Chapter 23.1

2.9K 64 1
                                    

"Hmm.."mabigat ang mga talukap ng mga mata ko, tila ayaw pa nilang dumilat tila gusto pa ng mga mata ko na pumikit pero yung isip ko gusto nang dumilat at masilayan ang liwanag ng kapaligiran.

"Risa...." nanlalabo ang mga mata na nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko at pilit na ngumiti ng mabanaag ang guwapong mukha ni Mairo.

"Mairo.... " mahinang tawag ko dito at naramdaman ko na masuyo nitong pinisil ang palad ko.

"Thanks God, you're finally awake Love, di mo lang alam kung papaano mo ako pinag alala ng bigla ka na lang nawalan ng malay" bulalas nito.

"I'm sorry Love---"

"No Love,it's me to be blame, di ko man lang napansin na masama na pala ang nararamdaman mo at pilit pa kitang inaaya na umalis na agad kasi nga mahuhuli na tayo sa flight natin" sukat sa sinabi nito ay tila nawala ang antok na nararamdaman ko.

"Oo nga pala Mairo, yung flight natin---"

"Don't worry na cancel ko na" nakangiting tugon nito saka ako hinalikan sa noo.

How sweet of him!

"Sorry Love----" di ko maiwasan na di ma guilty kasi alam ko na madaming nabinbin na trabaho si Mairo sa Las Vegas at dahil sa akin ay mukhang madadagdagan na naman yun.

"Shh....don't worry about that it was just small matters na madaling ayusin  and the Doctor said you need to rest,you badly need that..."anito saka dumapo ang kanang palad nito sa impis na tiyan ko.
Namimilog ang mga mata na nakipagtitigan ako kay Mairo at sa isip ay tila alam ko na ang tinutumbok ng mga salita nito.
Ngumiti lalo ito ng matamis pagtapos ay mabilis na hinagkan ang tungki ng ilong ko.

"You mean?"tama ba ang hinala ko?

Buntis na ba ako?

"Yes...what are you thinking right now is correct  it's for our baby" sagot nito.

"Oh my God, Mairo!" Di makapaniwalang bulalas ko.

Finally my Baby....our Baby is on the way,

Thank you God at dininig mo din ang panalangin ko.

Excited na niyakap ko si Mairo.

"Mairo.....sa wakas magkakaroon na din tayo ng anak!" Ng sarili nating anak!

"Yes....but Risa...." hinawakan nito ang ulo ko at dahan dahan na sinubsob ang ulo ko sa malapad na dibdib nito.
"I need to tell you something very important...." dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib nito at wala sa loob na napalunok ako.

"I think....I....we....ahm...." sunod sunod na buntunghininga ang nadinig ko pagkatos.

"What's the matter Mairo?" Nagtataka na tanong ko dito.

"Risa....I need to tell you something...."

"Oo nga pangalawang ulit mo na yan" nakangising biro ko dito.
Pero sa halip na ngumiti ito ay yumuko ito.

"Risa...I'm sorry....di ko alam...di ko sinasadya....I....do something na alam ko na ikakagalit mo at natatakot ako na baka mawala ka...at ayaw ko na mangyari yun lalo pa ngayon"
Napakunot noo na ako at sumalit sa isip ko ang magandang mukha ni Giselle.

May kinalaman ba na naman ito kay Giselle?

Pero may anak na kami...mas may dapat na akong panghawakan kay Mairo bukod pa sa kapirasong papel na kapwa pangalan namin ni Mairo ay nakalagay...

"Risa....I want to tell you that----"

"Mummy!" Malakas na napasinghap ako ng may dalawang maliliit na braso ang yumakap sa likod.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko ito at agad na napangiti ng makita na si Deacon pala yun.

"Deacon, oh my gosh nandito ka pala" niyakap ko dito ito saka humarap kay Mairo. "Mairo bakit nandito pa si Deacon sa atin nasan na ang Tito nya?" Tanong ko dito.

"Mummy nasa Canteen sila bumili ng food kasi gutom na daw sila" si Deacon ang sumagot na tinanguan naman ni Mairo.

"Ah... napatango na lamang ako dito habang si Deacon naman ay dinikit ang tenga sa impis na tiyan ko.

"Mummy sabi ni Tito Percy malapit na daw akong magkaroon ng kapatid totoo po ba yun?" Namimilog ang mga mata na tanong nito na di ko alam kung papaano sasagutin kaya naman nilingon ko si Mairo na hindi ko alam na nakatitig din pala sa akin.

"Yes Son, mga ilang buwan na lang at magkakaroon ka na ng little baby brother or sister" sagot ni Mairo na kinailing ko na lamang.

How cute naman kasi ni Mairo at sinasakyan pa ang mga sinasabi ni Deacon.
Para kasing lumalabas na pinapaasa ko lang...namin yun bata sa pag aakala nya na Mommy nya talaga ako.

"Talaga po Daddy....yehey!!" Pumalakpak si Deacon at pagkuwan ay pinugpog ng halik sa mukha si Mairo.
Napailing na lang ulit ako sa tanawin sa harap ko.
Mistula kasi silang mag ama sa paningin ko na alam ko na imposible na mangyari...maliban na lang kung hindi nakunan that time si Giselle.

"Princess...." wala sa loob na napalingon ako sa nagsalita kasi parang pakiwari ko ako yun tinatawag nya at nakita ko ang isang may edad na babae na tila maiiyak.
Sumikdo ang dibdib ko na kinataka ko ng husto.

Kasi ba't ganito din ang naramdaman ko sa Ginang na nasa harap ko, katulad din kasi ito sa naramdaman ko ng magtama ang mga mata namin ni Deacon.
Yung pakiramdam na di sila estranghero sa akin, na pamilyar sya sa akin.

Saan ko ba sila nakita?

Bago pa ako makapagtanong ay nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Princess anak ko, buti naman at nagkamalay ka na" umiiyak na wika nito.
"Pinag alala mo ako anak, akala ko mawawala ka na naman sa amin" dagdag pa nito na kinataka ako.

Princess....sino yun?

At anak...ako ba talaga ang tinutukoy ng Ginang na ito...
Isa na naman ba ulit itong pagkakamali?

Mistaken Identity?

Mukhang napapadalas naman ata?

Nilingon ko si Mairo na nakatitig din pala sa akin at nabasa ko sa mga mata nya ang pag unawa at pagsusumamo....

Para sa saan?

Wala akong maintindihan talaga sa mga nangyayari.....

Nahimatay lang ako pero mukhang yung time na nawalan ako ng malay ay maraming nangyari na kailangan na ipaliwanag sa akin ni Mairo...

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now