FLEXI can't believe my situation right now. Imagine? Flex Cecilio is having lunch with a Monster? I can't do anything about that. Believing is my only option.
Sinakop ng amoy ng inihaw na isda ang buong kagubatan. It is a perfect day to eat fish. Kumakain ka habang nasa harapan mo ang napakalinaw na batis. Sabayan pa ito ng tanawing matataas na mga bundok na kahalikan na ang langit. Parang kinain na yata ako ng nature.
"Bakit ka nakatingin?" Tanong ko kay Halimaw kasabay ng pagpahid ko ng mukha ko. Baka kasi may dumi ito.
Kanina pa siya nakatitig sa akin habang hinihimayan ang isda na kinakain ko. Una naming kinain ang mas maliit na isda, una kasi itong naluto. Ang isang isda naman ay nasa ihawan pa.
"HINDI NA YAN TAO." Turo ng mata niya sa isda.
Naiisip ko tuloy ang ginawa niya. Buong akala ko talaga na tao ang kinain ko kanina. Kaya pala lasang baboy, eh baboy nga talaga. Ess.
"Thank you." Ngiti ko.
Ipinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang sa maluto na ang ikalawang isda. Hinati kaagad namin ito sa dalawa. Ang parteng itaas sa kanya habang ang ibaba ay akin. Gusto ko kasi ang buntot na parte.
Tinignan ko si Halimaw sa mukha. Kailangan ko na siyang tanungin tungkol sa bagay na gumugulo sa isipan ko.
"Pwede bang magtanong?" Ani ko.
"ANO YUN?" Tugon niya.
Bumuntong hininga muna ako bago ko pinakawalan ang mga salitang sasabihin ko.
"Ikaw ba ang halimaw na pumatay sa mga kaibigan ko?" Tanong ko.
Napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin. I think he is hesitating kung sasautin niya ang tanong ko. Oo at hindi lang naman ang sagot.
"OO." He finally said.
Siya nga ang halimaw. Ngunit paano? He looks so different from then.
"Ngunit bakit parang hindi?" Mahinang ani ko. Inilapag ko muna ang hawak kong isda.
Inilapit niya ang tingin niya sa akin. Para bang may gusto siyang tignan sa mata ko sa malapitan. His eyes are so beautiful . They have the colors of the rainbow. I'm lost in its perfection.
"PAANO?"
"A-ang daming nag-iba sayo." Nauutal ko sabi. Nawala yata ako sa focus dahil sa titig niya.
Lumayo siya ng konti sa akin.
"ANONG NAG-IBA?" Sabi niya.
"Ang mga mata mo, ang kulay ng katawan at pakpak mo at ang ugali mo." Pag-isa-isa ko.
"MINSAN KAILANGAN MONG MAGBAGO UPANG MAWALA ANG KATOTOHANANG MASAMA KA." Malungkot niyang sabi.
Pinagsisisihan ba niya ang lahat ng nagawa niya? Konektado ba ang pagbabago ng kanyang hitsura sa pagbabago ng ugali niya? Mga tanong ito na siya lamang ang makakasagot. Iyan ay kung may balak siyang sabihin sa akin ito. Parang wala naman.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro