CHAPTER 14

2.2K 238 32
                                    


Chapter 14: FRIENDSHIP OVER?

FLEX

Tatlong linggo na ang nakalilipas ng hatulan si Jessa. Para mapigilan ang paglaganap ng sakit na ngayon ay tinatawag na HSS or Hacienda Señeres Syndrome ay minabuti ng gobyerno na iterminate sina Jessa at ang lahat ng mga nahawa nya. Nakafocus din sila sa paghahanap nang lunas sa sakit na ito. Matindi din ang pagmomonitor nila sa new cases para hindi ito maging pandemic.

Hindi na nabigyan ng magandang libing ang kaibigan ko dahil wala namang katawan na ililibing. Mga doktor at kawani na ang nagdispose ng mga katawan nila. Isinagawa nila ito sa malayo sa mga tao. Para safe nga daw kasi airborne disease ito.

Three weeks and things go back to its normal ways. Except nga lang samin ni Taissa. Hindi na kami nag-uusap o nagbabonding tulad ng dati. Ni hindi nya nga ako matignan ng direkta sa mata sa tuwing makakasalubong ko siya. Simula iyon nong last naming pagsasama. Yung nangyari sa labas ng hospital. About Jessa's Termination.

Pagkatapos ng mga nangyari ay bumalik na ako sa pag-aaral. Let's accept the fact that I am still a student and things that had happened are not my passes to stop attending classes. Tao pa rin ako na kailangang matuto.

Habang naglalakad papunta sa room ko sa school ay nakita ko si Taissa. Hindi ko na matiin na kausapin sya at tanungin kung ano ang problema. She's walking right towards me so I call her attention.

"Taissa!" Tumingin kaagad sya sakin

Dediretso pa sana sya pero hinarang ko sya kaagad.

"Ano ba?" Naiirita niyang tanong. Napansin ko rin na nagsisimula ng tumingin at umiwas ang mga estudyanteng dumadaan.

"Anong ano ba? Dapat pag-usapan natin ang problema!" Tumaas ang boses ko.

"Tignan mo!" Sabay turo ng mga palad nya sa mga dumadaan.

"Takot sila sa atin Flex! Dahil kaibigan natin si Jessa. Na baka may sakit din tayo at mahawa sila! Naiintindihan mo ba?" Pagpapatuloy nya. She's on the edge of crying.

"So ganon na lang? Iiwasan mo ko tapos hindi na tayo magkaibigan?" Naiinis kong tanong sa kanya. Alam kong walang patutunguhang maganda ang usapang ito.

"Oo, alam mo, kaya ko pa sana eh kaso nong nawala si Jessa hindi ko na mapigilan na sisihin ka!" This line hurts so great. Umiiyak na siya.

"Sinisisi mo ko?" Paiyak kong tanong.

"Oo." Her one word answer is enough to cause a sudden pain in my chest kaya naiyak na ako ng tuluyan.

"Walang may kasalanan nito Tais. Alam mo yan." Mahinahon kong sabi and started to wipe my tears.

"Meron Flex! Ikaw ang unang may kasalanan nito! Kung hindi ka sana umiyak-iyak at namilit na hanapin si Maricel eh sana buhay pa ang mga kaibigan natin!" Nagsimula na syang manumbat.

Hindi ko inaasahan ang ganito. Na manggaling kay Taissa na ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hindi ko napigilang malungkot at magalit sa mga sinabi nya kaya sinumbatan ko rin sya.

"Huwag mo kong sisihin! Dahil ikaw ay may kasalanan din! Kung pinagbutihan mo sanang magbantay sa monitor edi sana nakapagwarning ka nang mas maaga! Edi sana buhay pa sila!" Dinuro duro ko siya. Siya naman kasi ang nanguna kaya di ko na napigilan ang sarili ko.

"Alam mo totoo ang sabi ng Papa ko. Sabi nya,.." Sabay punas sa luha nyang papatak pa lang.

"Lumayo daw ako sa mga bagay o tao na hindi malusog sa akin." Pagpapatuloy nya. May galit at lungkot pa rin sa mukha niya.

"Hindi na healthy ang friendship natin Flex kaya dapat ko na itong iwasan." Mahinahon niyang pagtatapos sa kanyang pangungusap.

Pagtapos niyan ay tumalikod sya sa akin at nagsimulang lumakad papalayo.

"So ganon na lang yun!?" Sigaw ko.

"Ang sama mo!"

"Duwag ka dahil hindi mo kayang ipaglaban ang pagkakaibigan natin!"

Hindi umubra ang mga sigaw ko dahil patuloy pa rin sya sa paglakad. Lumayo na ang kaibigan ko. Lumayo sa buhay ko.

Then I give up shouting.

And started to move on.

Sobrang sakit palang maheart-broken sa kaibigan.

Promise!


TAISSA

Tama ba ang ginawa ko? Si Flex na lang ang natitira kong kaibigan tapos ginanon ko pa. Wala na ba akong masisi na iba? Kundi siya?

Tama lang ang ginawa ko. Siya naman talaga ang dapat sisihin kasi siya ang nagpumilit na hanapin si Maricel. Kaso may kakayahan naman kaming humindi sa kanya pero pinagpatuloy pa rin namin ang paghahanap.

Wala na! Nasabi na ang dapat sabihin. Ang kapal din ng mukha nya kasi para sisihin ako na hindi ko pinagbutihan ang pagbabantay. Ginawa ko kaya ang lahat nang makakaya ko para maging safe sila.

Hayaan na ang mga bagay na hindi makabubuti.

Hayaan ko na si Flex.

Tapos na rin naman kami.

~~~~

Lumipas ang mga araw at buwan at sumapit na ang pagtatapos nang school year. Nawala na ang takot ng mga tao sa Airborne Disease kaya bumalik na ang Hacienda Señeres sa dati. Wala ng balita na namamatay o nawawala. Umalis na rin yung mga reporter at pulis na nakapaligid sa buong hacienda. Masasabi kong safe na kahit papano ngayon.

Ngayon.

Nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan, ganoon din si Flex. Kahit hindi maganda ang nanyari sa amin ay masaya ako para sa kanya. Hindi na nga lang pwede ibalik ang dati naming pagkakaibigan. Kasi kapag nakikita ko siya ay naaalala ko rin ang mga nawala kong kaibigan. At masakit yun sa pakiramdam. Ang arte lang diba? Pero totoong masakit talaga.

Recognition day na at may award na naman si Flex. Bumaba ang honor niya dahil siguro sa mga nangyari at sa absenses nya noong nasa hospital pa siya. Ang dating 1st Honor na si Flex ay 3rd Honor na lang ngayon. Atleast may honor pa rin sya at pwede pa siyang bumawi next school year. Ako nga kahit kailan ay hindi mangyayari sa akin na magkahonor. Ang bobo ko lang kaya. Slight lang ha? Ganda na lang talaga siguro panama ko.

Pagkatapos bumaba sa stage matapos tanggapin ang award nya ay tumingin sa kinaroroonan ko si Flex. Saktong nakatingin ako sa kanya. Hinintay kong ngitian nya ako.

Ngunit hindi ito nangyari.

Walang Flex na ngumiti sa akin.

~~~~**~~~~

Hello Hacienderos!!! Androidz!!!

Nagustuhan nyo ba ang chapter na ito?

Kung Oo?

Please do these!!'

•Follow me
•Recommend this Story
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you very much😘

MAHAL KO KAYO!!! 😘

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon