Chapter 53

440 10 0
                                    

"Why? Your asking me why!?"

"Yes, why do you hate me?"
May diin na ani niya sakin.

"Its because..."

"because what!?"
At nilapitan na niya ako dahilan kung bakit ako napaupo sa kama ko at sumabay pa ang pagkahilo ko dahil sa alak pero di ako nagpatinag. Tumayo ako at tinulak siya palayo sakin kahit hilo na  ako hindi ako magpapatalo sa kanya

"Because you promise me! Sabi mo na ako lang! Na ako lang ang mamahalin mo! Na ako lang ang pakakasalan mo! Na ako lang wala ng iba! Umasa ako sa pangako mo at ngayon babalik ka!!!... at... at ma-may fiancé ka na pala!!!"
Sigaw ko sa kanya na naging dahilan ng pagsakit ng lalamunan ko. Sigurado akong maririnig kami nila Kuya dahil hindi nakasara ang pinto ng kwarto ko.

"At naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala ako sayo! Dahil binigay ko sayo lahat! Naiinis ako sayo! Naiinis ako!!! To the point na pinagsisisihan ko lahat!"
Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya at ang luha ko wala ng tigil.

"Pi-pinagsisisihan mo bang nakilala mo ako?"
Niyayakap niya na ako pero nagpupumiglas ako at nung tinatanong niya ako niyan tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang sakit.

"I HATE YOUUUU!!! I HATE YOUUU!!! I HATE YOUUU!!!"
Yan lang ang sinagot ko sa kanya sa pamamagitan ng pagsigaw habang siya ganun pa din niyayakap pa din ako. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"I'm sorry, babe. Sorry.. Let me explai-"
Mahinahon niyang sabi pero pinutol ko siya at ramdam ko na talaga ang pagkahilo kaya huminahon na ako.

"Sana hindi ka na lang nangako na ako lang. E di sana... sana hindi ako nagkakaganto ngayon, masakit.. Sobra."
Hindi na din ako nagpumiglas dahil wala na akong lakas. Ang huli kong narinig ay ang boses ni Kuya na umalingaw-ngaw sa kwarto ko.

"What's happening? Bakit kayo nagsisigawan?"
Yun na ang huli at nawalan na ako ng malay. Siguro dahil na din sa alak at pagkahilo ko.

Nagising ako sa pamilyar na kisame at pamilyar na amoy. Nasa kwarto ko ako at ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Nakita ko si Mommy na nasa gilid ko natutulog kaya ginising ko siya.

"Mommy.. Mommy.."
Tawag ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya. Nagising naman agad siya at nakita ko ang luha sa mata niya. Gusto kong bumangon pero wala akong lakas. Nahihirapan ako at nanunuyo ang lalamunan ko.

"Oh my! James! Dy! Honey, how are you?"
Panimula niya at sabay na pumasok si Kuya at Daddy.

"Oh! Thank God. Gising ka na."
Ani ni Kuya sabay lapit sakin, ganun din si Daddy.

"You okay, baby?
Tanong ni Daddy.

"I'm fine."
Tumatawa kong ani pero hindi pa din maalis ang sakit ng ulo ko.

"My, can I have.. water."
Nahihirapan kong bigkas. Pagkasabi ko ay kumuha agad si Kuya ng tubig at ibabot sakin.

"Thanks, Kuya. Why are you all here?"
Tanong ko sa kanila.

"James called us kagabi dahil dalawang araw ka ng tulog, baby."
Ani ni Mommy na ikinagulat ko.

"What? Why?"
Tanong ko sa kanila.

"Ang sabi ng family doctor natin, kulang ka daw sa tulog at baka daw stress ka din. Wala kang masyadong lakas dahil kulang ka nga sa tulog at vitamins. You should take care baby."
Explain ni Daddy sakin.

"Iniinom mo ba yung mga vitamins mo?"
Tanong ni Kuya at ikinailing ko.

"Baby, we already told you. Alagaan mo naman ang sarili mo. Nag-aalala kami sayo."
Ani ni Mommy na ikinatango ko.

"Mom, Dad, Kuya... Can you leave me alone? I.. I want to be alone... Please."
Untag ko na alam kong naintindihan nila at tumango sila.

I want to be alone. Gusto kong magisip-isip sa mga nangyayari. Bakit ba humantong na naman ako sa ganito? Mahina na naman ako. Pagdating lagi kay Marco nanghihina ako, nawawalan ako ng lakas, nahihirapan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na naman ang paglandas ng mainit na luha sa aking pisnge. Ayoko ng umiyak pero di ko talaga kayang pigilan. Ayokong nag-aalala sakin sila Mommy. I should be more strong.

Nakatulog ulit ako ng umiiyak at nagising lang ako ng nakakarinig akong mga boses sa kwarto ko kaya nagmulat ako ng mata and there I saw my friends.

"Oh my, Jelai."
Ani Mary na siya ang unang nakakita sakin kaya naglapitan silang lahat sakin.

"How are you?"
Tanong ni Kaylee.

"I'm fine."
Sabay ngiti sa kanila.

"Anong oras na?"
Tanong ko sa kanila.

"It's already 7pm"
Sagot ni Gian.

"Gaano ako katagal tulog?"

"Isa araw ka na ulit na tulog girl."
Ani ni Kaylee. What? Parang ayaw ko ng matulog ulit.

Marami pa silang sinabi sakin at talagang nakakagulat kaya ginawa ko ang lahat wag lang makatulog. Kumain ako, uminom ng vitamins, nakipag-usap kina Kaylee pero kailangan pa rin nilang umalis ng nag alas dies na ng gabi dahil may pasok sila bukas.

Kaya pag-alis nila nganga na naman ako kaya naisipan kong manood na lang ng movies. Nang nag alas dose may kumatok sa kwarto ko at pagbukas ay si Kuya yon.

"Kuya,"

"Oh bakit hindi ka pa natutulog?"
Tanong niya sabay upo sa tabi ko at nakinood ng pinapanood ko.

"Ayokong matulog baka isang araw na naman akong tulog."
Nakita ko ang lungkot sa mata niya.

"Baby.. I'm sorry."
Sabi ni Kuya na ikinagulat ko.

"For what, Kuya?"

"Kasi... Hindi kita naalagaan. Kasi hindi ko napapansin na nasasaktan ka na pala, na nasstress ka na, na nahihirapan ka, na-"
Pinutol ko agad siya sa pagitan ng yakap.

"Kuya, its not your fault. Ako ang hindi nag-alaga sa sarili ko. Don't be sorry Kuya."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong luha at mas niyakap ko pa si Kuya.

"I love you Kuya."

"I love you,"
Sagot niya after ng ilang minutong yakapan namin nagsalita siya at naghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Ang drama natin."
At tumawa kaming dalawa. Nagstay siya sa kwarto ko at nanood kaming movie magkasama. Namiss ko makipag bonding kay Kuya. I'm lucky that I have Kuya like him.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon