36. DATE

1.3K 135 58
                                    


FLEX

"Pumapayag ka na?"

Ano?

Papayag ba ako o hindi?

Naghihintay si Ewan at Mama ng sagot ko.

"Mag-aayos lang ako." ngiti ko.

Nagtinginan at nagngitian si Mama at Ewan. Sila pa ito ang sobrang kinikilig.

After 1 hour.

"Tara na?" yaya ko.

"Ang ganda ng suot mo anak." puri ni Mama.

Naka-off shoulder ako na damit na kulay pink at naka tattered jeans. Magpapagirly muna tayo ngayon. Malaki ang ngiti ni Ewan. Halos aabot na yata ito sa tenga niya. Kahit anong gawin niya talaga ay ang gwapo pa rin niya.

"Akala ko ako na ang maganda. Damit lang pala." ngiting-irap ko kay Mama.

"Given na iyon na maganda ka." natatawang sabi ni Ewan.

"Maniniwala na sana ako kaso tumawa ka pa," mataray kunwari. "tara na! Alis na tayo." anyaya kong muli.

"Mrs. Cecilio alis na po kami." paalam ni Ewan.

"Ingatan mo iyang anako ko ha?" taas kilay ni Mama. "Mag-enjoy kayo sa date niyo." nakangiti na siya.

"Sige Ma alis na kami." sabi ko.

Hinatid kami ng tingin ni Mama hanggang sa makapasok ako sa kotse ni Ewan. Sobrang asikaso talaga si Ewan sa akin, pinagbuksan pa ako ng pinto.

Kikiligin na ba ako?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nagmamaneho si Ewan.

"Lalabas tayo ng Hacienda Señeres." ngiti niya.

Maaga pa naman kaya mahaba pa ang time namin para gumala.

"Saan nga tayo pupunta?" ulit ko.

"Manunuod tayo ng sine." kindat niya.

Kung manunuod kami ng sine ay sa Yotik talaga kami pupunta. Ang Yotik ang pinakamalapit na siudad dito sa mga Hacienda. Doon ay puro building na talaga. Na-oover power na ng infrastructures ang nature. Less green places, more skyscrapers.

"Sa Yotik City?" tanong ko.

"Yeah? Why?" tango niya.

"Wala lang, pangalawang beses ko pa lang ito na pupunta doon." mahina kong sabi.

"When was the first time?" he asked.

"Noong buhay pa si Papa," my sad smile. "I think that was my 9th birthday."

"Siguro mabait ang Papa mo." aniya.

"Sobra!!! Sabi nga nila sa kaniya talaga ako nagmana." masayang sabi ko.

"Sayang wala na siya." mahinang sabi niya

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon