Chapter 15.1

4.3K 117 7
                                    

"What are you thinking now?" ngumuso ako sa tanong ng nakangising si Mairo.

"Perhaps, you are starting to fall for me?" Muli ay tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng malakas kasabay ng pag iinit ng mukha ko.

"A---ang kapal mo ha, kakakilala pa lang natin crush na agad kita?!" Inirapan ko ito na tinawanan lamang ng malakas ng hudyong lalaki.

"Why are you laughing?" Naiinis ng tanong ko dito.

"Sorry, can't help it Risa" anito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"I'm not Risa, Princess is my name" pagtatama ko dito.

Sinabi ko na ba kay Mairo ang pangalan ko?

Nabura ang ngiti sa mukha nito at tila ilang saglit na dumilim ito pero nawala din agad pagkuwa'y muli itong ngumiti pagkatapos ay hinawakan ang baba saka itinaas paharap sa kanya.

Tuloy muli ko naman namasdan ang guwapo nitong mukha na nagpapasikdo sa puso ko na naguguluhan.

"Then...Princess can I call you Risa?" Tanong nito.

Ilang sandali na nag isip ako kasi madalas Cess ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
Ate Ricce naman ang tawag sa akin nina Percy at Pierre saka nina Luc at Dawn na mga pinsan ko naman.

Hmm....well it just a nickname.

"F...fine, Okay if that's what you want,you can call me Risa" sagot ko dito at saka iniiwas ang mukha ko sa kanya.

Nakakailang kasi ang mga titig nya.

"Anyway where do you want me to paint you? Here?" Tanong ko dito saka iginala ang mga mata sa kabuuan ng Resthouse na pinagdalhan nito sa akin.

"Let's talk about it later, I want us to eat Lunch nagugutom na kasi ako" yaya nito sa akin.
Sukat sa sinabi nito ay nag ingay ang sikmura ko na di pa nga pala nagkakalaman magmula kagabi.
Muli ay humalakhak ang damuhong lalaki kaya naman naaasar na kinurot ko ang braso nito na kinadaing naman nito.

"You deserve it, anyway c'mon let me eat so my stomach will stop rumbling" nakairap na yaya ko dito.
Inakbayan ako nito na kinagulat ko pero di na lamang ako kumibo at ng igiya nya ako sa kumedor kung saan may mga nakahanda na palang pagkain ay nagpatinaod na lamang ako.

___________

"H---hey stop staring at me!" Naiilang na saway ko kay Mairo habang nagtitimpla ako ng mga kulay.

"Why? Nakatitig ka din naman sa akin ah?" Nangingiting sagot nito.

Namumula ang magkabilang pisngi ko na inirapan ko ito.

"Iba naman yun eh, ipinipinta kita kaya kita tinitigan at saka dapat dun ka nakaharap sa dagat ah" turo ko sa dagat.

Nasa Balcony kasi kami ng resthouse kung saan tanaw na tanaw namin ang malawak na karagatan.

Ngumiti na naman ito pero humarap na ito sa dagat.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magpinta.

"How are you now?" Maya maya ay untag nito.

"Huh?"

"I'm asking how are you now?" Muli ay ulit nito.

"I'm fine thank you"

"Are you happy?"

"Yes I am"

"Is....is there someone who makes you happy?" Humarap na naman ito ulit sa akin.
Pero wala na ang ngiti sa prominenteng labi nito.

Nagtataka man ako sa mga tanong ni Mairo ay pinili ko na sagutin ito.

"Yes, Si Deacon" My Precious Son.
Naningkit ang mga mata nito at saka ngumisi pero muli itong humarap sa dagat.

"Is he the one who gave you the ring that I throw in the ocean last night?"

"Oo, salamat sa pagpapaalala ha" sarkastikong sagot ko dito.

Pinaalala na naman nito kasi sa akin ang kalokohan na ginawa nito.
Mabuti na lang talaga at nakahanap ako na kapares ng singsing na iniregalo ni Deacon sa akin....Hay nagbakasyon lang ako para makahanap ng inspiration and to be relax naman kahit konti sa mga problema tapos ayun napagastos pa....salamat sa Damuhong Lalaki na ang pangalan ay Mairo Altagracia!

".....I see...that's why...maybe...yeah perhaps....the reason you left"  nagsalubong ang mga kilay ko pagkat di ko narinig ang huling sinabi nito.

"Huh? Anu yun di ko narinig yun huling sinabi mo eh, pakiulit nga ulit" pero di na ito kumibo pa hanggang lumubog na ang Araw....
Anyway hindi ko natapos ang pagpipinta ko sa kanya ngayon araw kasi gabi na kaya naman bukas na lang ulit namin itutuloy ang session.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now