Chapter 35

598 16 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nang natapos ang klase ni Jelai ay dire-diretso siya sa bahay nila. Hindi niya alam ang nararamdaman, malungkot ba siya o galit o naiinis. Hindi niya alam, ang tanging nasa isip niya lang ay ang sinasabi ng kausap niya sa cellphone kaninang lunch break nila. Hindi niya din tinawagan si Marco kahit na sinabi nito na tawagan siya pag may free time siya.

Samantalang si Marco naman ay nag-aantay sa tawag ni Jelai sa lugar kung san sila magtatagpo ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala pa din ang dalaga kaya naisipan na nito na baka nakauwi na ang dalaga pero bakit di man lang siya tinagpo o tinawagan kahit text ay okay na sa kanya pero wala talagang paramdam ang dalaga kaya nag-alala na siya. Kaya nagtimpa agad siya ng message para kay Jelai.

To: Jelai

Where are you? I'm worried. Please, text or call me when you read this message.

May parte sa utak ni Marco na puntahan si Jelai sa bahay nila dahil may kutob siyang nandun ang dalagang hinahanap niya. Kaya di na siya nagdalawang isip at pinuntahan ang dalaga sa bahay nila.

Nakakulong si Jelai sa kwarto niya at hindi na naman alam ang gagawin. Paulit-ulit nagreplay sa utak niya ang sinabi ng kausap sa cellphone niya.

Nag-aayos ng gamit si Jelai habang ang mga kaibigan niya ay paalis na. Lunch break na at gutom na siya. Paalis na sama siya ng may tumawag sa cellphone niya.

"Hello?"
Bungad niya pagkasagot sa isang unregistered number.

"I told you, one more issue and Im the one whose gonna take away Marco from you. Binalaan kita-"
Pinutol niya ito dahil di niya alam ang sinasabi nito. Boses pa lang alam na din niya kung sino ang nasa kabilang linya.

"Po? Ano pong issue?"
Innocenteng tanong niya sa Mommy ni Marco.

"Oh, you still don't know ha. Nag-kaissue na ulit kayo ni Marco dahil sa nangyaring pagkahospital mo nakita siya ng mga tao na kasama ka at dinadalaw ka. Also, nang dahil din sa pagka-hospital mo hindi siya umaattend sa mga shooting niya. Naapektuhan na naman ang career niya dahil sayo. Kaya kung ako sayo, I will stay away bago pa masira ng tuluyan ang career na pinaghirapan namin."
Halata sa boses nito na galit na galit siya. Hindi niya to masisisi dahil nanay to ni Marco at nag-aalala lang ito sa anak.

"I'm really really sorry po. Hindi ko po alam ang lahat ng iyan."
Once again, naiyak na naman siya habang kausap ang ina ng minamahal.

"Inuulit ko, stay away from Marco. If you really love him and think his own career. Makakabuti din sa kanya ang hindi muna kayo magkita."

"I understand po-"
Hindi pa siya tapos sa sinasabi ay binabaan na siya ng tawag ng nasa kabilang linya.

Habang nagrereply ang lahat ng iyon sa utak niya ay hindi niya napansin na umiiyak na naman siya. Nalilito at nahihirapan na siya.

Kung iiwan niya ang binata kaya niya ba? Kaya niya bang sabihin sa harap ng binata na ayaw na niya? Anong sasabihin niya sa binata para lumayo na ito sa kanya dahil ayaw niyang masayang ang mga pinaghirapan ni Marco ng dahil sa kanya. Pero para din naman kay Marco ang gagawin niya kaya nalilito siya. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba ang mga sunod pang mang-yayari.

Kakaiyak ay nakatulog na si Jelai at ng pumasok si Marco sa kwarto nito nakita niyang basa-basa pa ang mga mata at pisnge nito. Mapula pa din ang ilong nito halatang kakagaling lang sa iyak kaya nagtaka siya bakit umiiyak ang dalaga.

Hindi niya iniwan ang dalaga hanggang sa magising ito.

"Hi"
Bati nito ng nakitang nakapag-loading na ang isip ng dalaga. Nakita niya ang sakit at pagod sa mga mata ng dalaga.

"What's wrong?"
Tanong niya agad dahil nanunubig ang mga mata nito at niyakap siya.

"I will always love you, no matter what, okay?"
Ani ng dalaga habang nakayakap sa kanya.

"I know, I will always love you too."
At hinalikan niya ang ulo ng dalaga. Hinayaan niyang nakayakap sa kanya ang dalaga dahil gusto din naman niya ito at alam niyang kailangan ng dalaga ang yakap niya ngayon.

"You okay?"
Tanong ulit niya kay Jelai.

"Yeah."
Simpleng sagot ni Jelai sa kanya. Alam niyang hindi pero hinayaan na niya ang dalaga. Alam niyang wala sa mood ang dalaga ngayon. Hindi na din niya tinatanong ang dalaga kung bakiy siya hindi nito sinipot sa tagpuan nila kanina at bakit hindi ito nagtext o tumawag man lang.

Malungkot ang minamahal niya alam ni Marco yun at ramdam niya kaya hindi niya iniwan ang dalaga sa araw na iyon. Inentertain niya ang dalaga para kahit papaano ay sumaya naman ito, tumatawa ang dalaga pero nasa mata pa din nito ang sakit. Kahit hindi niya alam ang problema ng dalaga alam niyang malalim ang iniisip nito kaya pinapasaya niya.

"I'm gonna miss this."
Ani ng dalaga sa gitna ng pagmomovie marathon nila.

"We can do this everyday if you want."
Nginitian lang siya ng simpleng ngiti ng dalaga.

Marami pa silang ginagawang masasaya para maentertain ang dalaga at dun na din siya ng dinner kahit na tawag ng tawag sa kanya ang Mommy at Manager niya. Mas uunahin niya si Jelai. Like what he said, Jelai is his priority. Mas kailangan siya ng dalaga ngayon.

"Hindi ka ba hinahanap ng Mommy mo? Nang manager mo?"
Umiling lang siya at iniba ang topic nila ni Jelai.

Alam ni Jelai na hinahanap na ito sa kanila pero hindi na niya inabala pa ang binata dahil wala ng kasiguraduhan kung kelan ulit sila mag-kikita at magkakasama ng ganito lalo na't tutol at galit ang Mommy ni Marco sa kanya ngayon sa mga nangyayari.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon