Chapter 6

3.6K 105 3
                                    

Nagmamadali ang mga hakbang ko na tinatahak ang papunta sa may gate ng eskwelahan para makahabol sa Jeep na papaalis na.

Sumide line kasi ako ng pagtutor sa isang bata na nasa Grade 1 pa lang,
Para Extra Money na din,

Malapit na akong makalabas na naramdaman ko na may tumulak sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at pumalakda tuloy ako sa lupa.

"Aray..." napapangiwi na pinilit ko na makatayo kahit pa masakit ang mga tuhod at dibdib ko gawa ng pagkakadapa ko at ng magawa ito ay nilingon ko ang kung sinuman na walang pusong nilalang ang tumulak sa akin.

Nakita ko ang dalawang Minions ni Giselle na taas kilay at nakahalukipkip pa na nakatingin sa akin.

"Bakit nanunulak kayo d'yan?" Asar na sita ko sa dalawa.
"Nakakasakit na kayo ah! Pano kung ang ulo ko ang nabagok?"

"Excuse me?" Ngumisi ang isa at nag flipped pa ng buhok.
"How dare you accussing us na nanulak sa iyo kami lang ba ang nasa likod mo?"

"Oo nga" gagad pa nung isang Minions.

Ginaya ko din ang Expressions nila.

"Natural tayo na lang ang tao dito oh!" Sagot ko sa mga ito.

"Hmp whatever Whore, tayo na nga Farrah" inirapan ako ng isa sa mga Minions at niyaya na ang kaibigan nyang Minions din.

Sumulak lalo ang pagka inis ko sa dalawa gawa ng salitang binitiwan nya.

Nang akma na lalagpasan na ako ng dalawa ay mabilis na hinawakan ko ang braso ng tinawag na Farrah na kinadaing nito.

"Ouch!"

"Hey bakit ka biglang nagtatawag na Whore ah?" galit na sita ko sa nagsalita kanina.

Inirapan ako nito.

"Totoo naman ah, di ba nilalandi mo ang Boyfriend ni Giselle?" Sagot nito na kinatigil ko at lumuwag din ang pagkakahawak ko sa braso ni Farrah dahilan para walang kahirap hirap na makapiglas ito at makawala na ng tuluyan sa hawak ko.

"Nagulat ka nuh? akala mo hindi malalaman ni Giselle ang kalokohan mo?" Nakakalokong tanong nito na kinaputla ko.

"A---anung....si M---mairo...nagkagalit ba sila, nakikipag hiwalay na ba si Giselle sa kanya?" Kinakabahan na tanong ko.

Sana naman wag....kasi I'm sure mas lalo na akong Iiwasan ni Mairo pag nagkataon at ayaw ko pa na mawalay sa kanya.

Hindi pa ako ready.....

"Para ano? Para may chance na makapaglandi ka sa kanya? Ano ka sinuswerte?" Wika naman ni Farrah.
"They were going strong, hindi ang isang gaya mo lang  na isang dukha at ulila ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa"

Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi nya.

"And by way dapat pala na pasalamatan ka ni Giselle nuh?" Nagtaka ako sa sinabi nya.

"H---ha para saan?"

"Eh kasi---teka Mariel your phone please, papakita ko lang dito sa Whore na ito ang ganap sa buhay ng Bestie natin" nakangising wika ni Farrah dito na agad naman na tumalima.
Ibinigay ni Mariel kay Farrah ang Cellphone na maarte naman na naglakad papalapit sa akin.

Bigla ay kinabahan ako.

"Here take a look" anito at iniharap na sa akin ang screen ng Cellphone ni Mariel.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng tila pagsipa sa dibdib ko ng Emosyon na pamilyar na pamilyar sa akin.

Sa screen nakita ko ang mga post ni Giselle sa Instagram na nakasubsob sa hubad na dibdib ni Mairo.
Tanging pulang kumot lamang ang tumatabing sa katawan ng dalawa.
Halata na dumaan ang dalawa sa isang intimate sessions.

Napalunok ako at pigil ang mga luha na binasa ko ang naka caption sa mga larawan.

No matter how much they try to separate us by using temptation, I put my trust in you, we will be much stronger Baby,stay together,
I love you too.... mga katagang alam ko na may patama sa akin.

"See, because of you mas lalong tumitibay ang pagmamahalan nila kasi mas narere realised ni Mairo na mahal na mahal nya ang kaibigan namin at hinding hindi nya iiwanan si Giselle para lamang sa isang malanding kagaya mo, alam na alam mo naman na may Girlfriend na ang nilalandi mo, sige sige ka pa rin" nang iinsulto na wika nito sa akin.
"Let's go na Mariel" yaya nito sa kasama nito at naiwan na naman ako na mag isa.

Nang mawala na ang dalawa ang tila nabuksan na gripo ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko.

Ayun na naman kasi ang pakiramdam ng pagkatalo sa puso ko.
Tama ito nilalandi ko si Mairo kahit na alam ko na may mahal na itong iba,
Siguro nga pinapansin ako nito sa ngayon dahil may mga pangangailangan ito na ayaw nitong I Demand kay Giselle....pero ngayon na umabot na sila ni Mairo sa next level....may pakiramdam ako na hindi na ako kailangan pa nito sa buhay nya at iitsapwera na ako nito sa buhay nya.

Kaya ko pa ba?

O susuko na?

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now