Chapter 22

3.9K 114 15
                                    

"Is Mommy ill?" Wala sa loob na nagbaba ako ng tingin sa batang nakaupo sa kandungan ko at nakahawak sa braso ko.

"She....will be fine....don't worry kiddo" matamlay na sagot ko dito habang hinahaplos ang malambot na buhok nito.
Pero sa loob loob ko ay kinakabahan ako sa kalagayan ni Risa.
Kanina after nyang mawalan ng malay ay dali daling dinala agad namin ito sa katapat na hospital ng mall.
At Hindi pa din ito nagkakamalay hangang ngayon.

"I miss my Mommy so much, I wish Mommy is fine and never leave me again"nakasibing sabi ulit nito.
Tila kinurot ng Guilt ang puso ko sa sinabi nito.
Kasi alam ko na ako ang dahilan kung bakit nawalay ng matagal na panahon si Deacon kay Risa.
Inilayo ko sya sa Pamilya nya....itinago....

I'm sorry..... impit na anas ko.

"Nagkamalay na ba si Ate Princess?" Nag aalalang tanong ng papalapit na si Pierre.

"Hindi pa...." umiiling na sagot ko dito.

Lumabi ito.

"Ganun ba?" Lumapit ito sa amin ni Deacon at bago pa ako makahuma ay buhat buhat na si Deacon ni Pierre.
"Anyway tinawagan ko na ang mga magulang ko saka ang Kuya ko, malamang malapit na sila dito, thank you sa help, ako nang bahala dito" nakangiting pagtataboy nito sa akin.

"No...I will stay here...I need to know what happen to Risa, I want to stay" umiiling na sagot ko dito.

Nagkibit balikat ito.

"Okay pero please explain to me bakit magkasama kayo ni Ate Princess at bakit parang halata sa mga salita at kilos mo kanina na ayaw mong magkausap kami ng matagal...don't you know the word epal?" Muli ay umiling lamang ako sa tanong nya.
I don't want to explain to him,

Umingos naman si Pierre sa reaksiyon ko.

"What Epal means Tito Pierre?" singit ni Deacon.

"Epal means that Man, Did you know that Man want you and your Mommy to separate again? So epal sya" sagot ni Pierre dito.

Nanlaki ang mga mata ni Deacon.

"So it means that man is bad?"

"Yeah..."

Napakuyom ako ng kamao pero di ko ito kinontra.

Anuman ang mga masasakit na salita na ipupukol nila sa akin ay tatanggapin ko basta ang mahalaga ay malapit ako kay Risa at pag nakakuha ako ng pagkakataon ay muli kong ilalayo si Risa sa kanila.

"Are you a villain Mister?" Tanong ni Deacon sa akin.

"Maybe.....yes?" Sagot ko dito.

Nagpababa ito kay Pierre at saka lumapit sa akin at hinawakan ang  magkabilang pisngi ko saka nakipagtitigan sa akin.
Nang magtama ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng pagkislot ng puso ko.
Pakiwari ko nakikipagtitigan ako sa batang version ko.

"I hope not Mister na di ka villain because I like you and Mommy also like you too" sambit nito na nagpalundag sa tuwa dito sa dibdib ko.

Napalunok ako at akmang magsasalita ng biglang lumabas sa pinto ang Doktor na syang sumuri kay Risa kaya naman agad na lumapit ako dito para itanong ang kalagayan ng huli.

"How is she?"

"She is fine, don't worry" nakangiting sagot nito.
Tila gusto kong magalit sa gawi at salita nito.

Risa is just fine...so why she fainted?
Clearly she is not  feeling well!

"But Mister congrats sa inyong mag asawa because after eight months ay may bago ng miyembro ang pamilya nyo" anito na nagpalundag sa galak sa dibdib ko.
Napangiti ako ng maluwang at saka nakipagkamay dito.

"Thank you Dok!" Pasasalamat ko dito at tinapik tapik ako nito sa balikat ko.

Nang umalis na ito ay nagmamadaling pinuntahan ko na si Risa na wala pa din malay sa kuwarto at naupo sa katabing silya ng hospital bed saka hinawakan ang malambot na palad nito.

"Love wake up soon because I can't wait to tell you na malapit na tayong magkaroon ng Mini Mairo or Mini Risa" bulong ko sa wala pa din malay na Asawa ko at dinampian ko ang mabining halik ang noo nito.

"Did i hear it right? Buntis ang Ate Princess ko at klaro naman na malaman ikaw ang ama?" Tanong nang kasunod ko si Pierre.


"Talaga po Tito Pierre? Magkakaroon na ako ng kapatid?" Excited na tanong ni Deacon dito.

Bago pa makasagot ito ay may tinig ng umalingawngaw  sa likod nito.

"Di kaya, lumunok lang ng buto ng pakwan ang Nanay mo tapos after ng ilang buwan aanihin na natin yun bunga" sagot ng lalaking pamilyar sa akin.
Napalunok ako bago nakipagtitigan sa lalaking karibal ko kay Risa...walang iba kundi si Percival Pascua....




MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now