"Hmm...bukas na pala yung flight namin ni Mairo" wala sa loob na bulalas ko pagtingin ko sa maliit na kalendaryo na nakapatong sa coffee table.
Pagkuwa'y nilingon ko si Mairo na himbing pa rin sa pagtulog.
Maluwang na napangiti ako at hinaplos ang impis na tiyan ko at muling tinuon ang mga mata sa maliit na kalendaryo.It was just a guess....but I think I'm pregnant,delayed na kasi ng three weeks ang regla ko.
At gusto ko na makasigurado kaya naman balak ko na bumili muna ng pregnancy test kit at pag positive ay pag nakauwi na kami sa Las Vegas ay kokunsulta ako sa Ob Gyne.
Ngayon pa nga lang ay excited na ako kung totoo nga na buntis ako at alam ko na matutuwa nito si Mairo.
Alam ko kasi na gusto na nito na magka anak kami at sa nalaman ko na nakunan pala si Giselle sa dapat na baby nila ni Mairo kaya ramdam ko na ang pananabik ng Asawa ko na magka anak kami.But first thing I need to do is to buy a PT to be sure.
Lumapit ako sa kama saka dahan dahan na humiga sa tabi nito.I must buy PT soon just to be sure! Excited na naisip ko saka niyakap si Mairo at pinikit ang mga mata para muling umidlip.
------------
"Why do you want to stop in Drugstore? May sakit ka bang nararamdaman? If you want dumaan muna tayo sa Hospital malapit sa Airport para makapag pacheck up ka" bakas ang pag aalala na wika ni Mairo sa akin.
Kasalukuyan na lulan kami ng Van papuntang Maynila para sa flight namin pabalik sa Las Vegas.
Matamis ang ngiti na umiling ako dito,pigil ang excitement na nararamdaman ko na kasi gusto kong isekreto muna dito ang hinala ko na buntis nga ako.
"Wag na, gusto ko lang bumili ng gamot para di ako mahilo sa byahe natin kaya gusto ko na dumaan sa Mall at saka gusto ko din na bumili ng mga fruits na kakainin ko habang naghihintay sa flight natin" sagot ko dito.
Tumango tango ito,halata sa mukha na nakumbinse ito sa paliwanag ko.
"Yeah, right Mang Teban pakiliko sa kanto dyan pupunta kami ng Asawa ko sa Mall" utos nito sa Driver namin.
"S---sasama ka?"
"Yep, di ko kayang mawaglit ka sa mga mata ko, mahirap na at baka maligaw ka na naman" nakangising sagot nito.
"Mairo, grabe ka nakakauwi naman ako ah!" Namumula ang magkabilang pisngi ko na nakurot ko ito sa braso nito pero ang mokong ay malakas na humalakhak lang.
Madalas kasi ako nitong asarin tungkol sa Direction sense ko, madalas na lumalagpas kasi ako sa pupuntahan ko o kaya naliligaw ako...pero ang mahalaga ay nakakarating naman ako sa paroroonan ko!
Kinabig ako nito papalapit sa malapad na dibdib nito saka ginawaran ng halik ang noo ko.
_____
"Gusto ko ng dragon fruit Mairo" takam na takam na turo ko sa prutas kay Mairo na syang nagtutulak sa pushcart.
"Ilan?" Nakangiting tanong nito na inakbayan ako.
"Hmm...mga dalawa tig isa tayo" sagot ko dito.
"Dalawa? Kanina pa puro padalawa dalawa ang mga prutas na binibili natin ah" nakangising puna nito sabay turo sa iba pang prutas na pinili ko kanina pa.
"Eh? Gusto ko na dala dalawa para kasing mas cute pag pares pares sa tingin ko"
"Talaga? Naku kung siguro buntis ka at ganito ang trip mong kainin iisipin ko na baka sakali na may kambal na tayo dito sa tummy mo" anito sabay haplos sa impis na tiyan ko.
"S--sus yung imagination mo kung saan saan na napadpad" nag iwas ako ng tingin para di nito mahalata na kinabahan ako sa napuna nito.
Hangga't di pa ako sigurado ay wala pa akong balak na sabihin dito na baka nga buntis ito.
Anyway ang isipin na baka buntis nga ako tapos baka kambal pa ay nakaka excite na talaga....dapat talaga bumili na ako ng PT mamaya para malaman ko na talaga kung totoo ang hinala ko.
Dumampot ako ng dalawang dragon fruit at akma na sanang ilalagay sa pushcart na may naramdaman ako na humila sa laylayan ng blouse na suot ko.
Nang nilingon ko ang gawi ko kung saan ay may humawak sa akin ay wala naman akong nakita, akma na sanang di ko na papansinin yun ng muli ay may humila sa damit ko kaya naman muli akong lumingon at ng di sinasadya na bumababa ang paningin ko ay nagtama ang mga mata namin ng isang cute at chubby na batang lalaki na nagniningning ang mga mata at nakatawang nakatingala sa akin.Napalunok ako habang sa di malamang na dahilan ay sumikdo ang puso ko para batang lalaking ito.
"Ahm boy....may kasama ka----"
"Mommy, mommy nakauwi ka na pala galing Paris ba't di ko alam?" Nakangiting tanong nito na kinagulat ko.
"Ha? Ahm...." di ko malaman kung papaanong sagot ang gagawin ko kaya naman nilingon ko si Mairo para humingi ng saklolo pero nagtaka ako ng makita ko na tila tinakasan ng kulay ang mukha nito.
Huh? Anung meron dito na hindi ko alam? Naguguluhan na tanong ko sa isip ko...