Chapter 49

422 10 0
                                    

And there I saw those beautiful eyes he have. Pinasadahan ko ang buong katawan niya, it's now different. Mas lumaki ang mga muscles niya halata iyon sa suot niyang dark blue na polo na hanggang siko niya. Binalik ko ang mata ko sa muka niya. Those beautiful eyes, pointed nose, sexy lips that I missed-- No. No. No. This guy infront of me is not Marco. Why would he go here eh nasa U.S nga siya with his fiancee Tiffany.

"You're not him."
Umiling na untag ko kahit hilo ako ay nakakaaninag pa naman ako.

"I know that I'm now tipsy, just tipsy... Kaya kung ano-ano nakikita ko."
Natatawa kong sabi sa sarili.

Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina at humingi ulit ng Margarita pero ngayon three shots of margarita na sunod-sunod. Humingi ulit ako pero nung iinomin ko na sana ay inagaw nung lalaking naka dark blue.

"Can you stop drinking? Can't you see you're drunk."
His voice... No. Hindi siya to. Hindi.

"Excuse me MR. STRANGER, can you also stop? Also I'm not drunk, I'm just tipsy."
Kahit na inis ako ay nagawa ko pang tumawa habang sinasabi ko yun sa kanya at talagang diniinan ko ang pagkakasabi ko ng Mr. Stranger. Binawi ko din ang kamay ko at ininom ang margarita.

"Another glass please."
Hiningi ko pero pinigilan ulit ako ni Mr Stranger.

"No, stop giving her margarita. She's now drunk."
Tumango naman ang bartender.

"Sinong mas susundin mo, ako o siya?"
Tanong ko sa bagong bartender dahil napunta na sa kabilang side yung kausap ko kanina.

"Siya po, lasing na po kayo."
Inirapan ko siya. Di ko na mapigilang magtaray.

"Bibigyan mo ako o malalaman to ni Enryl. You know kung ano ko siya."
Wala ng nagawa ang bartender at binigyan ako. Ininom ko iyon at umalis na ako sa kinauupuan ko.

I hate this guy.

Lumabas na ako ng bar at ngayon ko lang naramdaman ang pagikot ng sikmura ko. I'm going to vomit sa dami ng nainom ko.

Muntikan pa akong matumba buti at may humawak sakin para di matumba.

"Thanks. You know.. I'm tipsy na."
Ani ko between my laugh.

Hindi niya pa din binitawan ang bewang ko at inalalayan niya ako. Papunta ako sa gilid dahil nararamdaman ko na na malapit na akong masuka pero pinipilit niya ako maglakad papunta sa parking lot kaya nagsalita na ako.

"Stop pulling m-me. I'm go-going to vom--"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng nasuka na ako sa lalaking nasa harap ko. Hanggang dibdib niya lang ako kaya sa dibdib niya ako nasuka. After that ramdam kong pabagsak na ang mga mata ko kaya pumikit na ako. Bahala na bukas basta gusto ko na lang matulog.

Nagising ako ng may masakit na ulo. Pamilyar na saakin ang pakiramdam na ito dahil nasanay ako three years ago. Bumangon ako at nagpuntang banyo dahil ramdam ko ang bigat ng tiyan ko na alam kong isusuka ko na ito kaya di na ako nagdalawang isip na pumuntang banyo.

Nang nailabas ko ng lahat, naghuhugas na ako ng muka ng napatigil ako dahil alam kong di ko ito banyo. Kaya napalabas ako ng banyo, kitang-kita ng mga mata ko ang dark blue na dingding, mga kulay putik na furniture, kamang kulay itim at puti. Nasaan ako?

Napabaling naman ako sa suot ko at wala na ako sa damit na suot ko kagabi. I am now wearing pj's at puting damit lahat ay over size at may pamilyar din itong amoy.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad-lakad sa hallway ng nakakita akong hagdan pababa. I'm in a house, not just a house, it's a modern house dahil halata sa mga kagamitan sa loob at sa ayos ng bahay. It's really a modern house. Buong paligid ay puti at karamihan sa gamit ay black yung iba ay may touch ng brown. Masasabi kong lalaki ang may ari ng bahay. Naglibot-libot pa ako at sobrang laki ng bahay nito.

"Hello?"
Tawag ko sa paglabas ko ng bahay at napadpad ako sa swimming pool at sobrang lawak nito. Sa gilid ay may bonfire place pa at billiards table.

"May tao ba dito?"
Tanong ko ng nakapasok ba ulit ako ng bahay.

"Yes"
Simpleng sagot ng lalaki sa likodan ko kaya napaharap agad ako. Hindi ko mapigilang magulat.

"A-am I... dream-dreaming again? Can some...one please wa-wake me up?"
Nauutal kong ani sa sarili ko ng nakita kong si Marco ang lalaking nasa likod ko. Ang lalaking may ari ng bahay na ito.

"You're not dreaming."
Simple nitong sagot at pumuntang kusina. Mukang galing siyang gym dahil sa dala-dala niyang bag.

"Kai-kailan ka pa bum-bumalik?"
Tanong ko habang sinundan siya papuntang kusina. Sasagot na sana siya pero sinundan ko agad ng tanong.

"Nevermind, bakit ako nandito?"
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot sakin.

"You passed out last night."
Simple niyang sagot at dumiretsong kwarto niya kaya sinundan ko at tinadtad ng tanong.

"Eh bakit di mo ako inuwi!?... Bakit dito mo ako dineretso? Baka hinahanap na ako ni Kuya... YUNG BARTENDER! Bakit di niya tinawagan si Kuya? Sinabihan ko na siya ah-"
Pinutol niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng daliri niya sa labi ko.

"Isa isa, okay?"
Untag niya na parang normal na araw lang ito. Napayuko at dun lang pumasok sa utak ko baka may ginawa siya sakin kagabi habang tulog ako kaya napahawak sa katawan ko.

"OH MYYYY!!!! May ginawa ka ba sakin kagabi!? Ba-bakit naka ganto na ako!? Nasan yung damit ko kagabi!? HA!? NASAAN!? SUMAGOT KA!? Anong ginawa mo saki-"
Pinutol na naman niya ako.

"I told you, isa-isang tanong. Di ko masasagot lahat ng tanong mo."
Ayy! Nakakainis na lalaki to. Bwisiittttt!!!! Baka may ginawa sakin ang kumag na ito, di ko siya mapapatawad kung meron nga. Arrggggg!!!

---
Sorry sa late update. Im sure sa ibang naka PLDT dyan nakakaranas din ng nararanasan ko huhuhu. No wifi, kaya hirap akong mag-ud pero sigurado akong sulit ang ud na to dahil lablab ko kayo talagang babawi ako ngayon ipupush ko na tong mga chapters na to hihi mwapsss.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon