Chapter 19.1

3.8K 99 10
                                    

"Ate Giselle!"  Halata ang saya sa magandang mukha ni Naira na tumayo saka lumapit kay Giselle at nakipag beso beso dito.
"Buti naman at dumating ka na, ikaw ang fresh air ko dito sa house kasi may toxic dito!" Tila pagpapasaring nito sa akin kaya naman nag iwas ako ng tingin.

"Naira!" Saway dito ng Ina nila saka tumayo na din at lumapit kay Giselle at nakipagbeso beso din.
"Akala ko di ka na dadating hija, glad you make it" anito sa dalaga.

"Well...madami nga po  akong commitment pero luckily,may break ako ng mga one week tamang tama para makadalo ako sa kasal nina Winona at Cairo" nakangiting sagot ng dalaga.
"Tito Mikhail, Cairo" lumapit ang tatlo at humalik si Giselle sa pisngi ng mag ama.

"Oh, nandito ka pala Mairo....and Risa" patay malisya na bulalas nito.

"Yes, tulad mo dadalo din kami ng Asawa ko sa kasal ni Kuya Cairo" may diin na sagot ni Mairo dito.

Natigilan saglit si Giselle pero pagkaraan ay nagkibit balikat ito at saka ngumiti ng matamis.

"Yeah, how I forget...anyway is this seat taken?" Tanong nito sa silyang katabi lang ng silya inuupuan ni Mairo.

"Oo, Ate Giselle d'yan ka na umupo" mabilis na sagot ni Naira dito.

"Thank you" matamis pa rin ang nakapaskil na ngiti sa mapulang labi ni Giselle na naupo na sa tabi ni Mairo.

"So kamusta naman ang Buhay Maynila Ate Giselle?"tila excited na tanong ni Naira dito.

"Okay naman, masaya, magulo laging busy pero enjoy naman ako, medyo nakakalimot naman kahit papaano sa pagkawala ng Baby namin ni Mairo" malungkot na ngumiti ito.

"Haist, tama na nga ang drama at kumain na tayo, masarap yun mga niluto ng cook namin,right Mama?" Pag iiba ni Naira sa usapan at bumaling sa Ina.

"Tama si Naira hija, tikman mo etong kare kare na ako mismo ang nagluto" alok nito kay Giselle na tipid na ngumiti lang pero tinikman nito ang Kare kare saka pinuri ang luto ni Tita Elaira.

Kinagulat ko naman ang rebelasyon na nakunan pala si Giselle....marahil yun ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila at naging kami na naman ulit ni Mairo....

Siguro yun time na depress at malungkot si Mairo, nandun na naman ako at parang dikya na nakadikit na naman dito at bilang lalaki ay natukso na naman si Mairo sa akin...

Lihim na sinulyapan ko si Mairo at tila kumirot ang puso ko pagkakita sa madilim na mukha nito.

Wala sa loob na nahaplos ko ang impis pang tiyan ko at naisip na sana mabigyan ko na ng anak si Mairo para kahit papaano sumaya naman ito.

--------------

"Mairo gutom na naman ako, bili ka nga ng donut saka fried chicken"  himas ang kumukulong tiyan sa gutom na ungot ko kay Mairo.

Natawa naman si Mairo at hinalikan ang impis na tiyan ko saka dumukwang at ang leeg ko naman ang hinalikan.

"Okay, papabili ako kay Manang Gloria-----"

"Ayaw ko gusto ko ikaw ang bumili" nakasimangot na hiling ko dito.
Bagay na tinawanan na naman nito.

"Pero ayaw ko na iwan ka dito....sumama ka na sa akin, dun na tayo kumain sa Mall" yaya nito.

"Eh? Tinatamad ako,ikaw na lang"

"Sure ka bang di ka maiinip dito? Baka mamiss mo ako agad, umiyak ka na naman" anito.
Umiling ako dito.

"Basta bumalik ka agad...dito lang ako hihintayin kita promise"inangat ko pa ang kaliwang palad ko na hinawakan nito saka hinalikan.

"Sige ibibili na kita, mabilis lang ako" pagpayag nito saka ginawaran ako ng halik sa labi ko at iniwan na ako sa maluwang na sala ng Mansion nila.

Kumuha ako ng magazine at nagsimula ng magbasa.

"Well, well, well" nag angat ako ng tingin para tignan ang pumalakpak at nagsalita.

Wala sa loob na napasimangot ako pagkakita kay Giselle na nakangising naglalakad papalapit sa akin.

"Giselle....."

"What are you doing? Just sitting there and laid back while waiting for your husband to comeback? Typical Lazy Wife sydrome?" Nanunuya ang boses na tanong nito.

"Wala akong time sa panglalait mo Giselle, I think it's time for you to Move on Giselle, stop dwelling in the past"  pakiusap ko dito.

Ngumisi lang ito sa akin.

"Yeah, you said so, but let me remind you Girl, wag kang pakampante sa position mo ngayon, malay mo bukas muli ka naman pulutin sa kangkungan....oh nakalimutan ko sanay ka palang palaging tinatapon" tumawa pa ito ng nakakainsulto bago ako iniwan.

Kumurap kurap ako para pigilan ang pag agos ng mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Giselle...

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now