56. BAIT

960 114 22
                                    


FLEX

Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makalagan ang sarili ko. I woke up tied in a tree and I can't do anything to free myself. Pfft!Nag-iisa lang ako sa kawalan ng gubat na kinalalagyan ko ngayon. Any moment, a ravenous animal can easily grab and eat me.

I recall all the things before it happened. Naalala ko kung paano ako pinatulog nina Erika at Regine. I can't believe na Red Roses pala silang dalawa. Nagtiwala talaga ako sa kanila.

"Pinapagod mo lang sarili mo Flex." I hear Erika's voice behind me while I'm trying to unravel the knots in my hands. She's speaking directly in my left ear. Hinatak niya ang taling nakapulupot sa kamay ko kaya napasinghap ako.

"So how's it feel to be a traitor my dear friend?" madiing sabi ko.

Narinig ko ang nang-iinsulto niyang tawa. Hindi na siya ang palabirong Erika na kilala ko. She was fake from the start of our friendship.

She circles around me and stop in my front. "I am not your friend, Flex. Remember that." ngisi niya.

"Huh? Haha! Yeah I know coz you're a bitch! A plastic bitch!" asik ko. Biglang nag-iba ang emosyon niya at nagsalubong mga kilay niya.

Umiling siya at hindi na ngumiti. Naramdaman ko na lang ang matigas niyang kamay na lumapat sa aking pisngi. Napangisi ako ng may malasahang dugo sa dila ko, indicating that my upper lip is cut.

"Never talk to me like that or I will push this directly into your heart." she warned raising the knife from her pocket.

Hindi ako nagpakita ng katiting na takot habang pinapakita niya ang kutsilyo. I need to be strong. Alam kong hindi ako itatali ng ganito kung papatayin man lang din nila ako kaagad. They need something from me. They need me as a bait. For Monyo.

Napalingon si Erika ng may marinig na tunog. Napatingin din ako sa pinanggalingan ng tunog at nasilayan si Lady Em na naglalakad patungo sa amin. Nasa gilid niya ang tatlo pang Red Roses. They are in-disguise behind their large red eyeglasses except for Regine. Regine is my second closest friend after Cormac. I can't believe she's doing this.

"Tama na yan Erika." utos ni Lady Em sa minion niya. "Huwag mong sayangin ang oras mo sa kagaya niyang walang-kwenta."

"Hello Lady Em, nice meeting you again." sarkastikong bati ko. Magsasalita na sana siya ngunit nagpatuloy kaagad ako. "Huwag mo akong tawaging walang-kwenta, wala dapat ako dito kung walang-kwenta ako."

She just smirked.

"I salute you Flex. Where did you get your strength? Kaya mo pa talagang magbiro ng ganyan?" nakangising tanong niya.

Nakakatawa lang. tatanungin nila ako kung saan ko nakuha ang lakas ko. Di ba nila alam kung ano ang mga pinagdaanan ko?

"I get in from here — from Hacienda Señeres." I boasted.

They already know what I mean.

Lumapit si Lady Em sa akin at tinitigan ako ng direkta sa mata. "I-reserve mo na ang tapang mo. Sigurado akong kakailanganin mo yan mamaya." sabi niya.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon