Chapter 33

683 18 2
                                    

Natapos ang isang araw at niyaya ako nila Kaylee at Mary na lumabas ngunit gumawa lang ako ng dahilan pala hindi nakasama. Tinawagan din ako ni Marco ngunit di ko ito sinasagot. Masakit din ang ulo ko, wala pa akong kain at hindi pa nasisinagan ng araw. Kinatok na ako ng kinatok nila Yaya at Kuya pero di ko sila pinapapasok. Kinatokna din ako nila Mommy at Daddy pag uwi nila galing trabaho.

"Anak, papasukin mo na kami ng Daddy at Kuya mo."
Rinig kong untag ni Mommy sa labas.

"Nag-aalala na kami sayo."
Si Daddy naman ngunit hindi magbabago ang isip ko.

"Okay lang po ako, My, Dy, Kuya. Lalabas din po ako."
Ganun ang lagi kong sagot sa kanila tuwing kinakatok ako. Nakasara ang bintana ko at kurtina madilim dito sa loob tanging tunog ng aircon lang ang maingay at minsan ay pati ang cellphone ko. Oa na ako kung oa pero ito ang nararamdaman ko. Hindi ako ganun kasanay maghandle ng problema dahil hindi naman ako nagkakaroon ng seryosong problema.

Natutulog ako ng nakarinig ako ng katok sa labas. Si Yaya na naman.

"Jelai may bisita ka."
Untag ni Yaya sa likod ng pintuan. Hindi ko na lang siya sinagot at masakit din ang ulo ko.

Nangangatal na ako dito sa kama ko pero wala akong pinapansin na iba. Nakapikit lang ako hanggang nakatulog ulit ako. Ganun lang lagi ang nangyayari hanggang sa nag Tuesday na ay hindi pa ako din ako lumalabas at pumapasok. Ramdam na ramdam ko na ang pang hihina ng katawan ko. Minsan kinukuha ko ang pagkain pagdinadalhana ko ngunit pinapalagay ko lang sa harap ng pintuan ko at kukunin pag alam kong wala ng tao sa labas ng kwarto ko.

"Jelai nandito na ang breakfast mo. Naka alis na ang Mommy at Daddy mo, ang kuya mo naman nakain pa."
Rinig kong untag ni Yaya

"Pakiiwan na lang po dyan. Salamat."
Hindi na sumagot si Yaya at tahimik na din sa labas kaya dahan-dahan akong tumayo kahit na naikot ang aking paningin. Pagdating ko sa pintuan ay napihit ko na ito ng biglang nagdidilim na ang aking paningin at nanlalabo ito. Inaasahan ko na nababagsak ako sa sahig ngunit hindi. May naaaninag akong muka pero hindi ko makita ng ayos at dun pa ako unti-unting nawalan ng malay.

"What happened? Is she alright?"
Rinig kong boses ni Mommy at hinaplos ang ulo ko. Nag-usap usap pa sila pero di ko na nasubaybayan dahil nakatulog ulit ako.

Hinang-hina ang pakiramdam ko ng nagising ako ng tuluyan. Si Marco lang ang nasa loob ng maputing kwarto at natutulog na mukang puyat na puyat. Umupo ako at tatayo sana para kumuha ng tubig ng biglang may humawak sa kamay ko galing sa likod.

"Jelai?"
Untag ni Marco. I missed him so so so much.

"I'm thirsty."
Yun lang ang nasabi ko at dali dali siyang kumuha ng tubig at inabot sakin.

"Wait a minute, I'll call the Doctor."
Hindi ako sumagot sa kanya at pinabayaan siya sa gusto niya. Ano na kayang nangyari sa issue? Yung mommy niya? Hindi ko mapigilang di umiyak pero pinunasan ko agad iyon ng nakarinig ng pagbabadyang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nito ang mga magulang ko, si Kuya, mga kaibigan ko, mga nurse at doctor pati na din si Marco.

"My, Dy."
At niyakap ko sila. Ganun na din si Kuya.

"Bakit di mo samin sinabi na nilalagnat ka pala sa loob ng kwarto mo. Akala namin mas magiging maayos ang pakiramdam mo pag hindi ka muna namin pilitin lumabas o kausapin kami tas yun pala may sakit ka na."
Sermon ni Mommy sakin.

"Buti nakita ka ni Marco naku kung hindi paano ka na."
Ngayon ay galing naman kay Daddy. Si Kuya nakatingin lang samin pero kita ko ang inis na may halong galit at awa sa kanyang mga titig saakin.

"Sorry po. Di na mauulit pangako."
Nakayuko lang ako at nakatingin sa aking mga daliri habang nagsesermon sila sakin.

"Talagang hindi na muulit dahil hindi ko na hahayaan na maging ganyan ka pa ulit."
May diin na sabi ni Kuya.

"Excuse me, Mr and Mrs. Navarro but we need to check your daughter now."
Tumabi sila Mommy at Daddy para mas matignan pa ako ng mga doctor.

"She's now fine. She just need to rest and don't stress her, also kaya lamang siya nawalan ng malay ay dahil sa stress, kulang sa vitamins at di nasisinagan ng araw. I will give her vitamins para mabalik na ang dati niyang lakas."

"Thank you, doc."
Untag ni Mommy at tumango lang si Daddy. Nang nakaalis na ang mga doctor ay nilapitan nila akong lahat.

"You hungry?"

"Thirsty?"

"May masakit ba?"

"May nararamdaman ka bang kakaiba."

"Masakit pa ulo mo?"

At madami pang tanong ang sinalubong nila sakin. Ang totoo masakit lang ang ulo ko at gusto ko lang matulog pero kumakalam din ang sikmuka ko.

"I'm hungry po."
Nagprisinta na sila Kuya at Mary kasama si Kaylee na sila ng bahala sa pagkain ko. Sila Mommy at Daddy naman ay bibilhin na daw ang mga vitamins na binigay ni Doc kaya kami lang ni Marco ang naiwan dito sa kwarto.

Binalot kami ng katahimikan at siya ay puro malalalim na buntong hininga ang nilalabas. Ako naman naka tingin lang sa kuko at nagmamasid-masid sa kwarto.

Ilang minuto na ang lumipas at tiningnan ko siya naabutan ko siyang nakatingin sakin at nag iwas siya agad ng tingin. I decided to take a nap habang wala pa ang pagkain ko kaya nahiga na ako.

"Hey? Your going to sleep?"
Tanong niya at bilang sagot ay tumango na langa ko sa kanya at pinikit ang mga mata

"Hey, Jelai wait up. Don't sleep please."

"Your not speaking anyways, so matutulog na--'
Naputol na ako ng nagsalita siya.

"Im not talking because Im scared. Natatakot ako na ako ang may kasalanan niyan sayo. Ako ang may gawa kaya ka nagkulong sa kwarto mo-- sa lahat."
Umiling ako bilang sagot.

"No your not. Ako ang may gusto nito kaya you don't have to be guilty."
Napayuko siya at napahawak sa batok.

"I'm not guilty, im scared."
Nilapitan ko siya at hinalikan ng mabilis.

"Its not your fault, okay? Walang may gusto sa nangyari."
Tumango lang siya as a answer at hinayaan na muna akong umidlip.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon