Chapter 16.1

4.2K 128 11
                                    

"Mommy!"nakatawang salubong ni Deacon sa akin.
Agad na ibinuka ko ang dalawang braso ko para ikulong ito sa mga bisig ko.

"I miss you Baby Deacon ko, pa kiss nga!" Nanggigil na pinugpog ko ng halik ang chubby nitong pisngi.

Humagikhik naman ito at niyakap ako sa leeg ko.

"Love, love kita Baby ko"

"Ako din po Mommy, mwuah, mwuah, mwuah!" Sagot nito at this time ay ako naman ang pinugpog ng halik.

"Uy Sis, Buti't nakabalik ka na" wika ng papalapit na si Percy.


"Yeah, nandito na ako, anu ba yung kailangan natin pag meetingan ha?" nagtataka na tanong ko dito.
Tinext kasi ako nito na may importante kaming dapat na pag usapan na pamilya kaya naman nagtaka ako at the same time ay nag alala na baka may nangyayari nang di maganda sa pamilya ko kaya naman agad na napauwi ako dito.

Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Mairo...well tetext ko na lamang sya na umuwi ako nang biglaan because of urgent matter,

Ika nga Family First before Lovelife,
Kaya yung mga chuvachuchu na yan ay isasantabi ko muna.

"Ate Princess, si Pierre nag dyowa ng di natin alam, kundi ko lang nabasa yun mga palitan nila ng text messages wala tayong kaalam alam na luma lovelife na pala yun bunso natin" nanlalalaki ang mga mata na sumbong nito.

Natawa ako at saka napailing.

"Sus, akala ko naman kung anu na, what's wrong with that, nagbibinata na ang bunso natin kaya naman normal lang yun magka crush sya at magkaroon ng Girlfriend"


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ate Princess?"

"Yeah,uhm...Deacon punta ka muna sa Yaya Seling mo para makapagpalit ka ng damit pupunta tayo sa mall"

"Talaga po? Yey!" Nanlalaki ang mga mata na pumalakpak at tumalon talon pa ito sa ere.
"Yaya!" Tumakbo na ito sa loob ng bahay.

"Percy don't be strict to our baby brother, have him experience all sorts of emotions, problems and more, we have to let him grow para na rin sa kanya yun"

"Yeah....but still I don't like Marjorie, I have a feeling na walang forever sa kanilang dalawa, and I don't want him to fall in despair" nakasimangot na sagot nito.
"Same din sa iyo Ate Princess, I love you both and I just want my two siblings to be happy" dagdag pa nito.

Na kinatouch ko naman.

Talagang ang Sweet ng kapatid ko na ito.

"Ay ang sweet payakap nga!" Nakangising lambing ko dito at bigla itong niyakap.

"Don't 'cha worry Brother, may forever naman na tinatawag tayo di ba?"

"Yeah, forever sa traffic dun lang may forever" nakangusong sagot nito.

"Sus, tara na nga!" Niyakag ko na ang nag aalburotong kapatid ko papasok sa bahay.
"Mag shopping na lang tayo,bawasan natin ang Pera ni Papa Pogi"




__________

Napahigpit ang kapit ko sa steering wheel pagkakita sa eksena na yun.
Si Risa, kayakap ang lalaking umagaw sa kanya sa akin pati na ang bunga ng pagtataksil nya sa akin.

Basta na lamang nya akong iniwan, ni walang paliwanag, at nang hanapin ko sya ay eto na sya at bumuo ng ibang pamilya, masaya at tila kuntento na at talagang kinalimutan na ako....

Napatiim bagang ako habang pilit na pinakakalma ang nagwawalang damdamin ko.

Gusto kong manapak ng tao, gusto ko na may pagbalingan ng galit pero pinakalma ko ang damdamin ko.

May tamang panahon para sa lahat.

Kukunin ko ang dapat na sa akin and when that time comes I will never let her escape again.

I intend to make her mine.....

Sukat sa isipin na yun ay pinaandar ko na ang sasakyan ko papalayo sa lugar na yun.....

--------------

"Ate what's wrong?" takang tanong ni Percy nang makita na nakatanaw ako sa may kalsada.

May nadinig kasi ako na malakas na paglangitngit ng mga gulong.

"Huh? W---wala para kasing may sasakyan ako na nakita d'yan sa tapat" turo ko sa may kalsada.

Tinignan din ni Percy ang itinuturo ko.

"Wala naman ah, tara na nga Ate Princess sa loob, yayain na din natin si Pierre na mag malling para di sya makasipot sa date nila ni Marjorie"  nakangising yakag nito na tinawanan ko ulit.

"Ikaw talaga Percival, monggo ka talaga,pero love pa rin kita" paglalambing ko dito.
Ngumisi din ito at inakbayan ako.

"Love you din Ate, kahit mani ka"

"Sira!" Natatawang piningot ko ang tenga nito na kinadaing nito.

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now