Habang tulala si Jelai dahil ayaw magsink-in sa utak niya ang napanood sa kanilang tv.
"Umalis na siya ng bansa ng walang paalam sakin?"
Duon tumulo ang mga luha niya."Ako ang nagtaboy sa kanya kaya dapat kaya ko to. Ako ang may gusto nito... pero shit... masakit pala talaga."
Ani niya sa sarili habang umiiyak.Pinunasan niya agad ang luha ng may nag door bell sa kanila, siya na ang kusang lumabas para makita kung sino ang nagdoor bell.
"Hi ma'am, delivery for Ms. Jelai Navarro."
Ani ng delivery boy."I am Jelai Navarro."
Pakilala ni Jelai at kinuha ang package."Sa sign na lang po dito.. Salamat po. Have a nice day."
Ani ng delivery boy na masayang nginitian siya kaya nginitian na niya ito pabalik bago pumasok ng bahay nila.It's a plain box na medyo may kalakihan kaya napaisip naman si Jelai sinong magpapadala sa kanya ng package.
Dinala na niya sa kwarto niya ang box at duon dali-dali niya itong binuksan, di niya alam kung bakit siya na eexcite. Nagulat na lang siya ng pagbukas ng box ay may mga gamit at kung ano-ano pang mga paburito niya. May foods, clothes, at kung ano-ano pa. Ang naagaw ng pansin niya ay ang isa pang maliit na box.
Kinuha niya ito at binuksan. Mas magulat siya dahil ito ay promise bracelet at may kasamang papel kaya binasa niya ito.
Babe, this is a promise bracelet. I gave you this because I want to promise you that when everything is fine and I reach goal, Im gonna marry you. Wait for me, okay? You are my one and only girl. I will always love you.
-Love, Marco.
Iyon ang nakasulat sa papel na kasama ng bracelet kaya sinuot niya agad iyon.
"I promise. I can wait for you, babe. I love you."
Di na niya napigilan na mapaiyak at niyakap niya ang papel na galing sa mahal na mahal na binata."I already miss you."
Ani niya ay nahiga sa kama hanggang sa nakatulog na siya sa kakaiyak.Isang linggo na ang nakakalipas simula nung umalis si Marco ng bansa. Alam na din ng mga magulang ni Jelai ang nangyari kaya umuwi agad ang mga ito galing sa business trip nila para sa anak dahil ayaw nilang malungkot ang unica hija nila.
"Let's set a party para sumaya-saya naman si Jelai."
Ani ng Mommy ni Jelai sa asawa. Nag-uusap sila sa loob ng kwarto kung pano mapapasaya ang dalaga."I'm fine with it. Sabihan mo sina James at mga kaibigan ni Jelai."
Ani ng Daddy ni Jelai.Kaya kinabukasan kinausap agad ng parents ni Jelai ang mga kasabwat sa surpresa nila sa anak dahil may business pa silang aasikasuhin hindi sila makakasama sa party. Kaya binigyan na lang nila ng pera si James para sa pag-papaayos ng party at sa mga sunod pang mangyayari.
Nang araw na iyon din mismo nila pinlano ang magiging party at napag-uspaan na sa isang bar nila ito gagawin. They will gonna rent the whole bar just for them, just for Jelai. Magagandang decorasyon at mga magkain ang naayos nila at iba't-ibang klase ng alak. Alam nilang magiging masaya si Jelai dahil marami silang inimbitahan na magpeperform para mapasaya ang dalaga. Pati na din ang mga bisita ay ang mga talagang malapit lang sa dalaga ang kasama, kagaya ng mga pinsan niya, kaibigan at mga kaklaseng malapit sa kanya.
"Tomorrow's gonna be the party at ganito ang plano."
Ani ni Kaylee na sinasabi sa mga imbitado...Walang ibang ginawa si Jelai kundi ang magmukmok buti na lang din at wala ng ginagawa sa school nila dahil clearance na nila. Oo tapos na ang school year nila. Three more years to go before she graduate college.
Pagnahihirapan siya sa mga school works niya, projects at mga performance task laging nandyan si Marco para tulungan siya at maalis ang stress niya. Lagi siya nitong pinapasaya at laging nasa tabi niya ang binata pero ngayong wala na ang binata, meron pa siyang three years, paano na siya kung wala na ang taong natulong sa kanya na lagi niyang masasandalan, yung taong nagpalawala ng stress niya, yung taong lagi niyang kasama at pinapasaya siya, yung taong... Mahal na mahal niya. Paano niya sisimulan ang mga susunod pang-araw ng wala ito. Oo siya ang nagtaboy sa binata pero masakit eh pero kakayanin niya ito. Nakaya nga niya mag-isa nung hindi niya pa nakikilala ang binata eh. She just need to put a side Marco at focus on her studies for her to be successful, when the time comes na magkikita na ulit sila ni Marco.
"Right, just focus."
Ani niya sa sarili at inayos ang mga gamit niya pati na din amg kwarto niyang sobrang kalat na.Binuksan niya ang mga kurtina at inayos ang kwarto niya. Tinapon ang mga balat ng pinagkainan niya dahil nag stress eating siya at alam niyang nadagdagan ang timbang niya dahil sa mga pinaggagawa niya. Kaya ng nalinis at naayos na niya ang kwarto which is pinaltan niya ang bedsheet niya, kurtina at iba pa.
And finally, tapos na siya she took a bath 'cause she decided to go to gym for her own health. Nagsuot na siya ng leggings at sando tsaka nag-ayos pa gym.
At dahil okay na din sa parents niya na magdrive siya ginamit niya ang kotse para makarating sa pinaka malapit na gym. Ginawa niya ang mga palagi niyang ginagawa hanggang lumubog na ang araw at dun niya lang napagtanto na kailangan na niyang umuwi kaya after ng treadmill ay umalis na siya diretso bahay.
"Hi manang."
Ani niya sa katulong na nag-aantay sa mga pinto nila."Hija!"
Tawag ng head ng katulong nila ng nakita si Jelai."Manang?"
Nagtatakang ani nito dahil niyakap siya ni manang."Naku! Bata ka. Talaga naman oh. San ka ba galing?"
Tanong ng katulong"Gym po."
"Tumawag ang mommy mo kanina hinahanap ka. Eh di ko naman alam kung san ka nag punta. Nag-aalala sila sayo pati ako kaya tawagan mo na ang mga magulang mo ngayon."
Ani ng head ng katulong nila."Opo manang. Thanks."
Kaya pag kapasok niya ng kwarto tinawagan niya agad ang mga magulang na nag-aalala sa kanya dahil akala ay kung san na nagpunta ang dalaga. Nang natapos ang phone call, nagpahinga muna saglit si Jelai at diretso na ng banyo para maligo.
Sa kabilang banda, kanina pa tinatawagan ni Kaylee si Jelai ngunit hindi nasagot.
"Ring lang ng ring ang cellphone niya. Where is she?"
Ani ni Kaylee dahil nag-aalala na siya sa kaibigan."Come on. Pick up."
Patuloy pa din siya sa pagtawag.Nakakailang call na siya ng sinagot ito ni Jelai.
"Hello?"
Panimula ni Jelai."I call you thousand times! Where are you?"
Untag ni Kaylee."I took a shower,"
Simpleng ani ni Jelai."Bakit ba?"
Ani ulit ni Jelai."Oh right. You have to come here sa bar. Nabastos kasi si Mary at ang kuya mo nakikipag-away."
Untag ni Kaylee out of frustration."What? Okay I'm on my way. Text me the address."
At pinatay na ni Jelai ang call."I already called Jelai and she's on her way."
Ani ni Kaylee sa mga kasamahan sa bar. Let the surprise party begin...

BINABASA MO ANG
Ano nga ba tayo?
RomanceCURRENTLY ON EDIT! Mahalaga ba sa isang relasyon ang label o sapat na ang mahal niyo ang isa't-isa para masabing in love kayo. Para kay Haylee Jelai Navarro, okay lang na walang label as long as masaya siya pero paano kung dumating ang problema niy...