Chapter 17

3.9K 123 7
                                    

"Percy, anung ginagawa mo dito?!" Nanlalaki ang mga mata na sita ko sa magaling na kapatid ko na syang naabutan ko sa kuwarto namin ni Marron.

Katatapos ko lamang na maligo kasi lagkit na lagkit ako.

"Sino etong lalaki na ito?" Sita ni Percy sa akin sabay turo sa painting namin ni Mairo.
"Bakit iginuhit mo sya tapos kasama pa kayo ni Deacon....boyfriend mo?"

"Of course not!" Namumulang lumapit ako sa painting at saka tinakpan ang Painting.
"Model ko lamang sya sa theme na gusto ko, a perfect family potrait and wala akong maisip na model sa mag ina nya....ano" napakamot ako sa batok ko kakaisip ng idadahilan kay Percy.
"....k---kundi kami ni Deacon"

Ngumuso si Percy, halata sa mukha ang di paniniwala.
"Weh? Di nga?"

"Oo nga, saka puwede ba lumabas ka muna at magbibihis lang ako?" Nakataas ang kaliwang kilay ko na itinuro ang pinto.

"Eh di wow!" Nakangusong sagot nito saka nagmamartsa nang lumabas ng kuwarto ko.

Nang makalabas na ito ay nakahinga na ako ng maluwag.
Dali daling nagbihis na ako at ng matapos ay muling chineck ang laman ng mga maleta ko.....

"Hmm....okay naman at kumpleto na lahat" next naman na chineck ko ang passport at ticket ko para sa flight ko papuntang Paris mamayang madaling araw.

Oh well...time flew so fast at agad na natapos na ang one month vacation namin ni Deacon and now it's time to face the reality and here I am at papunta na ng Paris para mag aral at mamamalagi ako dun ng dalawang taon.

Gusto ko nga na isama si Deacon pero wala naman din akong time na makasama ito so it's much better na lang na maiwan ito dito sa Pilipinas kapiling ng Pamilya ko.

Napapitlag ako ng madinig ko ang pag ring ng cellphone ko.
Nang mahawakan ko ito at tignan kung sino ang tumatawag ay awtomatikong napangiti ako.

"Mairo napatawag ka?" Agad na tanong ko dito.

After na matapos na painting nito at mabili sa mataas na halaga ay babayaran ko sana ito na tinanggihan nito at sa halip ay hiningi ang number ko.
At sino ba naman ako para tumanggi sa Libre di ba?
Kaya ayun officially textmate na kaming dalawa hehehe....

About naman sa isa pang Painting na ipininta ko na syang nakita ni Percy kanina ay mananatili ko naman na personal na koleksiyon.

"......y---yeah....I...I just want to hear your voice...bago ka man lang umalis papuntang Paris" sagot nito.

Napangiti na naman ako kasi naman kinilig ako sa sinabi nito.
Maybe in his side walang malisya ang mga gestures at mga salita nito pero pagdating sa akin ang lakas ng impact na kundi lamang ako nagpapaka dalagang Pilipina ako malamang ako na mismo ang unang nagpakita ng pagkagusto dito.

Isa pa hindi ko pa nasasabi dito na may anak na ako at di ko kilala ang Ama nito.
Tapos hindi din naman ito nagpapahiwatig na gusto nito na mas lumalim pa o humigit pa sa pagkakaibigan ang gusto nitong mangyari sa amin dalawa.

At isa pa eto nga at aalis na ako papunta sa Paris para mag aral at mananatili ako dun ng dalawang taon....baka pagbalik ko dito sa Pilipinas ay may Girlfriend na ito o kaya Asawa kaya naman ngayon pa lamang ay dapat patayin ko na ang kung anuman na nararamdaman ko dito.
Tama na ang Crush at erase na ang Like or Love......sa ngayon.

"Ihahatid mo ako?" Excited na tanong ko dito.
Gusto ko kasing masilayan ang Guwapong mukha nito bago ako lumipad papunta sa Paris.

".....no...I can't...ahm....b--busy kasi ako something came up and nandito ako sa Davao ngayon" tila nagpapaliwanag na sagot nito.

Bumagsak ang magkabilang balikat ko sa sinabi nito.

"Ganun ba...ahm----" naputol ang sasabihin ko sana dito ng bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok si Deacon na nakapantulog na.
"Deacon!" Kinarga ko agad ito sana muling kinausap si Mairo.
"Mairo sa ibang araw na lamang tayo mag usap ha bye" di ko na hinintay pa ang isasagot nito na pinatay ko na agad ang cellphone.

"Mommy love you~" malambing na wika ni Deacon sa akin at pinugpog ng halik ang mukha ko.

"Ay ang Baby Deacon ko ang sweet sweet talaga pakiss nga din" nangingiting sabi ko dito at pinugpog din ito ng halik na kinahagikhik nito.

Hay mamimiss ko talaga ang anak ko pero para sa  magandang future ng anak ko ay titiisin ko ang malayo muna dito.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now