Pagkagising na pagkagising ni Jelai kinabukasan ay nakaramdam na siya ng hapdi. Akala niya mawawala ang sakit pagkagising niya yun pala mas masakit kinabukasan. Kahit masakit ay nagagawa niya pa din namang kumilos kaya pumasok na agad siya sa banyo para maligo at maghanda dahil may klase pa siya.
Pinagdadasal niya na sana wala na si Marco sa bahay nila dahil di niya alam kung pano ito haharapin at sana hindi ito pumasok.
Paglabas niya ng kwarto niya ay pumunta siyang guess room at dahan-dahanh sumilip.
"Hayy salamat,"
Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng nakitang wala ng tao duon at ayos na ang kama.Bumaba na si Jelai para makakain na at makapasok na sa eskwelahan. Nagpahatid siya sa driver nila dahil ang Kuya niya ay nauna na para sunduin si Mary dahil iyon ang lagi nitong ginagawa.
Dali-dali siyang pumuntang classroom nila at hindi ininda ang hapdi. Dahan-dahan muna siyang sumilip para matignan kung nandun si Marco at ng nakita niyang wala ay napahinga ulit siya ng maluwag.
"Hayy, wala pa."
Ani nito sa sarili"Sinong wala pa?"
Tanong ng nasa likod niya na kinagulat niya naman."Ay, shit!"
Gulat na ani nito."Sinong hinahanap mo?"
Tanong ni Marco"Ah..ano?.. sino? ako?..wala akong hinahanap ah."
Napakamot siya ng ulo at pumasok na sa loob ng classroom nila.Tahimik lang silang dalawa hanggang makaupo sa upuan nila.
"Are you sore?"
Pabulong na tanong ni Marco kay Jelai. Nagulat naman si Jelai sa biglaang tanong."Yeah"
Simple niyang sagot at nagbusy-busy'han. Nakapagdesisyon na siya. She'll stay away from Marco for his own sake.Buong klase nila sa umagang iyon ay hindi niya pinansin si Marco. Pag tinatanong siya nito ay nailing o natango lang siya. Hindi niya alam kung pano niya sasabihin kay Marco na lumayo muna sa kanya dahil alam niyang pareho silang masasaktan. Ngayon pa nga lang na hindi niya ito kinakausap ay nasasaktan na siya pano pa pag pinalayo na niya ang binata, mas masakit iyon.
"Let's go eat lunch."
Yaya ni Marco kay Jelai na nag-aayos ng gamit."Kasabay ko sila Kaylee at Mary."
Sagot ni Jelai ng hindi tinitignan si Marco. Kita niya sa gilid ng mata niya ang pagkunot ng noo ng binata."Let's go."
Yaya naman ni Jelai kina Kaylee at Mary, kasama ang boyfriend ni Kaylee na si Gian sa lunch nilang iyon dahil mamaya pa ang lunch break nila James dahil mas higher year ito.Di na inintay ni Jelai ang sagot nila Kaylee at Mary, lumabas na siyang classroom nila at nauna na dahil alam niyang susunod na ang mga ito.
Samantalang si Marco ay nakatingin kay Jelai na palalabas.
"You had a fight?"
Tanong agad ni Kaylee kay Marco, na ikinailing lang ni Marco."She's cold today."
Untag ni Marco"Gian, samahan mo muna si Marco. Will talk to Jelai"
Ani ni Kaylee sa boyfriend."We have to follow Jelai, see you later."
Ani naman ni Mary at lumabas na sila ni Kaylee ng classroom para sumunod kay Jelai. Alam nilang may problema na naman ang dalaga.Sinundan nila Kaylee at Mary si Jelai na dumiretso sa cr ng girls.
"What happened?"
Sabay na tanong nila Kaylee at Mary kaya nagkatinginan sila. Kung ordinary day ito at walang problema si Jelai ay tatawanan nila ang sabay na pagsalita ng kaibigan."Why are you crying?"
May accent na tanong ni Mary."I have to do this... I..I have to stay away from him."
At mas pumatak ang mga luha ni Jelai dahil sa sinabi daw nasasaktan siya."But why?"
Tanong ni Kaylee"Sabi ng Mommy niya nakakasagabal ako sa pagkamit niya ng pangaral. Malapit na daw siyang makilala sa buong mundo pero dahil dun sa mga naging issue namin na hindi ko naman alam ay baka mas mahirapan silang makamit na makilala siya sa buong mundo,"
Humagul-hol ng iyak pa si Jelai kaya niyakap siya ng dalawang kaibigan."Ang sakit..sakit..sobra."
At niyakap niya pa ang dalawang kaibigan."Dont cry na."
Ani ni Kaylee"Will help you."
Untag naman ni Mary kaya medyo tumahan si Jelai."Really?"
Medyo nakahinga siya ng maluwag pero masakit pa din.Lumabas na sila na parang walang nangyari pero namumula ang ilong at mata ni Jelai kaya nakayuko lang siya hanggang sa kumain na sila tahimik sila at walang nagsalita.
"Jelai, you okay?"
Tanong nung nakasalubong nilang mga kaklase at tumango lang siya.Ang hindi alam nila Jelai ay nasa likod nila si Marco at nakasunod.
"Eh bakit mamumula ang ilong at mata mo? Umiyak ka ba?"
Tanong nung isa pa nilang kaklase."Hin-hindi ah, una na ako"
Ani ni Jelai at tumakbo palayo sa mga kaklase at iniwan ang mga kaibigan.Susunod na dapat ang dalawang kaibigan ni Jelai ngunit pinigilan sila ni Marco at tinakbo ni Marco ang lugar kung san papunta si Jelai at sa pinakataas na palapag ng gusali kung saan walang nadaang studyante.
Umupo siya sa pinakadulo at niyakap ang sarili habang umiiyak. Umiyak siya ng umiyak.
Nang nakita na ni Marco si Jelai sa pinakataas na palapag at nakaupo sa sahig habang yakap ang sarili ay inilang hakbang niya lang ang distansiya nila ni Jelai at niyakap ito.
"What's wrong? Why are you crying?"
Tanong ni Marco na halata ang pag-aalala sa minamahal."Nothing,"
Iling na sabi ng dalaga sabay punas ng luha. Tumayo na din ito para makalayo kay Marco ngunit pinigilan siya nito."What's wrong?,"
Ulit na tanong ni Marco at seryoso na ang muka nito ngunit umiiling lang ang dalaga."Sabihin mo sakin, I know there's something kung bakit ka umiiyak."
Dagdag nitong sabi. Ngunit ganun pa din talaga ang dalaga, nakayuko at umiiling lamang. Nag-iisip siya kung ngayon na ba niya sasabihin o sa susunod na araw na lang dahil hindi pa siya handang tanggapin ang kung ano mang mangyayari pagnasabi na niya ang lahat ng dapat niyang sabihin kay Marco. Ngunit ano niya sisimulan? Gayung nahihirapan siya at alam niyang masasaktan talaga silang dalawa.

BINABASA MO ANG
Ano nga ba tayo?
RomanceCURRENTLY ON EDIT! Mahalaga ba sa isang relasyon ang label o sapat na ang mahal niyo ang isa't-isa para masabing in love kayo. Para kay Haylee Jelai Navarro, okay lang na walang label as long as masaya siya pero paano kung dumating ang problema niy...