Chapter 51

428 9 0
                                        

Umiyak na lang ako ng umiyak pagkatapos ng eksenang iyon. Hindi ko na alam gagawin ko, ayoko ng umiyak pero pagnaaalala ko naiiyak pa din ako. Wala na din akong masyadong tulog.

Kinabukasan, para mahimas-masan ako mapagdesisyonan kong magmall, mamasyal at magrelax dahil alam kong kailangan ko iyon dahil naiistress na ako kay Marco kahit na wala naman siyang ginagawa sakin. Nakakasawa na din umiyak ng umiyak kaso wala naman akong magawa pang naiiyak na ako, di ko na kayang pigilan pa. Alam kong walang magagawa ang pag-iyak ko kaya kailangan ko ng ibang pagtutuunan ng pansin.

Nagdadrive ako papuntang mall ng nakatanggap akong tawag galing kay Kuya James, kaya sinagot ko agad iyon at nilagay sa speaker.

"Yes Kuya?"
Tanong ko sa kanya.

"Jelai... Hmmm, Remember...  Mary is going to graduate next month right?"
Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita.

"Yep, why?"

"Also magte-three years na kami...so next month. I've decided to propose-"
Sumingit agad ako kay Kuya.

"OH MYYYY!!! Really Kuya?"
Gulat na gulat kong antag kaya napatigil ako sa gilid ng kalsada para mas makausap ng ayos si Kuya.

"Yup. Help me okay? You and Kaylee. Please babyyy..."
Halata sa boses ni Kuya ang pagmamakaawa.

"Of course Kuya. I'm willing to help you. Ano pa't magkapatid tayo at kaibigan ko si Mary diba. I'm so excited for the both of you. Congrats in advance."

"Yes. Yes. Yes. Thank you so so much babyyy. Tomorrow I'll tell you my plan."

"Okay. I'll hang up na, I'm on my way to the mall eh."

"Okay baby. Take care, I love you."
Nagulat ulit ako dahil di si Kuya ang tipo na nagi-i love you sakin dahil madalas kaming kagulo pero maaasahan siya.

"Wow wow,"
Natatawa kong sabi at narinig ko ang pagtawa niya din sa kanilang linya.

"I love you too Kuya. Byeee, see you later."
At pinatay ko na ang tawag.

I'm so so happy for them. Matagal ko ding sinubaybayan ang love story nila ni Mary, my bff. Simula nung unang pag-iyak ni Mary hanggang ngayong magpopropose na si Kuya. Ohh myyyy! Edi Ate ko na si Mary. Hindi ako sanay na tawagin yun na Ate eh halos magkaedad lang naman kami. Ala basta, tsaka ko na yun iisipin ang mahalaga magiging parte na talaga siya ng pamilya namin.

Bumalik na ulit ako sa kalsada at nagpunta na ng Mall.

I do all the things that I know that can make me relax, like go to salon, shopping, eating, massage and everything alone. Its fun kahit mag-isa lang ako, I enjoyed.

Gabi na ng nakauwi ako ng bahay dahil ang dinner pa ako bago umuwi. Ineenjoy ko na lang talaga ang pagsstay ko dito sa Pilipinas dahil aalis ako ng bansa.

"Finally,"
Bungad ni Kaylee pagpasok ko ng bahay namin.

"Oh, why are you guys here?"
Nagulat ako dahil nandito si  Kaylee at Gian kahit na lagi naman silang nandito.

"Will talk about my plan, remember?"
Ani ni Kuya na nawala sa isip ko.

"My bad, sorry."
Natatawa kong sabi.

"Its alright. May inaantay pa-"
Hindi ko na pinatapos si Kuya at sumingit agad ako.

"Okay, okay. Maliligo muna ako mabilis."
At tumakbo na agad ako pataas dala-dala ang mga pinamili ko.

Naligo agad ako pagtaas ko at nagsuot ako ng cotton shorts at white v-neck t shirt, sanay na naman sakin  sina Kaylee na ganito lang ang suot ko. Kami-kami lang naman eh kaya bumaba na agad ako after kong magbihis at wala na sila sa salas.

"Manang, nasan po sila Kuya?"

"Nasa may pool hija. Puntahan mo at maya-maya ako magdadala ng pagkain pagkaluto ko."

"Sige po"
Kaya pumunta na agad ako sa may pool. Nakita ko agad sina Kaylee at Gian na magkatabi habang naghaharutan samantalang si Kuya ay may kaharap na natatakluban niya ang muka. Sino 'to?

"Hi, sorry natagalan ak-"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng nagtagpo ang mata namin ng kausap ni Kuya. Ramdam kong unti-unting nawala ang ngiti saaking mga labi.

"Hi,"
Bati niya sakin.

"Ma-marco."
Yun lang ang nasabi ko at umupo na sa isa pang pakanteng upuan sa tabi ni Kaylee sabay bulong ko.

"Bakit di mo sinabing pupunta siya dito?"

"Ikaw eh, di mo pinatapos ang Kuya mo sa pagsasalita kanina."
At tumawa siya kaya napairap na lang ako.

Bali ang pwesto namin ay si Gian, Kaylee at Ako, si Marco naman katapat ko at sa gitna si Kuya nakaupo habang nagsasabi ng plano niya.

Nakikinig lang ako at naiilang gumalaw dahil bawat galaw ko ay nakatingin si Marco. I mean titig, pag natingin ako sa kanya hindi man lang naiwas ng tingin kaya ang resulta ako din ang iiwas. May fiancé na siya ah, bakit hindi iyon ang titigan niya. Naiilang na talaga ako lalo na ng dumating ang pagkain. Umiinom lang si Marco at hindi kumakain. Titig pa din sakin, alam kong pansin na iyon ni Kaylee na kanina pang nag-iingay sa gilid ko.

"Ehemmmm.. Titig... Ehemmm."
Laging ganyan or di kaya

"Matutunaw, ehemmm."
Walang paki si Kuya sa ingay ni Kaylee dahil nagpaplano pa din siya para sa propose niya at si Gian naman lagi ng inalok ng inumin si Kaylee na akala ata ay nasasamit ang girlfriend niya.

"Basta yun ang plano ha."
Tumango kaming lahat sa sinabi ni Kuya.

"So, uwian na?"
Tanong ko dahil gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko.

"Wag muna, inuman muna. It's been awhile din eh."
Yaya ni Kaylee.

"Kuya, paligpit mo na to. I'll call Mary na pumunta dito."
Untag ko na ang tinutukoy ko ay ang mga nilabas niyang gamit at mga pinagsusulat niya para sa pagpopropose.

"Okay, susunduin ko na lang siya. Maiwan ko muna kayo."
Sabay winked niya sakin. Iiwanan niya ako sa lovers na ito pero di bali kasi sanay na ako sa kanila pero kay Marco na nakatitig hindi.

"Kami na magdadala nito sa loob. Wait lang ha."

"Kaylee.. Gian,"
Tawag ko sa pangalan nila ng may pagbabanta.

"Mabilis lang to besh."

"Pwede naman ipakuha kay Manang eh,"
Umiling siya

"Manan-"
Tinakluban niya agad ang bibig ko para di ko matawag si Manang. Kainis naman oh.

"May paa kami at kamay kaya kaya na namin to. You wait, okay?"
Wala na akong nagawa ng umalis na sila papuntang loob dala ang mga kalat dito sa lamesa.

Naiwan pa nga kasama ang lalaking ito. What to do? Titig niya pa lang di na ko tatagal eh. Kainis.

Ano nga ba tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon