Nang sumapit ang lunes ay mabagal ang lakad ko habang nag mamasid sa paligid. Kanina ko pa sa bahay pinag dadasal na sana absent ulit si Marco gaya nuong mga nakaraan. Wala naman masyadong tao sa corridor, siguro kasi maaga pa? Hindi ko din naman siya nakita kaya confident ako pag dating sa classroom.
Napansin ko agad ang dalawa kong kaibigan na nagtatawanan. Napansin ko din na madaming estudyante sa mga bandang upuan ko.
"Excuse me," Ani ko nang may nakaupo sa lamesa ng upuan ko.
Umalis naman siya at ang ilang nanduduon kaya nakita ko kung anong pinag kukumpulan nila. "Good morning." Bati ni Marco nang nilingon niya ako dahil sa pag sasalita ko.
Ang memory nuong nakaraan ay pumasok sa isip ko. Ang pag halik ko sa pisnge niya bago ko siya iwanan sa may gate namin ay ang dahilan ng pag init ng pisnge ko. Pinigilan ko naman ang sarili ko na mahalata niya na naiisip ko iyon dahil ayokong mapansin niyang naapektuhan ako."G-good morning." Maliit na boses na ani ko.
Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Basta ramdam ko ang pisnge ko ganun na din ang hiya. Medyo pinagpawisan din ako dahil sa kakaibang nararamdaman. "Are you okay?" Tanong niya.
Mas nagulat pa ako nuong tumayo siya at nilapat ang kamay sa noo ko. Halos hindi ako gumalaw. Narinig ko din ang gulat sa mga babaeng nakapalibot sa kanya kanina pa. Napaatras ako ng konting ngunit hindi ko alam na babangga ako sa upuan ko mismo kaya muntikan na akong mawalan ng balanse ngunit nahawakan niya ako sa bewang.
"You good?" He asked again. Hindi agad ako nakasagot.
"Good morning lovers." bati ni Khyle na nakatayo na din mula sa pwesto niya. Napakurap kurap ako at natauhan. Madaming nanonood ano bang iniisip ko. Napatingin ako kay Kurt na bagong pasok lamang.
Tinignan kong muli si Marco at duon pa ako kumawala sa kanyang pagkakahawak.
"Sorry." Iyon na lamang ang nasabi ko at naupo na sa upuan ko.
"I'm fine." Ani ko para bumalik na siya sa inuupuan niya. Nag papalipat lipat ang mga mata ng mga nakatingin sa aming dalawa kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. Naglabas ako ng notebook for that subject para maiba ang attention.Nakuha naman yata niya ang gusto kong gawin kaya naupo na din siya. "Ano yun ha." Usisa ni Khyle sakin.
"Ewan ko dun." Iyon na lamang ang nasagot ko. Buti na lang at naiba naman ang topic namin kaya nawala din iyon sa isip ko. Dumagdag pa ang pag dating ng prof namin.
Normal days lang naman at maya maya pa ay uwian na din. Masyado akong nahaggard sa mga subjects ngayong araw kaya uwing uwi na din ako. Mabilis ko din namang nakita si kuya sa parking lot. Buti na lamang din dahil buong araw ko iniiwasan si Marco kahit na hindi naman siya ganun kahirap iwasan. Madami laging nakaikot sa kanya pero minsan ay pinalalayo na ng boyguards dahil nawawalan na siya ng personal space."Kuya!" Tawag ko nang napansin na papaalis na ang sasakyan. Tatakbo na ako sa kanya.
Bumaba ang window nuon at nakita kong kasama niya si Mary na kumaway sakin. "Uwi ka na?" She asked na ikinatango ko.
"Sabay ka na samin. Hatid ka muna namin delikado na." Mabuti na lang kasama ni kuya si Mary. Maisasabay ako pauwi. Hindi na ako muling nag byahe after ng incident. Natatakot na ako.
Pasakay na sana ako nuong napansin kong may text message si Marco.
From: Marco
See me at the old parking lot. I hate waiting.
Medyo malayo yun dito dahil nasa bagong parking lot ako. Bat naman kasi siya nanduduon. Hindi na masyado nagagamit ang parking lot na iyon dahil itong bagong parking lot ay mas maganda at malapit sa mga classrooms and gate.
BINABASA MO ANG
Ano nga ba tayo?
RomanceCURRENTLY ON EDIT! Mahalaga ba sa isang relasyon ang label o sapat na ang mahal niyo ang isa't-isa para masabing in love kayo. Para kay Haylee Jelai Navarro, okay lang na walang label as long as masaya siya pero paano kung dumating ang problema niy...