Chapter 50

449 10 0
                                        

Nang umagang iyon nagpasundo agad ako kay Kuya dahil after ko siyang tanung-tanungin dun lang nagsink-in sa utak ko na si Marco Ethan Vergara na nga ang kausap ko kaya nagtatakbo ako sa kwarto na pinggalingan ko kanina at nagkulong hanggang dumating si Kuya. Di na ako nagpasalamat sa kanya at sumakay agad ako sa sasakyan ni Kuya. Dun lang ako nakahinga ng maayos ng wala na ako sa bahay niya. Hindi pa ako handang makausap siya, baka di ko pa kaya lalo na ng naalala kong ikakasal na nga pala siya kay Tiffany.

Nang kinagabihan, siya ang laman ng balita dahil nalaman na ng mga tao na nandito na siya, pati ang tungkol sa kasal ay tinanong siya ngunit ang sagot niya lang ay 'no comment' kaya umiyak na naman ako ng gabing iyon. Ang sakit talaga eh. Nadala ako kagabi kaya di na ako nagbar ng araw na 'yon baka nandun na naman si Marco at kung ano na naman ang mangyari sakin, ayoko na.

Dalawang araw na ang lumipas simula nung nagkita kami at di na ulit ako bumalik sa bar ni Enryl dahil may magaling na tauhan siyang nagsumbong sa kanya na nagpakalasing ako ng sobra.

"Baby bakit ka ba naman kasi nagpakalasing? Sino nag-uwi sayo? Sabi ni Lanz (yung bartender) nawala ka daw bigla, hinanap ka pa niya pero wala ka na. San ka ba nagpupupunta ha? Explain yourself."
Untag niya sakin habang naggagayat ng lulutuin niya. Tinawagan niya ako at magka-facetime kami ngayon. Daig pa si Kuya James nito kung makapagsermon saakin eh. Nung sinundo nga ako ni Kuya sa bahay ni Marco kinamusta lang ako dahil alam kong alam nilang di pa ako ready na makita si Marco.

"Fine, Im sorry. Aamimin ko na broken lang ang lola mo."
Simple kong untag at natawa siya nung sinabi kong 'lola mo'

"And why?"

"Chubby... bumalik na... si Marco."
Nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata niya at napatigil siya sa paghahanda ng lulutuin at kinuha ang cellphone niya at nakita kong umupo siya.

"Really? Oh what happened? Nagkita kayo? Nagkausap? What? Tell me."
Sunod-sunod na tanong nito. Inidol pa ako sa pagtatanong eh, naalala ko tuloy yung sunod-sunod na tanong ko kay Marco.

"We saw each other and his the one who help me that night. I passed out and he..."
Di ko matapos dahil parang ang bilis ng mga pangyayari para sakin.

"He what!? Ginalaw ka ba? Inano ka!? Tapusin mo Haylee Jelai!"
Ani niya out of frustration. Nakakatawa naman ang isang to kaya napatawa tuloy ako, kala mo lagi ay Daddy ko eh.

"Di niya po ako ginalaw DADDY."
Talagang in-emphasize ko ang daddy, na ikinasimangot niya.

"Daddy ka dyan."
Nakasimangot na untag niya sakin at dun kinuwento ko lahat ng nangyari nung araw na 'yon.

"Hindi pa ako handang makita siya. Ayoko pa, lalo na't.."
Pahina ang sabi ko dahil ayoko pang sabihin na kanya na may fiancé na si Marco.

"It's a lesson for you
at wag kang mag-iinom ng walang kasama or di mo ako kasama, ilang beses ko ba dapat ipaalala sayo?"
At nagsermon pa siya ng nagsermon.

"By the way, kailan ka uuwi? I miss you so so much DADDY."

"Stop calling me daddy please,"
Inis na ani niya.

"Maybe pag summer break na. I miss you too baby."
He use to call me baby and I use to call him chubby cheeks, ang cute kasi ng pisnge niya eh. Nasanay na din ako kasi sa tagal na naming magkasama nasanay na ako.

"Talk to you later, I have to cook. I have class at 8:00am so,"
Mas una ang Philippines ng 9 hours sa kanila kaya maaga pa sa kanila at dito ay 4:00pm na.

"Okay, take care."

"You too, lalo na't malayo ako. I love you."

"I love you too. Byeee."
At nagflying kiss ako bago patayin ang call.

"Who's that?"
Nagulat ako sa nagsalita kaya muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko.

"Ano ka ba naman! basta basta ka na nasulpot-"
Inis na untag ko habang paharap sa kanya pero naputol agad ang sasabihin ko at mas nanlaki ang mata ko ng nakita kung sino nasa likod ko.

"Ka-kanina ka pa dyan?"
Baka narinig niya ang sinabi ko kay Enryl. Tsaka kakasabi ko lang na ayoko pa siyang makita eh. Napaka galing na tadhana. Tss.

"Kadadating ko lang, bukas kasi yung gate at pinto kaya pumasok na ako."
Nalimutan siguro ni Kuya i-lock.

"By the way, why are you here?"
Tanong ko kay Marco.

"You forgot your clothes and shoes."
At inabot niya sakin ang paper bag na hawak niya.

"Thanks."
Simple kong sagot at tinignan ang laman nito. Malinis na ang damit ko at halatang nilabhan na ito.

"Is that your boyfriend?"
Walang emosyon niyang tanong.

"Anong pake mo? Is Tiffany your fiancé?"
Inis na untag ko.

"What if yes?"
Nalaglag ang panga ako naramdaman ko ang bukol na namumuo sa lalamunan ko.

"The-then...cong-congrats. Bagay ka-kayo."
Pumiyok ako sa huli kong sinabi at nginitian ko siya. Nakita ko agad ang guilt, lungkot at inis sa kanyang mga mata.

Siya na mismo ang nagsabi. Tiffany is really his fiancé. Ang sakit pala talaga paggaling na mismo sa kanya. Ayoko na ng pakiramdam na ito. Tumulo na ang luha ko na agad kong pinunasan.

"Je-"
Di ko na siya pinatapos at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Si-sige. Salamat."
At tinulak ko na siya papaalis sa bahay namin.

"Sandali, Jelai."
Di ko na siya pinagsalita at binuhos ko lahat ng lakas ko mapalabas lang siya hanggang gate.

"Ingat."
Nginitian ko siya bago ko sinara ang gate namin. Tinatawag niya ako pero di ko na pinagbuksan pa dahil tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Napaupo na lang ako sa likod ng gate namin habang umiiyak.

Narinig kong pinatunog niya ang sasakyan niya at pagsara ng pinto. Nang nabuhay na ang makina ng sasakyan niya di agad ito umalis pinakiramdaman ko muna siya hanggang sa narinig kong umalis na ito.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon