Chapter 6: WORRIESEWAN
I can see the worries in Mrs. Cecilio's face while the investigator asks her some questions. Nawala kasi si Flex kahapon pa. Nasaan na siya? Saan siya nagpunta? That girl! Hindi man lang nagpaalam.
Yesterday night, around eight o'clock, when I arrived from school, I saw Mrs. Cecilio waiting for someone. Tinanong ko siya kung sino ang hinihintay niya. Sabi niya si Flex daw. Tinanong ko siya kung saan ba pumunta si Flex at sabi niya inutusan niya daw magdeliver ng ice-candies sa last street. Goddamnit! Sa last street? Ang layo non tsaka hindi safe ang daan doon kung gabi. Naabutan na ako ng alas diez sa kanila ngunit wala pa ring Flex na dumating. After that, I decided to wait Flex in their house na lang. Inumaga na lang kami sa kahihintay ngunit wala talaga si Flex. Sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi siya ang tipo ng tao na hindi nagpapaalam.
This morning, even though Flex isn't gone for 24 hours, we called a police to perform an investigation. Kailangan na namin siyang mahanap. This won't be safe for her kung matatagalan pa.
"Ano po ang nangyari bago ninyo siya utusan magdeliver? Nang ice-candies ba?" Pagpapatuloy ng investigator sa kanyang pagtatanong kay Mrs. Cecilio.
"Oho ice-candies nga. Wala siyang pasok kaya naglinis siya ng buong bahay. Naglaba, nagluto at naghatid sa kapatid niya." Pagsasaad ni Mrs. Cecilio.
Habang nagsasalita siya ay patuloy ang pagtake-down notes ng investigator. Napatigil ito ng sandali at nag-isip. Tila may tanong na bumabagabag sa kaniya.
"Sabi niyo po walang pasok ang anak niyo?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Alam ko na ang patutunguhan ng interogasyong ito.
"Opo." Ani Mrs. Reyes.
Parang nagliwanag ang mukha ng investigator. I think he came up with a theory. At alam ko kung ano iyon.
"Panong walang pasok eh huwebes pa lang po kahapon?" Ani investigator.
Ito ang kinatatakot ko. Baka matapos ang tanungang ito ng walang aksyon o solusyon. Baka hindi nila kami tulungang hanapin siya.
"Nasuspend po siya ng three days." Sagot ko. Ako na lang mismo dahil parang nag-aalangan pa si Mrs. Cecilio na sumagot.
Napatingin silang dalawa sa akin. Pati na rin ang dalawa pang kasama ng investigator. Nagulat sila siguro na sumagot ako dahil kanina pa ako tahimik at nakikinig lang. Ibinalik niya ang tingin niya kay Mrs. Cecilio.
"Totoo po ba iyon?" Tanong niya dito.
"Opo. P-pero hindi po kayang maglayas ng anak ko! Kung iyan ang iniisip ninyo?!" Sagot ni Mrs. Cecilio. Yan naman talaga iniisip nila. Inunahan niya nalang dahil siguradong doon naman ito patungo.
Napakulabi ang investigator habang may sinusulat na naman sa notebook niya. Siguraduhin niya lang na magagamit niya ito sa paghahanap kay Flex.
"May posibilidad nga na ganoon." Ani investigator.
Napakunot ang noo ni Mrs. Cecilio. Napailing nalang ito sa sinabi niya. Loko talaga ito! Sarap sapakin! Nagconclude na siya kaagad wala pa nga siyang aksyon. His face is very worthy of my fist!
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro