Chapter 13

4.1K 124 8
                                    


"Princess!" Ngumuso ako sa Mommy ko na syang tumawag sa akin.

Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin?

Binitiwan ko na ang Barbie Doll na hawak ko at saka nilingon si Mommy.

"I want you to meet someone" anito na hinila ako sa kamay ko.

Hindi man lang nagpaalam sa akin na yayakagin na lamang ako basta basta! BugbogPrincess ko etong Mommy ko...hihihi Joke lang!

Tumingala ako at pinakatitigan ang Mommy ko.
Hmm...maganda  naman sya....pag may make up...mas maganda  nga lang ako sa kanya eh....Nanay ko ba talaga sya?

Tila naramdaman nito na pinagmamasdan ko sya kaya tumingin din ito sa akin.

"You better behave Princess,you understand?" Tumango na lamang ako.
Kasi po....hello Two years old pa lamang ako, nabubulol pa nga ako eh!

Nang nasa living room na kami ay may nakita ako na isang lalaki na hindi ko kilala,

Hmm...Guwapo sya....sino kaya sya?

"Jasper..." tawag ni Mommy dito.

Tumayo ito at saka lumapit sa amin.
Tapos lumuhod sa harap ko at parang naluluha pa na tinitigan ako.

"Is she?"

"Yes, your Daughter...anak natin dalawa"sabi dito ni Mommy.

Nagulat pa ako ng yakapin ako nun Lalaki.

Wow....may Tatay pala ako....kala ko si Lola at Mommy Sungit lang ang Pamilya ko meron pa palang iba...

Hmm...mabango sya...saka Guwapo...kaya lang mabait kaya sya or katulad ng Mommy ko na masungit?

"Gusto ko syang iuwi sa amin"

"At ang Asawa mo? baka magalit sya?" Tila nagpanic bigla si Mommy.

"I'll cross the bridge when that happens....but now I want to be with my Daughter" anito at saka pinugpog ako ng halik sa mukha.

Good Job Daddy ko....ay wait dahil Guwapo sya...Papa Pogi na lang ang itatawag ko sa kanya.

Sige Papa Pogi ialis mo na ako dito...
Ayaw ko na nga dito kasi ang sungit ni Mommy eh.

---------------

Gusto ko sa Mama Ganda ko....
Napangiti ako sa naisip ko habang nilalaro ang mga Barbie Dolls ko.

Maganda na sya, mabait pa, malayong malayo sa Mommy Sungit ko na lagi akong kinukurot.

Naglalaro kami ng mga Dolls ko ng maya maya ay nagpaalam ito sa akin na may gagawin lang na mabilis.

Pumayag naman agad ako kasi, Good Girl si Princess.

Maya maya pa ay may naamoy akong mabango nagpakulo sa Tummy ko.
Wala sa loob na napahawak ako dito at tumayo na.

Gutom na si Princess....wait nga lang kukunin ko ang Feeding Bottle ko tapos papatimpla ako sa Mama Ganda ko ng Milk.

Ng maisip ko yun ay tumayo na ako at naglakad papunta sa may hagdan....

Humawak na ako sa unang baitang at gumapang pataas... nasa pangalawa
na...pangatlo....pang apat-----nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko bigla na parang nadulas ako...ooopps masakit....huhuhu...may blood pa....

Sumibi ako ng makita ko sa palad ko na may blood pero kahit masakit na hindi ako iiyak...Princess is a Good Girl...hindi ako magka cry para hindi na magalit ang Mama Ganda at Papa Pogi ko tapos ibalik nila ako sa Mommy ko na masungit....

---------

Humihingal na nagmulat ako ng mga mata ko saka nilingap ang paligid ko.

Puro Puti tapos amoy gamot pa....

"Uy Ate, buti naman gising ka na" nilingon ko yun nagsalita at nang makita ko ito ay naramdaman ko na lamang na naiiyak na ako.

"Hala sya, bakit masakit ba talaga?" Lumapit ito at hinaplos ang mukha ko at pinahiran ng likod ng palad nya ang mga luha ko.

Tumango ako dito.

Ngumiti ito na mas lalong nagpagwapo dito.

"Wait lang Ate, tatawagin ko lang yun Doktor mo" akmang aalis na ito ng mabilis ko itong hawakan sa kamay nito.

"Papa ko, wag kang alis, dito ka lang Papa ko" hiling ko dito na kinanganga nito.


"Hala si Ate, mukhang mas matanda ka pa sa akin tapos tatawagin mo ako na Papa mo? Eww!" Di makapaniwalang bulalas nito at nagtangka na bumitaw sa hawak ko pero mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko dito.

Kasi natatakot ako na pag bumitaw ako ay mawawala na naman sya sa akin.

Narinig namin ang pag ingit ng pinto at ng tumingin dun ay umiyak na talaga ako ng tuluyan.

"Percy...what's wrong in her?" bakas ang pag aalala ang magandang mukha nito at saka lumapit na ito sa amin tapos ay hinawakan nito ang kamay ko na may suwero.

"Are you okay Hija?"


"Mommy malamang di sya okay, naiyak sya eh,tapos may tililing pa sa utak, tawagin ba naman ako na Papa nya"


"Percy!"

Kumibot kibot ang labi ko pero hindi ko na talaga napigilan na bumulalas ng iyak.

"Mama Ganda, Papa Pogi ko!" Nagpilit na tumayo na ako at niyakap ang mga ito....





MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now