Chapter 34

635 15 0
                                    

Pagkakain ko ng oras na iyon ay natulog na agad ulit ako at mabilis din naman akong nakatulog.

Wala akong kinakausap na iba at natulog lang ako hindi din naman nila ako kinakausap. Pag napapatingin ako sa kanila at nakatingin sila saakin nginingitian ko lang sila at sinusuklian naman nila ako.

"Pwede ka na daw umuwi anak."
Untag ni Mommy sakin pag pasok ng kwarto sa sa ikalimang araw na namin sa ospital.

"Tara na po"
At umupo na ako sa kama.

"Mamaya anak, pupunta dito ang doctor mamaya."
Ani ni mommy at pinigilan ako sa pagtayo.

"Magbabayad muna kaming hospital bill, dyan muna kayo."
Untag naman ni Daddy samin at lumabas na. Kaya ang naiwan dito ay kami na naman ni Marco. Sila Mary ay Kaylee ay may pasok, nagpadala na lang ako ng excuse letter sa kanila para sa mga prof. namin.

"Okay ka na ba talaga?"
Basag niya sa natahimikan na bumalot saamin.

"Oo"
Simple kong sagot. Hindi ako galit sa kanya, sa sarili ko ako galit. Bakit ganito ako? Bakit hindi ko naramdaman na namomoblema na siya sa mga issue namin na wala man lang akong kaalam alam.

"Are we good?"
Tanong niya ulit. Di ako sumagot sa kanya. Kaya inulit niya ang tanong niya.

"Babe, are we good?"

"Bakit hindi mo sinasabi sakin yung mga issue natin?"
Kumunot ang noo niya kaya dinugtungan ko na agad.

"Simula nung una nating kita at paglabas sa mga mall. Mga issue nating dalawa. Kung hindi pa sinabi sakin di ko malalaman."
Medyo tumaas ang boses ko dahil sa inis. Nakatingin lang siya sakin at di sumagot.

"Bakit di ka nasagot? Sagutin mo ako. Bakit!?"
Halos sumigaw na ako dito sa harap niya samantalang siya nakatingin lang.

"Ano!?"
Sa inis ko di ko na napigilang maiyak kaya pinunasan ko agad iyon. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong niyakap.

"Im sorry, babe. Ayoko lang na isipin mo pa yung mga yun kaya ko naman ihandle lahat. Sorry."
Aniya at pinunasan ang mga luha ko.

"Wag ka ng umiyak, babe."

"Ikaw kasi pinapaiyak mo ako."

"Bati na tayo? Okay?"
Tumango lang ako at niyakap ulit siya.

"I miss you kahit na nakikita kita lagi dito."
Untag ko sa gitna ng yakapan namin.

"i miss you too so much"
At kinisan niya ang ulo ko.

Hindi nagtagal ay nakalabas na nga ako ng hospital. Ilang araw akong binabantayan ni Marco.

"Pano yung shooting niyo?"
Tanong ko sa kanya.

"Wag mo ng isipin yon."

"Baka hinahanap ka na."

"Wag mo na ngang isipin yun. Magpahinga ka na lang muna."

"Maayos na naman ako ah. I don't need to rest."
Umiling lang siya sakin. He's always there for me hanggang sa pumasok na ulit ako sa school at di ko na ulit siya kinulit tungkol shooting nila. Siguro okay na yun kaya di na siya nabalik.

Naging normal ang buong maghapon ko kasama si Marco at sila Kaylee, Gian, Mary, Kuya. Buti na nga lang nagkaayos na sila Gian at Kaylee.

"Class dismiss"
Untag ng teacher namin na hudyat na lunch break na.

"Guys tara?"
Yaya ni Kaylee nakasama na ngayon si Gian.

"Di ako sasabay, may niluto daw si James na lunch namin."
Ani naman ni Mary.

"Ikaw Jelai?"
Tanong ni Kaylee sakin.

"Sige una na kayo, may pupuntahan pa ako."
Sagot ko at nagpaalam na sila para makaalis at ako naman nag ayos ng gamit ko ng makapunta na akong library may hihiramin akong libro.

Wala si Marco, may gagawin daw siya at humingi siya ng favor sakin na ako mismo magdala ng mga hands-out niya kaya after school didiretso na ako sa pagkikitaan namin.

Habang naglalakad ako papuntang library biglang tumunog ang cellphone ko na hudyat na may natawag. Baka si Marco lang to kaya sinagot ko ng walang tingin kung sino ang natawag.

"Hi babe--"
Di ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita ang nasa kabilang linya... Hindi siya si Marco.

Marco's POV

Tinatawagan ko ang number ni Jelai at mukang may kausap pa siyang iba dahil busy ang line niya. Baka parents or kuya or friends niya lang yun kaya hinayaan ko na muna at tinext ko na lang siya.

To: Jelai

Babe, call me when your free.

Pagkasent ko, lumabas na ako ng bathroom at bumalik na sa opisina ng manager ko.

"As I was saying. Marco, please attend your shooting. Nagrereklamo na si Direc pati ang manager ni Tiffany. Your so unprofessional."
Galit na ani ng aking manager. Pagkasabi niya nun sabay dating ni Mommy.

"I'm unprofessional? Really? Nagkasakit ang girlfriend ko anong sa tingin niyo ang gagawin ko? I take care of her. Napapabayaan ko na nga siya--"
Pinutol agad ako ni Mamsy, ang manager ko.

"Uunahin mo pa siya kesa sa career mo na konti na lang makikilala ka na worldwide? Gusto mo bang masayang lahat ng pinaghirapan natin? Ganun ba?"
Namumula na siya sa galit. I don't care. Jelai is my priority not this fucking career.

"No, not that but she's my girlfriend! My priority! Nagkasakit siya at di ko pa din alam kung bakit siya nagkulong sa kwarto niya nung mga nakaraang araw at kung sino nagsabi sa kanya about sa issues namin--"
Pinutol na naman ako but this time its Mom.

"Marco enough. I did not raise you with those kind of attitude. I dont know where is that attitude of you came from? Is this what you get sa pagsama sa babaeng yun!?"

"Okay lang na ako ang pagsabihin niyo ng kung ano ano, wag na wag niyo lang idadamay si Jelai!"
Sigaw ko at umalis na sa opisinang iyon. Magpapalamig muna ako bago makipagkita kay Jelai. Ayokong makita niya akong galit.

Naiinis ako sa kanila bakit ganun ang tingin nila kay Jelai. She's not a bad influence for me instead siya pa ang nagpipilit sakin sa mga bagay na dapat ginagawa ko pero ayaw ko at siya din ang nagdala saakin sa tamang daan. Pag nakikita ko siya I feel like I'm with an angel. She's an angel for me. My sweet little angel, Jelai.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon