Chapter 6: HOSPITAL VIBEFLEX
Pinauwi ako ng maaga ng teacher namin. Sa bahay na lang daw ako magpahinga. Nagpresenta sina Jessa, Nema at Taissa na ihatid ako kahit nagsabi na ako na kaya kong umuwi ng mag-isa, nagpumilit pa rin kasi sila. Iba daw na may maghatid sa akin, para safe. Pumayag naman ang teacher namin.
Nagpahinga lang ako pagkarating ko ng bahay. Hindi naman nagtagal pagkahatid nila sakin ay umuwi rin naman sila kaagad. Alam kong pagod rin sila kaya hindi ko na sila pinigilan kahit na home alone ako ngayon.
Naiwan lang akong mag-isa sa bahay, sinama kasi ni Mama si Stephen sa pagdedeliver ng Ice candies. Oo, ganito ang negosyo namin. Matagal na kaming nagdedeliver ng Ice Candies sa mga suki namin, nagsimula ito ng mamatay si Papa. Simula noon si Mama na lang ang bumubuhay sa amin. Total magaling naman si Mama sa pagtimpla ng mga sweets kaya naging sikat ang negosyo namin dito sa Hacienda. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko ay ako pa sana ang magdedeliver ng mga iyon.
****
Nagpahinga lang ako buong maghapon. Salamat at nakatulog na rin ako kahit papano. Kailangan kong makabawi ng tulog dahil mamayang 6PM ay pupunta ako ng hospital para i-check ang kalagayan ni Eric. Balita ko wala pa rin daw siyang malay.
Bakit kaya?
Habang nanunuod ako ng TV ay dumating na sina Mama. May dala silang mga gulay at isda. Dumiretso pala sila ng palengke pagkatapos magdeliver.
"Good eve Ma." sabi ko habang nakatutok sa TV.
Ngumiti lang siya at inilagay ang mga pinamili sa kusina. Si Stephen naman ay umakyat sa taas, sa kwarto namin dala ang bagong bili niyang laruan. Tuwang tuwa siya habang hawak-hawak ito.
"Tumawag sakin yung Teacher mo kanina," sabi ni Mama sabay lapit sa akin. "Nahimatay ka daw Anak kanina? Okay ka na ba?" pag-aalala niya.
"Okay na ako Ma, sa pagod lang siguro." sagot ko. Halata sa mukha ni Mama na hindi siya naniniwala na okay ako.
"Anak ingatan mo ang sarili mo ha? Alam mong mahirap magkasakit diba?" malambing niyang tanong. Sumang-ayon naman ako sa kaniya. Hinalikan niya ang nuo ko. Ang gaan sa kalooban. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal ng isang ina.
****
Nagluto na si Mama ng hapunan. Sinigang na bangos ang ulam namin. Masarap diba? Pampabawi sa pagod at gutom. Mabuti na lang magaling magluto si Mama. Sabagay, lahat naman yata ng nanay magaling magluto.
Habang kumakain kami ay nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako sa Hospital. "Ma pagkatapos ko palang kumain ay pupunta na ako ng Hospital." ani ko.
"Uminom ka muna ng Vitamins anak bago ka umalis." pagpapaalala niya. Nag-aalala talaga sa akin si Mama. Bilhan ba naman ako ng tatlong klaseng vitamins. Mula ata vitamin A to vitamin z na ata ito.
"Steph, don ka muna matulog sa tabi ni Mama ha?" sabi ko sa kaniya. Alam kong malulungkot na naman siya dahil hindi niya makakatabi ang Ate niya. Tumango na lang siya ng hindi ngumingiti.
"Flexie Marie Cecilio." banggit ni Mama sa buong pangalan ko.
"Yes Ma?" tugon ko.
"Mag-ingat ka." paalala niyang muli.
"Opo Ma." sagot ko.
****
6:16 PM ay nakarating na ako sa hospital.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro