Chapter 10

3.8K 96 1
                                    

"Risa?" Nagtataka na lumapit sa akin si Mairo.

Nasa Parking Lot ako ng Kumpanya nila pagkatapos ng hindi magandang eksena sa pagitan namin ni Giselle at lumayo ako pagkat hindi ko na kinaya pa ang rebelasyon ni Giselle na buntis ito at si Mairo ang Ama....

Habang sakay ng Bus kanina papunta kay Mairo ay naisip ko na pag nalaman nito na nabuntis nito si Giselle ay iwan nya na ako at panagutan ang huli sa pamamagitan ng kasal....

Paano na ako?

Ano ganun na lang yun? Pagkatapos ng panandalian na sarap ay pighati pala ang kasunod?

Hindi ako papayag....

Patuloy pa din akong kakapit at aasa na di ako itatapon basta basta ni Mairo....pero paano kung kabaligtaran ang mangyari?

Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa dibdib ko.

"Risa?" Muli ay untag ni Mairo na nakalapit na pala sa akin.
Hinawakan nito ang braso ko at matiim na tinitigan ako.
"Umiiyak ka?" Bakas ang pagtataka at pag aalala sa Guwapong Mukha nito.
"Why? May nangyari ba na hindi maganda sa iyo? Tell me Risa" bumalong na ang masaganang luha sa mga mata ko at saka biglang yumakap dito.

"Mairo....Mairo..."

"Hush Hon, calm down and tell me what's wrong later okay...." pag aalo nito habang masuyong hinahagod ang likod ko.

"Mairo....bun...nn.." humihikbi na wika ko

"Hmm..... what it is..." malakas ang kabog ng dibdib ko.
Alam ko na pag sinambulat ko ang nasasaisip ko.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na tiningala ito.

"Mairo..na...bun....."  oh my God....sorry po talaga sa gagawin ko,

"What?" Nakangiti pa din na tanong nito saka hinaplos ang pisngi ko.

"Mairo nabuntis..."( mo ba si Giselle?) Yun dapat ang itatanong ko pero iba ang namutawi sa bibig ko.

"Buntis ako Mairo" malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasabi ang kasinungalingan na yun.

Natigilan si Mairo at natakot talaga ako sa susunod na mangyayari kaya naman pumikit ako at saka yumuko.

"Really? Wow talaga?" Di makapaniwalang bulalas nito at nagulat pa ako ng yakapin ako nito ng mahigpit.

"M---mairo?" Nagtataka ako sa naging reaksiyon nito.

Ngumiti ito at siniil ako ng halik na talagang kinagulat ko.
Ilang saglit na magkahinang ang mga labi namin at ng matapos ito ay muli akong tumingala dito.

"Mairo hindi ka galit?" kinakabahan na tanong ko dito kasi alam ko na kasinungalingan lamang ang mga pinagsasasabi ko dito.

Buong simpatiko na ngumiti ito at pinisil ang baba ko.

"Why should I? I'm glad that we already make a new life although it was so early but still...thank you for that" sagot nito na muli ay niyakap ako. Halata ang saya sa boses nito na kinakunsensiya ko talaga ng husto.

"I promise to you na lalo pa akong magsisikap ng husto for you and to our baby" dagdag pa nito na kinabahala ko na talaga.

God...Paano ko itatama dito ang lahat at ipagtatapat na hindi naman talaga ako ang Buntis kundi si Giselle?

____________

"W---wait teka lang Mairo" kinakabahan na wika ko dito saka huminto sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko na napakalakas ng kabog.

Nandito kami ngayon ni Mairo sa harap ng Mansion nila after namin magpunta sa Ninong nito.

He wants to settle this important thing daw and he already do the first part and now is this....

He wants to tell to his Family na nabuntis nya ako na nagpa guilty lalo sa akin.

"It's alright Hon,"  anito na pinisil ang palad ko na hawak hawak pa rin nya.

"Mairo..." ramdam ko ang pamamasa ng magkabilang mga mata ko.

"Let's finish this coz we have another thing to celebrate  pa di ba?"  Malambing na sabi na kinapula ko.

"Yes..." napatango ako dito saka huminga ng malalim at ngumiti na dito pagkaraan.
"Tara na?"  Yaya ko dito at magkapanabay na kaming pumasok sa Mansion nila para lamang matigilan ng mabungaran namin ang buong pamilya ni Mairo na tila hinihintay talaga kami.... o baka si Mairo lang dahil agad na napansin na may iba pang tao na naroroon at agad na kinabahan ako ng mamataan na si Giselle.

"Buti naman Mairo at ikaw na mismo ang nagpunta dito sa Bahay" nakangiting wika ng Ina ni Mairo na agad na lumapit sa anak nito at niyakap.

"Yeah....hmm Mom,bakit nandidito si Giselle pati na ang mga magulang nya?" Nagtatakang tanong ni Mairo sa Ina nito na nagparamdam ng takot sa di mapakaling puso ko.

Kasi alam ko ang dahilan ni Giselle....

Ngumiti ang Ina nito.

"Well buntis daw si Giselle at ikaw ang itinuturong Ama ng Anak nya"  sagot nito na kinapikit ko.

Sinasabi ko nga ba..

"What?" Di mapakaniwalang muli ay bulalas nito.
Napakapit na ako sa braso ni Mairo sa takot na mawala ito.

"Yes at nandito na ang mga magulang ni Giselle para pag usapan na ang kasal nyo" dagdag pa ng Ina nito sa di pa nakakahumang Anak nito.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now