Chapter 3

3.8K 90 5
                                    

"Sa kabilang table ito" pawisan na inilapag ko sa counter ang tray ng pagkain na inorder ng isang estudyante.
"Pakibigay na lang, thank you" utos ko sa kasamahan ko na waiter naman.
Agad naman na tumalima ito.

Part timer ako ngayon sa foodhaus na katapat lamang ng campus namin habang bakasyon para may Pera naman ako na Extra, pambili ng kailangan ko, mga biglaan na project.
Nakakahiya naman kasi na humirit ng extra money kay Mrs. Altagracia,
Kung kaya naman gawan ng paraan ay magawan na lang para makahinga naman ako ng konti sa mga utang ko.

May Dalawang taon pa ang bubunuin ko bago ako makapagtapos kaya konting higpit pa ng sinturon saka diskarte makakaraos din ako....

"Oy, Magsigay tama na muna ang pagpapatansya trabaho muna!" Nakangising pukaw ni Joy sa pagmumuni muni ko.

"Tse!" Nakangiting inirapan ko ito.
"Libre mo nga ako Joy ng load, may itetext ako" ungot ko dito.
Na expired na kasi ang pinaload ko kagabi hindi ko tuloy nabati ng Good Morning ang Mahal ko.

"Utang bhe, wala ng libre ngayon" ani Joy na tumawa pa lalo ng makita ang pag nguso ko.
"Sige, Sige pa loadan kita mam'myang breaktime natin" dagdag pa nito.

Napangiti naman ako sukat sa sinabi nito.

"Thanks Joy!" Wika ko at magkasama na kaming naglakad papunta sa stockroom.

______________

Nang tumunog ang Cellphone ko tanda na may nag text ay dali dali ko iyung dinampot kasi baka nagtext na si Giselle.

Inaaya ko kasi ito na mag Mounting Climbing pero ang sabi nya ay tatanung nya muna daw sa mga Magulang nya kung papayagan sya tapos Ite text na lamang nya ako.

Pero nabura ang ngiti sa labi ko pagkakita na si Risa lamang pala ant nag text.

Tuwing umaga, araw araw ay nagte text ito ng Good Morning sa akin pero hindi ko sya magawang replayan gawa nya ng baka mamis interpret nya ang mga kilos at salita ko kaya wag na lang.

Naiiling na bumalik na lamang ako sa paggawa ng Thesis ko,
I need to finish it para pag pumayag ng sumama sa akin si Giselle na umakyat ng bundok ay makakaalis agad kami...

__________

"Ha? Pero Giselle naman nakaayos na ang lahat!" Di makapaniwalang bulalas ko after kong marinig buhat sa bibig mismo nito na hindi na ito makakasama sa akin sa pag akyat sa bundok gawa nya ng biglaan na tawag mula sa Mama nito at pinauuwi sya nito sa Bahay nila gawa ng dumating ang mga kapatid ng Mama nya at sakto na nasa Hongkong naman ang mga Magulang nito kaya wala itong choice kundi umuwi at asikasuhin ang mga eto.

"Sorry talaga Hon, as much as I want to go with you, I can't maybe next time na lang" malambing na paliwanag nito na niyakap pa ako saka hinalikan ang pisngi ko.

Hanggang halik pa lamang sa pisngi ang nagagawa namin kasi medyo conservative ito,
Isa pa ay hindi ko alam ang hangganan ng pagtitimpi ko at baka madala ako sa pagmamahal ko at maging mapusok bagay na ayaw ko naman na mangyari.

I love Giselle and I respect her.
May tamang panahon ang Intimacy...isa pa ay nandyan naman si Risa...

"Sige next time na lang" matamlay na sagot ko dito.

"Thank you Hon, paano una ako ha?" Anito at bago pa ako makasagot ay papasakay na ito sa naghihintay na sasakyan.

Humugot na lang ako ng malalim na buntunghininga at pahinamad na nasuklay ang itim na itim na buhok.

Maybe I need to go back.....naiiling na naisip ko.

Akmang papasok na ako sa Pick up ko ng matigilan ako sa napansin ko na naglalakad papalapit sa akin.

Unti unting kumurba ang ngiti sa labi ko at mabilis na sumakay sa Pick up saka binuhay ang makina nito.

"Hey Mairo?" Nakatawang bati ng tumatakbong si Risa papalapit sa akin.
Lumapit ito sa may bintana at saka sumungaw.

"Risa....."

"Kamusta san ka pupunta?" Nakangiting tanong nito.

"Aakyat sa bundok" tipid na sagot ko na ang mga mata ay itinuon sa kalsada.

"Wow!" Tila humanga ito sa sinabi ko.

"You want to come with me?" seryoso ang mukha na tanong ko dito.

"Ha?...pero kasi may part ti----sige, sige sasama ako!" Wika nito at pumakabila na para makasakay sa pick up ko.

"Halika na!" Yaya nito and ito na mismo ang nagsuot ng seatbelt sa akin.

Ngumisi na lamang ako dito at pinaandar ang pick up......

MAKE YOU MINEWhere stories live. Discover now