66. CHRISTIAN

1K 116 59
                                    


CORMAC a.k.a. CHRISTIAN

Ito ang aking nakaraan.

Naging masalimuot ang buhay ko ng dahil sa Pamilya Loreto. Sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat. Kung bakit ko kailangan maghiganti.

Noong una ay mabait naman ang mga Loreto sa aming dalawa ng aking inay. Masaya ang pakikitungo nila sa amin. Nagsimula lang maging magulo ang lahat dahil sa anak nilang si Rylee. Triplets ang anak nina Mrs. Karina at Mr. Harold Loreto. Ayon kay inay ay galing daw sa unang tatlong letra ng pangalan ni Mr. Harold ang mga pangalan ng triplets. Har din ang palayaw ni Mr. Harold. HARHenry ang panganay, Armie ang panggitna at Rylee ang bunso na siyang sakitin. Oo, sakitin itong si Rylee, dahil sa kaniya kaya laging may mga doktor at scientists na pumupunta sa kanilang bahay. Nakikita ko ito dahil lagi akong naglalaro sa labas.

Isang araw, naging mabangis itong si Rylee dahil sa gamot na itinurok sa kaniya. Ito dapat na magpagaling sa sakit niya. Nagawa ni Rylee na atakihin ang kapatid niyang si Henry. Sa takot na maging katulad ni Rylee si Henry ay ipinadala nila si Henry sa America upang ipasuri. Sa tulong ng Tito at Tita nila ay naagapan si Henry at minabuti na doon muna siya tumira.

Si Armie na naiwan dito ay pinagbawalan din na makipagkita kay Rylee, pati na rin nga ako. Ngunit isang araw may nangyaring hindi inaasahan. Nakalabas si Rylee sa kwarto kung saan siya inoobserbahan. Noong araw ding iyon niya ako inatake at pinagkakagat. Agad namang naawat si Rylee ngunit napuno naman ako ng sugat. Grabe ang iyak ni inay noong makita ang kalagayan ko.

Napagdesisyunan ng mag-asawang Loreto na i-terminate ako. Kailangan ko daw mamatay dahil baka makahawa ako sa ibang tao. Tinanong ko sila kung bakit ako lang? Bakit hindi nila i-terminate din si Rylee? Ang sagot ay dahil anak nila ito. Ako naman ay anak lamang ng disgrasyadang katulong.

Nagmakaawa ang aking inay na huwag akong patayin. Kitang-kita ng musmos kong mga mata kung paano tumangis ang aking inay. Nakaluhod siya sa paanan ng mag-asawang Loreto. Ayon kay inay ay wala naman kasing nangyaring kakaiba sa akin. Hindi naman daw ako tinablan ng kung anong virus o sakit kaya dapat pabayaan na lang ako. Nagmakaawa ang aking inay na paalisin na lang kami. Pinangako pa niya na hindi na kami magpapakita kailanman, ngunit naging matigas ang mga Loreto. Pinanindigan nila ang desisyong pagterminate sa akin. Hindi na daw nila kayang problemahin ang isa pang bata.

Noong araw ng pagpatay sa akin. Sampong taong gulang ako. Rinig ko ang pag-aaway ng mag-asawang Loreto. Rinig ko sila mula sa kwarto na pinagkulungan nila sa akin. Inisip ko na huli na para sa akin ang lahat ngunit ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Pinakawalan ako ni Armie Loreto. Tinulungan niya rin ang aking inay para makatakas kami. Grabe ang pasasalamat ni inay kay Armie. Niyakap at hinalikan niya si Armie sa sobrang pasasalamat.

Tinuruan kami ni Armie kung saan kami dapat dumaan. Sinabi niya na makakalabas kami ng Hacienda ng hindi mapapansin kung susuyurin namin ang gubat. Sinunod naman ang sinabi niya. Masasabi ko na naging mabuting kaibigan sa akin si Armie.

Hindi naging madali ang paglalakbay namin ni inay sa loob ng gubat. Masikot at mabangis ang mga daan. May mga ligaw na hayop kaming nakasalubong ngunit agad naman namin itong natatakasan. Makikita sa reaksiyon ni inay na takot at pagod na siya. Pilit kong pinapalakas ang loob niya kahit ako ay pagod na rin. Nakatagal pa kami ng ilang araw si gubat.

Tatlong araw ang lumipas nang maabutan kami ng mga armadong lalake na silang magti-terminate sa akin. Ni-hire sila ni Mr. Loreto. Binilisan namin ng takbo ni inay para hindi kami mahuli ng mga lalake. Pagod na si inay na tumakbo kaya sinabi niya na hihinto na siya. Naaalala ko pa ang ang mga sinabi niya sa akin.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon