Chapter 11

3.7K 109 5
                                    

"Okay ka na ba dito?" Muli ay tanong ni Kevin sa akin.

Nasa Isa nila kaming paupahan na apartment.
Pagkatapos kasi nun nangyari sa pagitan naming dalawa ni Mairo ay nagpasya ako na hintayin pa din ito sa Pad nya.
Kasi umaasa pa rin ako na mauunawaan nya ako at patatawarin sa kasalanan na nagawa ko....

Pero lumipas ang dalawang linggo ay ni anino nito ay di ko nakita yun mga Text ko ay di nya nire replyan pagkatapos ay nabalitaan ko pa na inaayos na nina Mairo at Giselle ang Kasal dun sa mga Minions ng huli.
Sukat sa Balita na yun ay naisip ko na sumuko na lang.
Tahimik na umalis na ako sa Pad ni Mairo at nagtanong kay Kevin kung may alam s'yang pupwede kong tuluyan pansamantala kasi nung magtanong ako sa dati kong Kasera sa Dorm ay wala pa daw bakante.


"O--oo....salamat Kevin ha" nakangiting sagot ko dito.
"Pag may bakante na sa Dorm ay babalik agad ako dun"

"Eh matanong nga kita Risa, bakit ka ba umalis alis pa sa Dorm nyo, yan tuloy nahihirapan ka ngayon makabalik?" Nagtatakang tanong ni Kevin.

Natigilan ako sa biglaang pag uusisa nito sa akin at agad na nag isip ng idadahilan.

"Ahm...kasi may K--kaklase ako na inalok ako na mag part time job bilang c--caregiver ng L--Lola nya....alam mo na raket din yun at...at kailangan lagi akong nasa tabi nito kaya ayun umalis ako ng Dorm at sa kanila nakituloy tapos...ano,yun si Lola ipina petisyon na nang mga anak nya na nasa Canada kaya natapos din agad ang trabaho ko tapos ayun nga umalis na ako dun at babalik na dapat sa Dorm ko eh wala na palang bakante kaya eto ako ngayon at kinukulit ka" natatawang pagsisinungaling ko.

"Hay naku Risa, magpahinga ka din sa mga extrang trabaho na yan at baka mabinat ka pa,saka isa pa malapit ka ng magtapos sa pag aaral mo-----"

"Two years pa" pagtatama ko.

"Eh di two years pa, ang point ko scholar ka naman at sustentado ka naman ng Charity Foundation na pagma may ari ni Tita Elaira wag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa pagtatrabaho, look oh namumutla ka na tapos namamaga pa ang mga mata mo, sa sobrang puyat ba yan?" anito at hinaplos ang pisngi ko na kinagulat ko.
"Baka hindi ka makapag martsa  n'yan sige ka" pananakot nito na kinangiti ko lamang.

"Sige isasaisip ko yan" sagot ko na lamang.
Pagkatapos nun ang nagkuwentuhan pa kami ng kung anu ano lang at makalipas ang isang oras ay nagpaalam na ito na aalis.

Nang makaalis na ito ay muli na naman namalibis ang masaganang luha sa mga mata ko.

______________


Hawak ang back pack ko ay tahimik na umupo ako sa isang Bench kung saan nakaparada ang isang itim na sasakyan.

Agad na napatayo ako pagkakita kay Mairo na papalapit na sa sasakyan.

Yep, pagma may ari ni Mairo ang nasabing sasakyan.

"Mairo...." ubod tamis na ngumiti ako para lamang tila mapatda sa nakita ko na kasunod nyang naglalakad.

Walang Iba kundi si Giselle!

Nang mapansin ako ni Mairo ay natigilan din ito pero saglit lang at nagpatuloy na sa paglalakad nya papalapit sa sasakyan nito.

"Mairo...."bulong ko sa hangin.

"Risa" ani Mairo ng ganap ng magkalapit kami.

"Oh Risa is that you?" tanong naman ni Giselle na agad na kumapit sa braso ni Mairo.

"Giselle" napalunok ako at pilit na ngumiti dito.

"Why are you here?" Muli ay tanong ni Giselle sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa back pack ko.

"N---napadaan lang" matamlay na sagot ko at napayuko na lamang.


"Ah ganun ba? Anyway since nakita ka namin ay iinvite kita na pumunta sa Engangement Party namin ni Mairo" anito sabay abot nito ng isang sobre na kulay puti.

Napatitig ako sa nakalahad na invitation card.
Napakurap kurap pa ako para mapigilan ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

Eto na ba ang Ending ng Walang kwentang Kwento ng Lovelife ko?

Napayuko  lalo ako at saka mabigat ang pakiramdam na kinuha ko na ang ibinibigay nito.

"Thank you....pero----"

"At nga pala Risa, kukunin sana kita na Ninang ng panganay namin ni Mairo puwede ba?" Hiling pa nito na tila nagpahinto sa pagtibok ng puso ko.

Kumibot kibot ang labi ko habang pilit na pinakakakalma ang damdamin ko.

Sobrang Torture na ang nararamdaman ko at parang bibigay na ako.
Nag angat ako ng mukha at tumingin kay Mairo na nananatiling tahimik at blanko ang mukha.

Mairo......napaka gwapo nya talaga.

Pagkatapos ay tumingin ako kay Giselle.

Napakaganda nya talaga...para syang Beauty Queen....at bagay na bagay talaga sila ni Mairo..

"S----sure" sagot ko at agad ng nagpaalam sa kanila at tumalikod na bago pa makasagot ang dalawa kasi kung hindi ko gagawin yun ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan nilang dalawa......

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now