Chapter 10.1

3.7K 109 9
                                    

"What? Are you serious Mom?" Gulat na tanong ni Mairo sa Ina nito.
Halata sa Guwapo nitong mukha na tila hindi ito makapaniwala sa binalita ng Ina.

Habang ako naman ay nakadama ng pagkataranta at takot kaya naman napahigpit ang kapit ko sa braso ni Mairo.

Nilingon ako ni Mairo at napatitig ako sa mga mata nito na tila humihingi ng pag unawa sa akin.

Alam ko....Alam ko....mapait akong napangiti.

Isang tikhim ang pumukaw sa amin dalawa at kapwa kami lumingon sa Ina ni Mairo.

"Hija, if you don't mind, may kailangan lamang na pag usapan ang Pamilya namin at ni Giselle kaya naman....." wika nito at di man tuwiran na sinasabi ay halata naman na gusto nito na umalis na ako.

Umantak na naman ang kirot sa dibdib ko.
Muli ramdam ko na naman ang lungkot dahil nag iisa lamang ako sa mundong ito.
Walang Magulang, kapatid, kamag anak pati na maituturing na malapit na kaibigan ko, at ngayon mukhang pati si Mairo ay mawawala na din sa akin.

"Ahm.....M---mairo mauna na ako.....Mrs. Altagracia,aalis na po ako"akma na sanang aalis ako ng hawakan ni Mairo ang palad ko.

"Mom, don't be harsh to Risa because she is already a member of this fa---" agad na nag panic ako at tinakpan ang bibig ni Mairo.

"Ah, Madam saglit lang po at may ibibilin lang po ako dito kay Mairo na importanteng mahalaga" singit ko saka hinila ko na papalayo si Mairo sa Ina nito.

"What's that Risa, why you stop what I'm gonna tell to Mom?" Sita ni Mairo sa akin.

"Please Mairo, wag muna ngayon, can't you see na nandun si Giselle pati na mga magulang nya at kini claim nya na nabuntis mo sya" nakagat ko ang lower lip ko para pigilan na mapasibi.

Ayaw ko na makita ni Mairo na umiyak,
Isa pa may malaking kasalanan ako na nagawa.

"So what? We don't know kung totoo talaga ang mga sinasabi nya at kung totoo man yun ay handa kong panagutan ang bata pero hanggang dun lang yun dahil may obligasyon na din ako sa iyo" naiiritang sagot nito na mas lalo kong kina guilty.

Hindi ko na kaya....

"I'm not pregnant, I'm just joking kanina" pilit na tumawa ako dito.

Muli halata na nagulat ito at di makapaniwala sa pag amin ko na nagsinungaling ako sa kanya.

"Risa anung kalokohan yan mga pinagsasasabi mo ha?" Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako.

"April fools day ngayon kaya naman naisip ko na I joke ka at...at hindi ko naman alam na...na,anyway wala pa naman yun di ba? Hindi pa naman naipapasa yun kaya naman kung... kung gusto mo na ipa cancel okay lang, anyway hindi ako magtatampo pero siguro kailan na lumayo muna ako sa iyo, baka kasi hindi mo na makayanan mapigilan ang galit mo kasi niloko kita" napatawa ako ng pagak pero naputol ito ng sampalin ako ni Mairo ng malakas na tila nagpabingi sa pandinig ko.

"M---mairo?" Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako dito.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ako nitong pagbuhatan ng kamay.
Malamang sobra talaga ang galit nito sa pagsisinungaling ko.

"How dare you fooling me?!" Madilim na mukha nito tanda na galit na galit na nga ito.

Sapo ang namumulang pisngi ay yumakap ako dito.

"I'm sorry Mairo, natakot lang kasi ako dahil nalaman ko na na,nabuntis mo nga si Giselle at pag nalaman mo na...nalaman mo buntis nga sya ay" napakagat labi ako.
"Iwanan mo na ako" halos mamaos ang boses ko ng ganap ko ng masabi ang nasasaloob ko.

"I'm sorry Mairo, Mahal lang talaga kita kaya ko nagawa yun" tinangka ko na yakapin ko ito pero malakas lamang ako nitong tinulak dahilan para mawalan ako ng panimbang at mapaupo na lamang sa damuhan.

Umismid si Mairo at ngumisi.

"Love? What's that?" Tanong nito sa akin at napayuko na lamang ako.
" Anyway leave and don't show your face here anymore" pagtataboy na kinasakit na dibdib ko.

At kahit na masakit pa ang balakang ko ay nagpilit akong tumayo at sinunod ang sinabi nito.

Alam ko na sa pagsunod ko sa utos nya ay ang pagtatapos din ng relasyon namin kung meron man na dalawa....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now