Chapter 57

465 10 0
                                    

Kumain kami tsaka kwentuhan at tawanan ang nangyari sa bahay nila Mary. Mamaya after nitong celebration dito sa bahay nila ay pupunta kami sa bar ni Enryl kasama ang mga kaibigan na hindi nakapunta ngayon. Bukas pa namin gagawin ang surpresa ni Kuya kay Mary at nahanda na namin nung makalwa pa iyon.

Nang lumalim na ang gabi at nag-uwian na ang mga bisita ni Mary ay napagdesisyonan na namin na pumuntang bar. Hindi ko na dinala ang sasaakyan ko at iniwan iyon kina Tita at nakisabay na lang ako kina Kaylee at Gian.

Umupo kami sa may malaking sofa dahil nandito na din ang iba naming kaibigan.

"Hi guys,"
Puro batiaan kami hanggang sa umorder na ng kanya-kanyang inumin. Margarita ang aking inorder. Hindi ako magpapakalasing kaya one glass lang ang akin.

Nagyayaya na sila magsayaw kami sa dance floor hinila na ako ni Zandra kaya wala na akong nagawa kaya tumayo na din ako  at sumama sa kanila.

Napuno kami ng tawanan habang nagsasayaw dahil ang ibang lalaki at nagsasayaw ng dirty dance sa harap naming mga babae. Habang nagsasayawan ay nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Marco at may mga kasama siya tinignan ko isa-isa ang mga kasama niya at dun ko nakita si Tiffany na kasunod ni Marco. That hit me. Napawi ang ngiti ko at napatigil ako sa pagsasayaw.

"Guys, upo muna ako."
Ayaw pa nila akong paalisin pero napilit ko ding paupuin ako.

Paglapit ko sa table saktong dating daan nila Marco. Wrong timing ata ako sa paglapit. Nahagip ko agad ang ang mata ni Marco na ikinaiwas ko din ng tingin. After a month? I guess, nagkita din kami. Nilagok ko agad yung isa pang glass ng margarita dire-diretso.

"Easy girl,"
Ani ni Kaylee na nginitian ko lang.

"Jelai?"
Rinig kong tawag ni Tiffany sakin kaya hinarap ko siya with a sweet smile kahit naiirita ako sa kanya.

"-Its been awhile. How are you?"
Dagdag niya pa. Kapal magtanong kung kamusta ako samantalang alam niya ang past namin ng fiancé niya. Bakit ba ako naiinis eh matagal na kaming wala. Ni relasyon nga wala kami. Errr!

"Hi. I'm fine, Congrats pala."
Tanong ko sabay beso. Hindi ko maiwasan ang umirap sa likod niya.

Ngumiti lang siya sakin tsaka ko siya tinalikuran para maupo na ulit. I know that's rude but ayoko ng makipag plastikan sa kanya kaya ayokong mag-open pa ng topic.

"What was the party about?"
Tanong ni Marco out of no where.

"It's my graduation day."
Ani ni Mary kaya nagbatiaan na naman sila.

Habang nagkukwentuhan sila ako naman ay nakaupo lang at lumalagok ng margarita, mukang malalasing ata ako nito ah. Bahala na mamaya, nandyan naman si Kuya.

Hindi naman nila napapansin na kanina pa ako inom ng inom dito dahil busy sila sa usapan pero may isang taong tinitignan ako, si Marco na masama ang tingin sa bawat inom ko habang katabi niya si Tiffany. Hindi naman sila naghaharutan dahil yung katabi ni Tiffany na lalaki ang kausap niya. Nakikisabay lang si Marco sa ginagawa nila dahil sumama na silang tatlo samin sa sofa.

"Stop drinking Jelai."
Ani ni marco saakin

Nakarami na ako pero hindi ko siya pinansin pag pinagbabawalan niya ako at nung sa pang huli kong inom ay inagaw niya kaya inirapan ko lang siya.

Nang nagdadalawa na ang paningin ko alam kong may tama na ako kaya pumikit muna ako. Napamulat lang ako ng nakarinig ako ng iritan nila Kaylee kaya napamulat ako at ang masamang tingin ni Marco ang unang bumungad sakin. Kita ko ang inis at galit sa mata niya. Problema nito?

Nilibot ko ang paningin ko ng nakita ko ang nag-iisang taong matagal ko ng iniintay. Matagal na simula nung huli naming pagkikita at ngayon nasa harap ko na siya kaya kahit hilo ako ay pinilit kong lumakad palapit sa kanya.

Inalalayan agad ako ni Marco na hinawi ko ang kamay niya at diretso ang tingin ko sa kanya na sinalubong din ako ng kamay niya para alalayan ako.

"Baby,"
Aniya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"I miss you."
Ani ko sa gitna ng yakap namin. Naghiyawan naman ang mga kaibigan namin.

"I miss you too. Flowers for you."
Humiwalay ako sa yakap at kinuha ang paburito kong bulaklak na hawak niya.

"Thanks,"
Pasasalamat ko sabay amoy ng bulaklak. Lagi niya akong binibigyan ng bulaklak pagnauwi siya dito sa Pilipinas.

"Akala ko sa isang araw ka pa uuwi?"

"Napaaga e, masyado kitang namiss."
Tumawa lang ako sa sinabi niya at nag-iritan naman ang mga kaibigan namin at ang ibang nasa table.

"Ang sweet niyo talagang dalawa."
Ani ng una pa naming kaibigan.

"Kailan ang kasal? Abay ako ha."
Ani naman ni Zandra at nagtawanan sila.

"I want to go home. I don't like the atmosphere here, also I know I'm drunk already."
Bulong ko sa kanya habang papikit-pikit na ako sa kalasingan buti na lang at nakasuporta ang braso niya sa bewang ko baka kung hindi kanina pa  ako nawalan ng balance.

"Guys, sorry but I think we should go,"
Paalam ni Enryl.

"Already? But you just got here."
Ani nung bakla naming kaibigan na may gusto kay Enryl.

"Yeah, lets hang out next time. This girl is drunk,"
And I heard him chuckle.

"To be fair, all drinks on me."
Ani ni Enryl, natawa pa ako sa sinabi niya at nakasingit pa ako.

"Syempre this is your bar."
I said between my laugh and after that hindi ko na matandaan kung paano kami nag paalam sa kanila, ang sunod kong naalala ay buhat na ako ni Enryl at nasa parking lot na kami.

"Hey,"
Kuha ko mg attention niya sabay hawak sa pisnge niya.

"Hey"
Sagot niya din.

"Iuuwi mo ako ha, hindi sa condo mo."
Banta ko sa kanya kahit na lasing na ako. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na nasundan dahil sa sobrang kalasingan.

May tiwala ako sa kanya na sa bahay namin niya ako iuuwi at hindi sa condo niya dahil may kwarto na din ako sa condo niya para pag dun ako matutulog may kwarto akong akin. Napaka swerte ko talaga na siya ay aking naging kaibigan.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon