Chapter 13.1

4.1K 124 7
                                    

"At naniniwala ka sa sinasabi nun babae na yun?" Tanong ni Jasper sa akin after na tawagan ko sya at ikinuwento ang nangyari kanina ay na pumunta agad ito dito sa Hospital.

Huminga ako ng malalim at umiling dito.

"I....I don't know....Jasper, she doesn't want me and Percy to let go, and keep calling us Papa and Mama.....and also keep insisting that she is sorry at wag s'yang ibabalik sa Mommy nya and Jasper,naguguluhan man ako...pero dito sa puso ko ay gustong maniwala sa sinasabi nya..." tuluyan na akong napaiyak.
Niyakap agad ako ni Jasper at saka kinabig sa malapad na dibdib nya.

"Hush Love...."

"I want to believe her...because you know how much I miss our Daughter, sasandaling panahon ko pa lamang sya nakakasama nang kinuha sya sa atin...at kahit na alam ko na matagal na syang wala, walang araw na hindi ko pa rin sya naaalala----"

"Kahit ako rin Themarie....miss na miss ko rin sya-----"

"Oi dalawang LoveBirds d'yan!" Nakasimangot na tawag sa amin ni Percy.

Gahol na pinahid ng kamay ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa anak namin.

"How is she, Baby Pumpkin?" Nag aalalang tanong ko kay Percy.

Mas lalong sumambakol ang mukha nito.

"Pinaturakan ko ng pampatulog kaya ayun bagsak, pero Mommy nakakaasar sya ha? Tawag sya ng tawag ng Papa sa akin eh mukhang mas matanda pa nga sya sa akin eh, ayun nga oh buntis pa sya" angal nito.

"What? Buntis kamo sya?" Kunot noo na tanong ni Jasper dito.

"Yes Dad, pero don't worry safe yun sa kanya but that's not the real issue Dad!"

"At ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Jasper sa anak namin.

"Dad, pinagkamalan nya ako na ikaw, di ba dapat si Mommy kasi kami ang magkamukha!" Sagot nito na kinatawa namin pareho.

"Ano pong nakakatawa?"

"Your sentiment Baby Percy, tanggapin mo na kasi na kamukha kita" nang aasar na sabi dito ng Ama na kinangiwi nito.

"Never, pag inamin ko na kamukha kita para ko na rin inamin sa sarili ko at madlang pipol na Monggo ako" ani Percy.

"Huh, Monggo?"

"Monggo, Mongoloid! Yun ang tawag ng mga classmate ko sa akin, palibhasa insecure sa kagwapuhan na taglay ko, hmp, wait lang bibili lang ako ng mineral water, nauhaw ako dun eh " Sagot nito saka nagmamartsang naglakad papalayo sa amin.

Kapwa kami napailing na lamang ni Jasper dito.

"You know kahit topakin ang anak natin, di ko magawang mainis sa kanya kase mahal na mahal ko sya sila nina Princess at Pierre lalung lalo ka na Love, na wala nang natitira pang puwang ng anumang emosyon dito sa puso ko" madamdaming sabi ni Jasper na nagpatalon sa puso ko sa sobrang saya.

"Ako rin Jasper..." nangingiting sumandal ulit ako sa malapad na dibdib ng Asawa ko.
"Mahal na mahal ko din kayo"

"NagP PDA pa rin kayo d'yan?" Di makapaniwalang bulalas ng nakabalik na si Percy.  "Tama na po yan at naghihintay na si Tita Sanji para dun sa result ng DNA Test na pinagawa ko and correction please dugo ko ang pinagamit ko para sure tayo na magkapatid kaming dalawa" nagmamadaling hinila na ang mga kamay namin ni Jasper at pagkatapos ay pumagitna sa amin dalawa at kumapit sa magkabilang braso namin ni Jasper.

"Nalabas na agad ang resulta Anak?" Nagtatakang tanong ko dito.
Kanina kasi ng ipagpilitan nga nun dalaga na sya si Princess ay agad na kinausap ni Percy ang Doktor na sumusuri dito at nagpakuha ng dugo for DNA Testing na gagawin nga.
Ngumiti ng matamis si Percy na nagpaguwapo lalo dito.

"Ako pa ba Mom?" Anito na kinailing ko lamang at kinangisi din ni Jasper at ginulo pa ang buhok ng anak na nagpatawa naman sa huli na halatang halata na gusto nito ang gesture ng Ama..

"That's my Son,antalino Baby Percy mana ka talaga sa akin 'nak" natatawang sabi dito ni Jasper.

"Daddy nagmana man ako sa iyo ng brain, kalahati lang yun, yung half kay Mommy na" nakangusong  sagot dito ni Percy na kinahagalpak ng tawa ng Ama nito.

"At least may inamin ka na nakuha mo sa akin aside dyan sa gender mo"  sabi nito na mas kinahaba ng nguso ni Percy.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now