magandang tanawin dito sa Paris.

"Hay! Maganda sanang mamasyal dito kung kasama ko dito si Deacon" hinaing ko sa kawalan.

Paris is a place for Arts and Love, yung Art part nandun ako, yun sa Love part waley ako dun, Boyfriend or Lover wala nga eh,

Pumasok sa isip ko ang Guwapong Mukha ni Mairo at ayun na naman ang di normal na pagtibok ng puso ko.

I miss Mairo, my Son Deacon and my Family so much na gusto kong umuwi na at wag tapusin ang kurso ko dito pero nagpapakatatag ako kasi Mature Woman ang Peg ko.

Sukat sa isipin na yun ay nakalabing nagsimula na ulit akong naglakad.

Malapit na ako sa Apartment ko nang tila may naramdaman ako na may mga matang nakatingin sa akin kaya naman nilingap ko ang paligid pero wala naman akong nakita maliban sa mga taong katulad ko ay naglalakad din.

"Baka guni guni ko lang, haist ang ganda ko kasi eh" impit na tumawa ako sa kagagahan na naisip ko.

Nang makapasok na ako sa Building kung saan nandun ang Unit na tinutuluyan ko ay nagmamadaling humakbang na ako sa hagdan.
Sira kasi ang Elevator nitong Building na ito kaya walang choice kundi gumamit ng hagdan.

Nagmamadali ako sa bawat hakbang ko nang may narinig ako na sigaw at namalayan ko na lamang na tila nawalan ako ng balanse at gumulung gulong pababa ng hagdan.

"Gosh ang Beauty ko sira na" sa isip isip ko habang ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo at buong katawan ko.

"Risa....." pamilyar ang boses na tumatawag sa akin at naramdaman ko na lamang na may kumalong sa ulo ko.
"Risa are you okay?" Dama ko ang pag aalala sa boses nito.

"M---mukha bha akong okay?" Nakangising anas ko habang pilit na inaaninag ko ng nanlalabo ko ng mga mata ang pamilyar na pigura.

"Hold on Love parating na ang rescue, keep awake love" anito.

Ngumiti ako ng matamis ng ganap na makilala ito kasabay ng pagdagundong ng dibdib ko.

"M---mairo..." anas ko at tuluyan ng nilamon ng dilim ang paningin ko at nahulog na ako sa madilim na kawalan.

[][][][][][][][]

"How is she Doc?" Di mapakaling tanong ko sa Doctor na sumuri kay Risa.
Two Months na akong wala sa Pilipinas,

Two Months na din ako dito sa Paris,

At two months na din akong lihim na nakamatyag kay Risa.

Ayaw ko na mawala pa sya ulit sa paningin ko kaya naman nandito ako malapit sa kanya at pansamantalang iniwan ang Kumpanya sa Kuya Cairo ko.

So near yet so far ang nararamdaman ko ngayon,
Malapit na ako kay Risa pero hindi ko kaya lumapit sa kanya kasi alam ko sa sarili ko na di ko na mapipigilan pa ang sarili ko na kunin si Risa, ipaalala kung sino ako sa buhay nya, pero di ko kayang gawin yun kasi baka matakot sya at iwasan ako at yun ang hindi ko kayang mangyari.

Pero ng makita ko na nawalan sya ng balanse at nahulog nga sa hagdan ay di ko na napigilan ang sarili ko na lumapit dito.

"She is already alright, no fracture in any of her bones and we already stich the wound in her head, we just need to monitor her condition for any other syptoms "sagot nito na kinahinga ko ng maluwag.
Nagpaalam na ito sa akin at nang maiwan ako na kasama ang wala pa din malay na si Risa ay nanlalatang napaupo na lang ako sa silya na katabi ng kinahihigaan nito saka kinuha ang palad nito at dinala sa labi ko.

"Wake up soon Love" tanging nanulas sa labi ko habang walang puknat ang mga mata ko na nakabantay sa natutulog na si Risa....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now