Chapter 47

459 11 0
                                    

Ilang araw ding hindi pumasok si Jelai dahil nagkasakit nga siya at sa mga lumipas na araw lagi siyang nakakatanggap ng bulaklak na mag card na nakalagay ay "Get well soon"  hindi nagpapakilala ang nagiiwan nun sa labas ng bahay nila, lagi lang dinadala ng katulong nila ang bulaklak sa kwarto niya.

Pagkalipas ng isang linggo ay magaling na siya at makakapasok na. Mahina daw ang resistensya ng katawan niya kaya mabilis dapuan ng sakit.

"Jelai ingatan mo naman sarili mo."
Untag ni Mary ng nagkita na ulit sila sa school.

"Yes Mom!"
Natatawa niyang sabi.

"Magexercise ka kasi, kumain ng tama at magvitamins ka kaya."
Ani naman ni Kaylee.

"Opo Mom the second."

"Tse! Magmall na lang tayo mamaya."
Tumango si Mary at Jelai sa anyaya ni Kaylee. Matagal-tagal na din simula nung last na nagmall silang tatlo.

Pumasok na sila sa klase nila at kailangan ni Jelai na bumawi sa klase dahil sa isang linggo absent. Naisipan niya ding tama nga sila Mary at Kaylee kailangan niyang ingatan ang sarili.

Habang naglalakad si Jelai papunta sa sasakyan ng mga kaibigan niya ng may humarang sa harap niya, nauna na ang mga kaibigan niya sa sasakyan dahil dumaan pa siyang faculty room para kunin ang mga handouts na namiss niya.

"Hi Navarro. Long time no see."
Nakangiting bati ni Enryl sa kanya. Tumango lang si Jelai dahil nagmamadali siya kanina pa nagtext si Kaylee na kung nasaan na siya, ang prof naman kasi nila matagal ang daming dada.

"Himala di mo ako tinarayan."

"Wag kang makulit nagmamadali ako at mabigat tong dala ko."
Sagot ni Jelai na ang tinutukoy ay ang mga handouts na literal na mabibigat kasi madami. Malapit na ang finals week nila kaya kailangan niyang maghabol ng klase.

"Okay, would you let me help you with that?"
Sabay turo ni Enryl sa mga handouts.

"Yes, kasi kanina na nananakit ang mga kamay ako."
Kinuha agad ni Enryl ang mga handouts sa kamay ni Jelai. Their hands touch pero di na lang iyon pinansin ni Jelai.

"San ba punta mo?"

"Kaylee's car, magmamall kami eh."

"Ow-key."
Mabagal na sagot ni Enryl at natahimik sila.

"Diba malapit na ang finals niyo di ka ba maghahabol ng klase?"
Tanong ni Enryl out of nowhere.

"Kaya nga may handouts, yan ang mga hahabulin kong lesson para sa finals."
Untag pa rin ni Jelai na walang tigil sa paglalakad dahil nagmamadali nga siya.

"I see."
Natahimik na naman nila kaya napatingin na siya kay Enryl na nahuli niyang pinagmamasdan siya habang naglalakad ngunit umiwas din ito ng tingin.

"Gusto mo bang sabihan ko ang mga subject teacher mo na tulungan ka maghabol ng lesson?"

"No need but thanks."
Napatigil siya sa paglalakad dahil nasa parking lot na sila at  saktong pagkasabi niya nun nakita na niya ang sasakyan ng kaibigan.

"So, that's Kaylee's car. I'm now good he--"
Pinutol siya agad ni Enryl.

"No, I'll walk you until you reach the car. Just like you said this thing is heavy."
Hindi na siya tumanggi magpahatid dahil totoong mabigat ang mga handouts.

Paglapit nila sa sasakyan ni Kaylee sabay na lumabas ang dalawa sa sasakyan.

"Hi Mr. Buenvista"
Bati ni Kaylee na may kasamang weird na ngiti.

"Hello."
Bati pabalik ni Enryl at nagngitian lang silang dalawa ni Mary.

"Thank you, you may go now."
Nakangiting untag ni Jelai kay Enryl na nakasimangot.

"Can I come with you?"
Nagulat ako sa tanong niya at di ko alam ang isasagot sa kanya.

"Sure you can."
Biglang sabi ni Kaylee, di na din ako umangal pa dahil nauna nang sumakay si Enryl kaysa sakin.

Naging maayos naman ang pagmamall namin, di nag-iinarte si Enryl na puro girly stuff ang ginagawa namin. Nakikisabay lang siya samin.

"Thanks guys, I had so much fun. Byeee."
Untag ko ng nakarating kami sa harap ng bahay namin. Village kasi namin ang unang madadaanan pauwi kaya ako ang unang hinatid.

Nagflying kiss lang sakin si Mary at Kaylee habang si Enryl ay nakangiti sakin at nagwawave.

Halos sa araw-araw na pangungulit ni Enryl kay Jelai, nasanay na si Jelai sa presensya ni Enryl. Hindi na din niya ito sinusungitan, they are slowly becoming friends. Minsan nga napapaisip siya napasok pa ba si Enryl? Eh di naman siya nagkakaroon ng time itanong ito kay Enryl dahil nalilimutan niya sa sobrang kakulitan ng binata. Minsan nga napagkakamalan na silang magjowa.

"Enryl stop--Ahhh!!"
Napairit na ani ni Jelai sa pangingiliti ni Enryl.

"What if I don't want to?"
Patuloy sa pangingiliti nito kay Jelai. Sa sobrang tawa at pag-iilag ni Jelai  sa pagkiliti ni Enryl ay na-out of balance na siya.

"I told you, stop tickling me."
Untag ni Jelai kay Enryl.

Sa sobrang saya ni Jelai di niya napansin na natigilan si Enryl dahil sa pag-out of balance niya na yun ay natumba sila at napaibabaw siya kay Enryl. Tumayo din agad si Jelai at inabutan ng kamay si Enryl.

"You okay?"
Nakangiting tanong ni Jelai kay Enryl. Tumango lang ang binata sa kanya.

"Tara na nga."
Yaya ni Jelai  kay Enryl  dahil nagugutom na siya at may usapan sila ni Enryl  na ihahatid ito sa bahay after ng klase at after nilang magdinner together.

Masayang kasama si Enryl at nalilimutan ni Jelai lahat ng problema niya dahil kwela kasama ang binata, madaldal, adventurous at nalilimutan niya kahit saglit ang sakit ng nangyari sa kanila ni Marco. Na walang kasiguraduhan ang mga mangyayari pa sa kanilang dalawa.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon