Warning!!!
This book may contain errors in grammars and spellings. Nobody is perfect. Sorry for that baby.
Read at your own risk.
I warned you!!!"The bravest kind of heart is the one that growls."
-HaciChapter 1: IT BEGINS
FLEX
A bunch of my loud classmates is the first thing that I saw when I entered the classroom. Tila may pinag-uusapan na naman silang kababalaghan, I can see the horror in their faces while they're talking.
Pagkawari ko ay may namatay, inataki ng kung anong nilalang o di kaya'y may nawala na naman. Mga bagay na hindi na panibago sa lugar namin - ang Hacienda Señeres. Lugar ng mga misteryo. Ang corny kung pakikinggan. Maraming mga misteryo na hindi pa nasasagot ng kung sino man.
"Julie yung pangalan nong babae." rinig kong sabi ng kaklase ko.
"Grade 10 student daw yun." komento naman ng isa.
"Sumasali yun sa beauty pageants." sabat ng isa ko pang kaklase.
Marahil nawawala itong babaeng pinag-uusapan nila. Mga magagandang babae ang karaniwang nawawala dito sa lugar namin. Mabuti at safe ako dahil hindi naman ako gaanong kagandahan. Cute lang. Ess.
Nalihis ang atensiyon ko nang may nagsalita malapit sa akin.
"May strawberry flavor ka ba ngayong paninda Flex?" tanong ni Armie na biglang sumulpot sa likod ko. His voice is enough to distracts me from listening to the conversations of my classmates.
Hindi ako sanay na ganito kalapit ang mukha ni Armie sa akin. At alam kong namumula na naman ang ilong ko sa hiya.
"Ano?, meron?" tanong niyang muli sabay tingin sa cool-box na kanina ko pang bitbit. Laman ng cool-box ang mga paninda kong ice-candies.
"O-oo m-meron." pautal kong sabi. Bumalik na ako sa wisyo ko.
"Meron din akong dalang avocado flavor ngayon." I added proudly.
"Pagbilan ng limang strawberry." sabi niya sabay bigay ng 30 pesos. He just shuts me off about Avocado flavor because it's not his favorite. Matakaw talaga tong si Armie sa strawberry flavor. Siya lang naman mag-isa ang pumapapak nito.
Inilagay ko sa isang supot ang limang ice-candies na strawberry flavor at iniabot kay Armie. 5 pesos lang ang tinda ko dito. Mura lang diba? Masarap pa.
Pagkaabot ko ng ice-candies ay di pa umalis sa tabi ko si Armie. Tila may gusto syang sabihin sakin. Mukhang sasabihin niyang nagagandahan siya sa akin. O di kaya'y matagal niya na akong crush. Pwede ring mahal niya na ako. Ayii!!! Mahal agad? Kinikilig na naman ako pag naiisip ko ang mga bagay na'to.
"Sukli ko?" sabi niya na tila kanina pa naiinip. Nagising na naman ako sa katotohan. Oo nga pala 30 pesos ang binigay niya. Isang bente at isang sampung piso.
Nataranta ako sa paghahanap ng panukli sa kaniya. At ng makakita na ako ng sukli ay nahulog pa ito sa sahig. Sabay naman naming dinampot ang limang piso ngunit naunahan niya ako. Pagkadampot niya ay bumalik na siya kaagad sa upuan nya.
Ganito lagi ang sitwasyon namin ni Armie. Mag-uusap lang kami kapag bibili siya ng paborito niyang strawberry flavor ice-candy. Kaya lagi talaga akong may dala nito araw-araw, para sa kanya. Para makausap ko siya.
****
"Bakit nawala yung Julie na Grade 10?" tanong ko sa mga kaibigan ko pagkalapit ko sa kanila.
We call ourselves F5. In short of Fierce 5!!! Si Jessa, Nema, Maricel, Taissa at ako ang bumubuo sa grupo namin. Fierce 5 because we like to take selfies in Fierce positions. At fierce naman talaga kami. Walang halong biro. Ess.
"Galing daw siya ng beauty contest sa kabilang hacienda at yon ginabi." sagot ni Jessa sabay bagsak ng kamay niya sa upuan kaya nagulat naman ako.
"Nakalaban ko na yon last year sa Miss Hacienda Señeres." dugtong ni Maricel.
Magandang babae itong si Maricel. Makinis, matangkad at malupit ang hulma ng pangangatawan. Hindi na ko magtataka kung bakit crush siya ng lahat ng lalaki sa section namin - pati nga si Armie crush siya. Maitim nga lang itong si Maricel ngunit fair skin naman siya. 'Yon din ang isang dahilan kung bakit stand out siya sa aming lahat.
Lagi nga siyang winner sa mga beauty contest na sinasalihan niya. At sa kaniya na rin nanggaling na nakalaban nya na ang Julie na nawawala. Kung saan siya ang kinuronahang Miss Hacienda Señeres.
"Kailangan nating mag-ingat girls, baka tayo na ang susunod na mawawala." mayabang na sabi ni Nema. Sa kaniya pa talaga nanggaling. Siya pa na least beautiful sa grupo. Pero maganda naman siya. Walang panget sa grupo. Esss
"Lalo ka na Maricel." pagsang-ayon ni Taissa.
Ngiti naman ang sumilay sa mukha ni Maricel. Halatang proud talaga siya na siya ang pinakamaganda. At halata ding hindi siya nag-aalala kung mawala man siya.
"Maiba naman ako." sabi ni Maricel. Change topic na daw. "Magcacamping ako kasama si Eric at mga barkada niya sa Mount Usok sa sabado, baka gusto n'yong sumama?" si Eric ang boyfriend ni Maricel.
"Seryoso ka?" tanong ni Nema.
"Hindi ka ba natatakot na baka ikaw naman ang mawala?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Baliw ba siya? Ngayong panahon pa talaga?
"Wag nga kayong paranoid, magiging safe ako kasi kasama ko naman si Eric." ang tapang talaga ng babaeng 'to. Ang laki ng tiwala niya kay Eric. Lagi nga niyang ipinagmamalaki ito.
"Ano sasama kayo?" tanong niyang muli. Gusto niya talaga kaming sumama. Hinihintay niya ang sagot namin pero mukhang walang may gusto.
"Pass muna ako diyan." Unang sabi ni Jessa.
"Ako rin." sunod na sabi ni Taissa.
Lahat kami ay sumagot na at hindi ang sagot namin sa paanyaya ni Maricel. Medyo nalungkot nga siya kaya niyakap na lang siya naming lahat. Ganyan kaming magkakaibigan. Nirerespeto namin ang desisyon ng bawat isa kaya nagtagal ang pagkakaibigan namin.
Baka kasi ano pa ang mangyari kapag sumama kami. Kung kaya ni Maricel, baka kami hindi.
Kailangan mag-ingat.
****
This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised .
•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️Thank you 😘
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro