Chapter 25

2.9K 72 3
                                    

Nauna nang pumasok sina Risa at Deacon sa Bahay namin kasi naman tumawag si Kit sa akin,my assistant.

Tinatanong nito kung kailan ako babalik sa Las Vegas para maka attend ako sa Board Meeting ng Kumpanya.

Nang matapos ang pakikipag usap ko kay Kit ay pumasok na ako sa Bahay.

"Kuya Mairo!" Nakita ko na papalapit sa akin ang nakasimangot na si Naira.
Magkatabi naman na nakaupo Papa at Mama.

"Where's Risa and Deacon?" Nagtatakang tanong ko ng di ko makita ang mag ina ko sa salas.

Lumapit ako sa Mama at Papa ko at nagmano sa mga ito.

"Nandun na sa kwarto mo and will you care to explain to us whose that kid?" Ani Naira.

"He's my Son" walang anuman na sagot ko na naupo na sa katapat na sofa.

Malakas na napasinghap sina Mama at Naira at halata na nabigla naman ang Papa pero di naman ito kumibo marahil ay hinihintay ako na magpaliwanag.

"Is he your Son or....?" Alanganin na tanong  ni Mama sa akin.

"He's my flesh and Blood"

"Paano at Bakit ngayon lang namin nalaman?" Naguguluhan na tanong ni Naira.

"It's a long story but I don't want to tell that" sagot ko.
"Not now"dagdag ko pa.

Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila kung anung dahilan at kwento sa likod nito.

"That's unfair Kuya Mairo, if you don't wanna tell us what's happening or how it's happen, then don't be shock if we think something fishy is behind this" angal ni Naira.

Sinamaan ko ito ng tingin.

Namutla si Naira pero hindi ito nag iwas ng tingin.

"Hijo please, Naira" awat ni Mama sa amin.
"Mairo please understand us, hindi mo naman maiaalis sa amin ang mag isip ng di maganda lalo pa't nakita namin ang bata at mukhang mahigit pitong taon na yun bata----"

"Six years old lang si Deacon"

"Then....if we calculate....then totoo nga yun rumors na may relasyon nga kayo ni Risa dati pa...Kuya Mairo,Ate Giselle is right you're cheating on her!" Nang uusig ang boses na usig ni Naira sa akin.

"Naira stop it!" Saway ni Mama dito.

"Eh Mama, totoo naman eh!"

"Iwan mo muna kami ng Mama At Kuya Mairo mo Naira" utos ni Papa dito.

"Gosh! Papa pati ba naman ikaw? I'm also part of this family, dapat may alam din ako" angal ni Naira na inirapan ako.
Humalukipkip ito at naupo na ulit na tila walang balak sundin ang inuutos ni Papa sa kanya.

"Kung kapamilya ka nga namin ba't mas parang kinakampihan mo pa si Giselle?" Tanong ko dito.

"Eh kasi nga di ba before maging kayo friends na kaming dalawa?"

"Then your loyalty is with her?"

"Kuya nililihis mo ang usapan ah!" Muling angal ni Naira.

"Naira..." ani Papa dito na nakasapo na yun dalawang daliri nya sa kaliwang sentido nya.
Lumabi si Naira pero di na nagsalita pa.

Tinignan ako ni Papa, tila gusto nito na magpaliwanag ako.
Napailing ako saka huminga ng malalim.

"First of all, totoo na nag cheat ako kay Giselle, and alam nya yun alam nga niya na si Risa ang ka affair ko, nag away kami that time pinapili nya ako sa kanilang dalawa at kung akala nyo na si Giselle ang pinili ko...nagkakamali kayo"

"Kuya Mairo ang sama mo, minahal ka naman ni Ate Giselle at saka sinabi mo na nasa kanya na lahat ng qualitys na hinahanap mo sa isang babae ah"

Tumango ako dito, totoo naman na sinabi ko naman yun dati.

"Then why?"

"We break up, na realised ko kasi na oo nga, si Giselle nga ang ideal girl ko pero hindi ako masaya kasi may ibang hinahanap ang puso ko at si Risa yun"

"Kaya Mairo umatras ka sa kasal nyo, ganun ba?" This time ay si Mama naman ang nagtanong sa akin.

"Wala na kaming relasyon nun Ma, isang buwan na kaming hiwalay pero nakiusap sya sa akin na wag ko munang sabihin sa inyo na break na kami kasi gusto nya na sa kanya na magmula yun and alam ko na kasalanan ko kung bakit kami nag break at that time di ko pa alam na buntis sya, technically nakipag break na ako sa kanya at naging opisyal na kami ni Risa kaya lang may nangyari.....and the rest ay alam nyo na" ayaw ko na sanang alalahanin pa yun.
Sumasakit lang ang loob ko pag naaalala ko yun.
Kung di ako nagpadala sa galit at pagdaramdam ko nung aminin ni Risa na nagsinungaling lang sya nun para wag ko syang iwan ay baka hindi ako pumayag na ikasal kami ni Giselle nun.

Kung di ako nagpadala sa nararamdaman ko ay baka di nangyari na mapabayaan ko si Risa at di sya nawalay ng apat na taon sa akin.

"Kuya ang sama sama mo, kawawa naman si Ate Giselle panu mo yun nagawa sa kanya?"

"Mas kawawa sya kung kinasal kami, kasi hindi din sya magiging masaya dahil alam nya at alam ko na di na kami katulad ng dati"

"Naira tama ang kuya mo, at saka isa nakaraan na yun, kasal na nga ang Kuya Mairo at Ate Risa mo at may apo na tayo Khael" ani Mama kay Papa.
Nakangiting ngumiti si Papa dito.
Bakas sa mukha ni Papa ang excitement.

"Deacon ba ang pangalan ng apo namin? Hindi pa namin nakausap ng matagal ang asawa mo kasi nagpaalam sya na iaakyat lang daw nya ang apo namin kasi nakatulog na sya pero di pa sya bumababa magmula kanina?" Excited na tanong ni Mama sa akin.

"Ganun po ba?" Kaya pala.
Nakahinga ako ng maluwag, ang akala ko kasi nagmaldita na naman si Naira kay Risa kaya agad agad na umakyat sa kwarto namin ang mag ina ko.

Tila nabasa naman ni Naira ang iniisip ko.

"Wala akong sinasabi na masama sa kanya ha, kasi kahit bitch ako mas bitch ang asawa mo, wala akong panalo dun!" Nanlalaki ang mga mata na depensa nito sa akin.

Natawa naman kaming tatlo kasi halata sa mukha ni Naira na napipikon na ito.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now