Chapter 22.1

3.5K 88 1
                                    

Kuyom ang mga kamao na humarap ako sa mga bagong dating.

Kahit ayaw ko na harapin sila mukhang wala na talaga akong takas.

I need to face them and fight to be with my Risa! Saloob loob ko habang pilit na pinakakalma ko ang dibdib ko na malakas ang pagkabog.

".....so ano to? Titigan lang tapos yun unang di na nakatiis talo na?" Napakurap ako sarkastikong tanong ng lalaking kinaiinisan ko.
Tiim bagang na pilit na ngumiti ako sa kanila.

"Nice to meet you po Ma'm,Sir, I'm Mairo Altagracia" magalang na pagpapakilala ko sabay abot sa mga ito ng calling card sa mga ito.

"Hala sya ba't sa kanila nagpakilala ka sa akin hindi?" Salubong ang mga kilay na singit ni Percival Pascua sa amin ng mga magulang nito.

"Sa akin nga Kuya ayaw nyang makipag usap ng matino sa yo  pa na walang sense kausap" natatawang biro ng kapatid nito.

"Haha, coming from you cheater, di kapani paniwala haha" sikmat dito ni Percival na inirapan pa ang kapatid at matalim ang mga mata na sinuyod ako mula paa hanggang ulo, ulo hanggang paa.

"Di ako taksil ha, etong pamangkin natin ang may kagagawan kung bakit nagalit si Marjorie sa akin...at saka panu mo nalaman agad yan?" Maang na tanong nito sa kapatid.
Ngumisi lamang ang gago at nakipag thumbs up sa batang si Deacon na ganun din ang ginawa.

May fondness na umusbong sa puso ko dahil sa nakita kong cute na gesture ni Deacon.

"Hey Deacon alam ko magkakampi kayo ni Kuya Percy pero wag mo naman pakahalata, nakaka hurt kayo ha?" May bakas ng hinanakit sa mukha ni Pierre.

Kapwa ngumisi ang dalawa.

Pagkuwan ay isang tikhim ang narinig namin na pinakawalan ni Mr. Pascua.

Lumingon agad ako sa mga ito at tipid na ngumiti sa mag asawa.
Maluwang na ngumiti si Mrs. Pascua na di ko namalayan na nakalapit na pala sa wala pa din malay na Asawa ko.
Masuyong humalik ang Ginang sa noo ni Risa pagkuwa'y bumaling sa akin ito.

"Magkaibigan ba kayo ni Princess, Hijo?" Tanong nito sa akin.
Ilang saglit na natigilan ako at nagtataka kung sino ang tinutukoy nya na Princess pero agad na naisip ko na si Risa malaman ang tinutukoy nya kaya agad na umiling ako dito.

"No po Mrs. Pascua, higit pa po sa magkaibigan ang relasyon namin"magalang at maingat na sagot ko sa Ginang.

"Malamang ikaw ang bumuntis sa kapatid namin" singit ni Pierre na kinasinghap nang tatlo.
Muli ay nakuyom ko ang mga kamao ko  at hinanda ang mukha ko para salubungin ang kamao ni Percy Pascua.
Pero sa gulat ko ay ang kamao ni Mr. Jasper Pascua ang dumapo sa mukha ko.

Nawalan ako ng balanse at napaupo na lamang sa malamig na sahig.

"How dare you young man impregnate my Daughter without our knowing!"sumisingasing sa galit na wika nito.
Maang na napatingala ako dito habang hawak hawak ng kaliwang palad ko ang sinuntok na bahagi ng mukha ko nito.

"Hahaha, nagtanong ka pa Dad, buntis na nga si Ate Princes ng makita ulit  sya wala tayong idea kung sinong Ama ni Deacon, tapos ngayon may lalaki nang nasa tabi ni Ate tapos nagagalit ka pa rin?" natatawang sabi ni Percy na nakaupo na pala sa sofa katabi ni Pierre at Deacon.

Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa inasal ni Percy.

Bakit di sya nagagalit?
Bakit parang natutuwa pa sya sa nangyayari?
Di ba dapat magalit sya sa akin dahil nabuntis ko ang Asawa nya?

"Shut up Percy, for once, magtino ka naman at kampihan mo ako na sariling Ama mo d'yan! Itayo mo ang bandila ng pamilya natin" Tila naiinis na wika ni Mr. Pascua sa anak nito.
Umingos dito si Percy at tumayo ito at lumapit sa akin.
Kinabahan ako na baka nga tulungan nga ito ang ama at suntukin din ako nito.
Pero nagulat ako nang malakas na dinagukan ako nito sa ulo ko na tila kinahilo ko.

"What the f*ck are you doing?!" Di ko napigilan na singhal dito pero ngumisi ito at ikinuyom ang dalawang kamao at sa gulat ko ay nilagay nya sa magkabilang sentido ko sa inipit nya na nagpasakit sa ulo ko.

"Dad okay na ba ito?" Nakangising tanong nito sa Ama na nakangiwi habang hawak nito ng kaliwang palad ang ulo na parang sya yun nasasaktan imbes na ako.

"Go, go, go, Tito Percy, bring Justice to my Mummy!" Pagche cheer dito ni Deacon na pumapalakpak pa ganun din si Pierre.

"Oh my god anak stop hurting him, Jasper stop him!" Awat dito ni Mrs. Pascua.

Pero ayaw magpaawat dito ng anak at tuloy pa din sa ginagawa nito sa ulo ko pero wala na dito ang pansin ko kundi sa mga gawi nila at mga usapan.

Bakit ganun ang mga reaction nila?
Bakit Tito Percy imbes na Daddy ang tawag ni Deacon kay Percy?
Mas lalong sumakit yata ang ulo ko sa dami ng mga katanungan na di masagot sagot ng naguguluhang isip ko.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now