HAYLEE JELAI'S POV
Tatlong taon na din ang lumipas at simula nung umalis si Marco at simula nung nakilala ko si Enryl. Halos lagi na kaming magkasama ni Enryl, kaclose na din niya ang buong pamilya ko at pati sila Kaylee, Gian, Mary. Lalo na kay Kuya James, sobrang close sila. Kilala na din ako ng Daddy niya dahil nung last na umuwi ito dito ay pinakilala ako ni Enryl.
Sa tatlong taon na 'yon wala akong naging balita kay Marco. Nitext or tawag galing sa kanya ay wala. Sobrang namimiss ko na siya pero nandyan naman si Enryl pagnalulungkot ako. Kilala niya na si Marco at halos lahat ng nangyayari sa buhay ko alam niya at ganun din naman sa kanya.
Nalaman ko na din ang sagot sa tanong ko isang taon ang nakalilipas. Sa U.S. siya nag-aaral at nagbabakasyon lang siya nung nagkakilala kami. Nang dahil sa U.S. siya nag-aaral magkaiba ang oras namin lalo na nung kailangan na niyang bumalik ng U.S. dahil magpapasukan na sila. Kahit na may sariling University ang pamilya nila dito ay ayaw siya ditong pag-aralin ng Daddy niya kaya wala siyang magawa, wala kaming magawa. Kaya every summer or Christmas lang siya umuuwi dito kasi yun lang siya pwedeng umuwi pero last month kahit may pasok siya ay pinilit niya pa ding umuwi siya dito sa Pilipinas dahil graduation ko at sinurpresa niya ako.
School days nila ngayon kaya nasa U.S siya. Hanggang face time or call lang kaming dalawa, sabi nga ni Kaylee.
"Kung umasta kayo para kayong magjowa. May something na ba sa inyo? yieee"
Yan ang madalas na pang-aasar nila sakin lalo na pag magkaface time kami. Ang lagi naman naming sagot ni Enryl ay"We're just friends."
Dahil iyon naman talaga ang totoo.Sabado ngayon at wala akong magawa. Di ko mayaya ang mga kaibigan ko dahil si Kaylee may OJT pa at si Mary may date sila ni Kuya. Saaming tatlo ako ang unang gumraduate dahil tatlong taon lang ang kurso ko.
Ngayon na lang ulit ako napadpad sa local news. I don't know why, pero dito ako natuon ng panonood.
As always, mga balita tungkol sa bansa, government, at mga artista ang nasa balita. Ililipat ko na sana ng biglang nagflash ang bagong balita.
"Breaking News: Marco Vergara and Tiffany Mendz naaktuhan na nagcecelebrate ng one year anniversary nilang dalawa with there family and friends.
Sabay play ng video, kitang kita si Tiffany at may lalaking nakatalikod na naka white polo sa harap niya. Hindi kita ang muka nito at halatang kuha sa malayo ang video. Halata ding nagcecelebrate sila sa video.
"Alam naman nating lahat na kasalukuyan silang nasa Hollywood dahil nakuha silang maging International Actress and Actor."
Untag ng reporter"Tama ka dyan partner at marami din akong nabasa sa Internet na may lihim na relasyon nga daw ang dalawang ito."
Sagot naman nung isa pang reporter."Bagay na bagay nga sila at di lang 'yon partner, may nababalita din sa Hollywood na ikakasal na ang dalawang ito."
Nagulat ako sa sinabi ng babaeng reporter. Di ko napansin kanina pa palang tumutulo ang luha ko."Wait partner there's more, uuwi na daw si Marco dito sa Pilipinas pero hindi pa sinasabi ng kanyang manager kung kailan."
Pinatay ko na agad ang TV at di na nagsisink in sa utak ko ang iba pang sinabi ng reporter basta ang alam ko lang ay ikakasal na siya.Ang sakit kasi akala ko, ako lang. Sabi niya ako lang ang pakakasalan niya wala ng iba pero bakit may Tiffany? Bakit may kasal na magaganap? Bakit may celebration? Kung ako lang sana walang mga ganap na ganyan.
Tatlong taon akong nag-iintay sa kanya pero mukang nasayang lang ang dalawang taon. Sa tatlong taon na yon may mga naging manliligaw ako pero wala ni isa sa kanila ang naging boyfriend ko dahil pinanghahawakan ko pa din ang pangako namin sa isa't-isa. Yeah maybe, promises are made to be broken nga. Sana di na lang ako nag-intay. Sana hindi na lang siya nangako. Sana ako pa rin ngunit mukang hanggang sana na lang ang mga iyon.
Pinatay ko na agad ang TV at umakyat sa kwarto ko para magmukmok. Kasalanan ko din naman to eh. Ako ang kusang umasa. Kahit matagal ko ng sinasabi sa sarili ko na walang kasiguraduhan nga na magiging kami pa din hanggang huli. Nanghihinayang ako saaming dalawa- Ang sakit sakit kainis.
Kinagabihan din ng araw na 'yon nagpunta ako sa bar kung saan ginanap ang surprise party nila sakin dati at nalaman ko din na itong bar na ito ay pagmamay-ari ni Enryl. Kilala na din kami nila Kaylee at Mary dito ng mga stuff niya. Lagi kaming libre pagnandito pero pag wala naman si Enryl ay nagbbabayad ako nakakahiya sa kanya kahit na best friends na kami ay nakakahiya pa din dahil business niya ito.
"Hi Mam Jelai."
Bati sakin nung bartender."Hello,"
Bati ko pabalik."Can you gave me margarita, please."
"Sure mam. Hindi po sa nangingialam ko pero bakit po mag-isa ka lang?"
Tanong niya sakin sabay bigay ng one glass of margarita. Ininom ko muna iyon ng diretso bago siya sinagot."Another glass. Busy sila eh, btw pag napadami akong inom pakitawagan si Kuya James. Thanks"
Tumatawa kong sabi."Yes mam"
Napag-isipan kong magpakalasing ngayon. Kuya is always there for me at alam kong susunduin niya ako dito mamaya.Nakaupo lang ako dun hanggaang sa nakakarami na ako ng margarita habang kausap ko pa din ang bartender kahit na nagbibigay din siya sa ibang costumer ay nakikipag-usap pa din sakin.
And finally I decided to go to dance floor and dance. Nagpaalam na ako sa kanya at nagsayaw na. It's been a while since I got really really drunk.
Kahit hilo at naikot na ang paningin ko ay todo sayaw pa din ako. Maraming nakikisayaw sakin na lalaki pero tinatalikuran ko din pag sawa na ako kasayaw sila sabay tawa ko. I enjoyed dance na parang wala ng bukas.
"Hoooo!"
Sigaw ko sabay galaw ng bewang ko at nakataas ang kamay ko.Habang ginagawa ko yun ay may pumunta na ulit sa harap ko, so mas giniling ko pa ang katawan ko. Ngunit nakatayo lang siya at di nagalaw.
"Come on, dance."
Yaya ko sa kanya sabay tawa. Nang di pa din siya nagsalita ay inangat ko na ang tingin ko at nagulat ako sa nakita ko. Those eyes.
BINABASA MO ANG
Ano nga ba tayo?
RomanceCURRENTLY ON EDIT! Mahalaga ba sa isang relasyon ang label o sapat na ang mahal niyo ang isa't-isa para masabing in love kayo. Para kay Haylee Jelai Navarro, okay lang na walang label as long as masaya siya pero paano kung dumating ang problema niy...