Chapter 24

2.9K 60 2
                                    

"Risa..." nag angat ako ng tingin para tignan ang tumawag sa akin.

Si Mairo halata sa mukha ang pag alala pagkuway bumaling ako sa gawi ng nagpapapakilalang Mama ko daw.

Pagkatapos ay napunta ang mga mata ko sa batang nakayakap sa akin.

Pinaliwanag na nila sa akin kani kanina lang kung anung nangyari nun time na nawalay ako sa kanila at napunta sa inakala kong mga magulang ko.
Pati na nun time na bumalik ang ala ala ko at nagkasama na kami,
May mga nakababatang kapatid din ako, which is kinasaya ko kasi ang tagal ko na hiniling na sana may mga magulang pa din ako  tapos ngayon ay may na mga kapatid,bonus pa na halata sa pananamit ng nagpakilalang Mama ko na nakakariwasa ito sa buhay....
Parang hindi pa din ako makapaniwala sa tila mala fairy tale na buhay ko.

"Mummy what's wrong?" Malambing na tanong ni Deacon na sinabi ni Mairo na anak ko daw...anak naming dalawa ni Mairo, ngayong ay malakas na talaga ang kutob ko na posibleng mag ama nga sila....

Buntis daw ako ng bumalik na ako sa tunay na pamilya ko pero di ko daw naaalala yun mga times na nawalay ako sa kanila at wala din silang nakita sa mga identification card ko pati na mga documents na kasama sa bag ko na bitbit ko that time na puwedeng magturo kung sino daw yun Tatay nang Anak ko.

"Nothing Sweetie...." parang maiiyak na ako sa mga sari saring emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Pinugpog ko ng halik ang maumbok na mga pisngi ni Deacon na kinahagikhik naman nito.
Naramdaman ko na niyakap kami ni Mairo at hinagkan nya ang noo ko.
Nagtama ang mga mata namin at nabasa ko sa mga mata nito ang pakikiusap at pag unawa na naman ulit.

Wala sa loob na napatango ako dito at tipid na ngumiti.

Mukhang nais ni Mairo na mag usap kami ng sarilinan na gusto ko din na mangyari dahil madami akong gusto na ipaliwanag nya sa akin.

"Princess Darling nag text ang Daddy mo pati na ang mga kapatid mo" nakangiting pukaw ni Mama sa amin na hawak ang cellphone nya.
"Malapit na daw sila dito, makikilala mo na sila...ulit" dagdag nito.

"Thank you po..." lumapit ito at ginagap ang palad ko saka masuyong pinisil.

"Don't say that Princess, we are your first family and we never be tired na paulit ulit na ipaalala sa iyo kung ano kami sa Buhay mo anak" wika nito at tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko kasi sa wakas may Nanay na talaga ako na alam ko at ramdam ko na mahal na mahal ako.

------------

"Inaantok ka na ba Risa?" Tanong ni Mairo sa akin habang inaayos nito ang unan sa likod ko.

"Hindi pa...." nakangiting sagot ko dito.
Totoo naman yung sinagot ko.
Napakasaya ng pakiramdam ko, kasi naman finally nakilala at nakasama ko na yung totoong pamilya ko pati na yun anak ko na di ko alam na inire ko pagkatapos ay buntis ulit ako sa second baby namin ni Mairo.

Sigurado na ako na anak namin dalawa ni Mairo si Deacon kasi may ipinakita si Percy sa akin na papel kanina.
It was a paternity test result.
Dun sa papel nakasaad na higit pa sa 99 percent na magka match ang genetic sample nina  Mairo at Deacon, at di ko lang alam kung kelan at anong dahilan kung bakit nya ginawa yun pero masaya ako kasi may anak na ako...kami ni Mairo.

"Risa....can we talk now?" Seryoso ang mukha ni Mairo na tanong nito sa akin.

"About what?" Nakangiti ko din na balik tanong dito.

Bumuntunghininga ito saka ginagap ang kaliwang palad ko pagkatapos ay hinimas ang wedding ring ko.

"I'm sorry...." panimula nito.
Napakunot noo ako at nagtaka sa di ko inaasahan na paghingi nya ng tawad.

"Para saan?" Nagtataka na tanong ko dito.
Muli ay huminga ito ng malalim at nagpaliwanag.
Habang pinapaliwanag nito ang side nya ay di ko malaman ang mararamdaman ko...kung magagalit ba ako o matutuwa.

Kasi sa punto ng pagpapaliwang nya ay para na nyang inaamin na kasalanan nya kung bakit nalayo na naman ulit ako sa pamilya ko pati na sa anak namin.

"Risa....k---kung magagalit ka sa mga nalaman mo na ginawa ko....patawad alam ko naman na mali yun pero ginawa ko pa din...kasi ayaw ko na mawala ka na naman sa akin, five years ago bigla ka na lang nawala...naglaho na parang bula...akala ko iniwan mo na ako...akala ko nagsawa ka na...na maghintay kaya umalis ka at bumuo ng pamilya na di ako kasama at masakit yun sa akin lalo pa't nang mag usap ulit tayo pagkatapos ng maraming taon ay umasta ka na parang yun ang unang beses na nagkita tayo at nagkausap....nasaktan ako at naisip ko na kidnapin ka na lang at wag ka ng ibalik" mahabang paliwanag nito.

Nagtama ang mga mata namin.
Punum puno yun ng sari saring mga emosyon.
Hinaplos ko ang pisngi nya saka pinagdikit ko ang mga noo namin.

"Risa...."

"Mairo, nang kinuha mo ako ng walang pahintulot sa pamilya ko 'nung mga panahon na wala na naman akong maalala....na guilty ka ba ni minsan?" nakapikit ang mga mata at halos pabulong na tanong ko dito.

"Oo....pero ayaw ko pa din na iwan mo ako...ayoko hindi ko kaya at kung ibabalik ako nun mga panahon na yun ganun pa din ang gagawin ko kahit paulit ulit...gagawin ko pa din Risa wag ka lang mawawala sa akin lalo pa ngayon na nalaman ko na may anak na pala tayo at pangako babawi ako sa panahon na nawalay tayo sa kanya gawa ng kasalanan ko...." paliwanag nito.
Napatango ako dito kasi para sa akin yun lang ang sagot na kailangan ko.

Hindi sa ayaw ko na magtampo at magtanim nang galit saka magpakipot pa tapos humingi ng space.
Wala yun sa Dictionary ko.

At isa pa hindi ko kayang magalit ni magtampo kay Mairo.

Basta ang mahalaga ngayon kumpleto na ako, may mga magulang ako at kapatid, may Asawa at anak saka isa pa parating na din yun pangalawang baby namin.....

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now