@mickeynene4098 thank you sa cover:)
"Huh?" Nagtatakang nilinga ko ang buong kapaligiran ko kasi nakapagtataka ang katahimikan ng buong mansion.
"Risa, gising ka na pala?" Nilingon ko si Mairo na nakalapit na pala sa akin nang di ko namamalayan at niyakap ako mula sa aking likuran at hinagkan ang kaliwang pisngi ko.
"Ahm...oo...uhm Mairo ba't parang ang tahimik ng paligid...something happen?" Di makatiis na tanong ko dito.
Tila natigilan ito sa tanong ko dito.
Huminga muna ito ng malalim saka sinagot ang tanong ko."Yeah, Kuya Cairo and Winona's wedding prosponed o malamang di na matuloy" sagot nito.
"Hala pero bakit may nangyari ba?"
"....may nagpadala ng video kay Ate Winona...the content is Kuya Cairo having sex with another woman, galit na galit si Winona na kahit pa anung paliwanag ni Kuya ay sarado na ang isip nya....umalis na si Winona at mukhang sinundan sya ng kapatid ko....anyway siguro dapat ipaayos ko na yung flight natin pabalik ng Las Vegas" sagot nito.
"Ha? B---bakit uuwi na agad tayo? Eh di pa tayo nakakapunta dun sa mga gusto ko na pasyalan natin,saka dumadaan kayo ngayon sa masalimuot na sitwasyon, kailangan ka nila" nakasimangot na angal ko dito.
Hinagkan nito ang noo ko.
"May mga dapat kasi akong isara na business deal na dapat ako mismo ang personal na dapat na humarap sa mga kliyente....sorry pero dapat na icancel muna natin yun vacation plan nating dalawa, hindi ko na nga mahihintay pa na magkasundo si Kuya Cairo at Winona at matuloy ang kasal, family is important and so our business dahil maraming empleyado natin ay may mga pamilya din na dapat suportahan at di ko sila kayang balewalain" paliwanag nito.
Lumabi ako pero dahil naiintindihan ko naman ang rason nya kaya tumango na lamang ako dito.
Napangiti ito saka niyakap ako ni Mairo ng mahigpit.
"Thank you Risa, promise I make it up to you" pangako nito sa akin.
Sa kaibuturan ng puso ko ay damang dama ko ang lalim ng pangako nito.
____________
"Yeah thank you Louie, maaasahan ka talaga" wika ko sa kaibigan ko na may ari ng travel company na syang nag ayos ng flight namin pabalik ng Las Vegas.
Pinatay ko na ang cellphone at muling sinamyo ang mga pulang Rosas na ibibigay ko mamaya kay Risa pag uwi ko sa Mansion.
"Parang may kulang...ah alam ko na nagpapabili nga pala ng peras si Risa sa akin, makapunta nga muna sa Grocery" sa isip ko habang naglalakad papunta sa Grocery.
Habang abala ang mga mata ko sa pagtingin sa mga damit na naka display sa mga shop na nadadaanan ko ay di ko napansin na may tumatakbong bata na sa harap ko at nabunggo nya ako.
Mahina lamang ang impact nun sa akin pero sa batang lalaki ay mukhang malakas pagkat natumba ito at nag alala agad ako na baka nasaktan ito at umiyak kaya naman agad na dinaluhan ko ito."Are you okay kiddo?" Malambing na tanong ko dito.
Nag angat ito ng tingin at tila nahigit ko ang paghinga ko ng magtama ang mga mata namin ng batang lalaki.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko at sa di ko mawari kong dahilan ay tila gusto ko na yakapin ang batang lalaki."I'm okay naman po" magalang na sagot nito saka mabilis na tumayo at nag bow sa akin.
"Thank you po Sir" anito.
Napuno ng fondness ang puso ko at sa isip ay naglaro ang what if di nagsinungaling si Risa sa akin dati na buntis sya, na totoo pala yun, malamang kaedad na nito ang naging anak namin....Well I will work harder in that department, magkakaroon din kami ni Risa ng sarili namin anak at gagawin ko ang lahat...lahat lahat wag lamang mawala sa akin si Risa....kahit pa ang ilayo sya sa pamilya nya....Itatanong ko pa sana sa batang lalaki kung anong pangalan nya ng may pamilyar na lalaki ang tumawag dito.
"Deacon!" Bakas ang pag aalala sa mukha nito na agad na niyakap ang bata.
"Ikaw talaga kang bata ka takbo ka ng takbo pag ikaw talaga nawala, bahala ka" anito sa bata na humagikhik lang pero yumakap naman ito sa leeg ng lalaki.Hinarap ako nito at katulad ng batang tinawag nyang Deacon ay nag bow din ito sa akin.
"Thank you" anito at saka tumalikod na.
Sinilip ako ni Deacon saka nakangiting kumaway sa akin...habang ako ay tila naestatwa sa kinatatayuan ko pagkat ang nakaharap ko lang naman ay Mag ama pala ni Risa....."Mukhang tama talaga ang desisyon ko na bumalik na kami ni Risa sa Las Vegas, I don't wanna risk the chance na magkita kita silang tatlo uli.....Risa is mine!" Kuyom ang kamao na naisip ko habang tanaw papalayo ang mag ama...