FLEX"Andito ako!" sigaw ko sa dalawang naka-Red.
Lumingon sila at mabilis na tumakbo patungo sa akin. Sa tingin ko ay hindi nila napansin ang Mansion sa kabilang bahagi. Makikita mo lang naman kasi ito kung nasa gilid ka na ng batis.
Hindi ko masasabing kilala ko ang dalawang babaeng ito. Hindi kasi kita ang mukha nila. What's wrong with them? Pa-mysterious ang mga mukha nila. Nasa gubat pero nakashades na pula? Tapos ang lipstick nila lagpas sa mga labi. Nagmukha tuloy silang clown na maganda. Nakakabaliw ang pormada nila.
Teka lang. I saw someone like them before. Saan nga iyon?
Right!
Sa hospital ko siya nakita. Ang babaeng nakapula. Ang babaeng pumatay kay Erik. Lumapit sa akin ang mas payat sa kanila habang may kausap naman sa cellphone ang isa. Napansin ko na may keychain na pulang bola sa cellphone niya.
"Lady Em may nakita kaming babae sa gubat." sabi ng nakacellphone sa kausap niya.
Malapit na sa akin ang mas payat. Nakatitig lang siya sa akin. Sinusuri niya siguro kung sino ako at kung bakit ako naandito.
"Ilang araw na akong naliligaw sa gubat na ito," paliwanag ko. "ngunit hindi ko talaga mahanap ang daan papalabas, mabuti at nakita ko kayong dalawa." tingin ko sa kasama niya.
Tumitig muna siya sa akin bago siya nagsalita.
"Okay ka lang ba?" tanong niya. Parang pamilyar ang boses niya.
"Okay lang ako." tugon ko.
Pagkatapos noon ay hinatid na nila ako. Habang sa daan ay nagpakilala silang dalawa. Hindi nga lang ang personal names nila kundi ang pangalan ng grupo nila. They call themselves Slayers and their group are called Red Roses. Sabi nila ay suportado sila ng Gobyerno. Ang Red Roses ay isa lang daw sa maraming grupo ng Slayers. Baka color-coded din yung iba. They are the ones who terminate monsters and deadly creatures. The ones who protect us from great danger. Ngunit hindi para kay Monyo. Baka nga sila ang dahilan kung bakit may mga sugat siya. Mabuti na lang at nakuha ko ang atensyon nilang dalawa, kapag nagkataon sana ay napahamak na si Monyo. Nakakalungkot lang na hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.
Pinakiusapan ako ng dalawang ito na ilihim ko daw muna ang existence nila. They said that they are solving some mysteries in Hacienda Señeres. Alam ko kung ano iyon. Ito ang mga kaso ng patayan at mga pagkawala.
*****
"Flex!" sigaw ni Ewan sabay yakap sa akin nang makita niya ako sa Police Station.
Ang higpit ng pagkayakap niya sa akin. Hindi na nga ako makahinga sa higpit nito. Nag-alala talaga siya ng sobra sa akin.
"Ewan..." mahinang sabi ko. "hindi ako makahinga." at binitiwan niya na ako.
"Anong nangyari sayo? Saan ka nagpunta?" may pag-aalala niyang sabi.
His reaction is genuine. He missed me that much? Bakit naman? Friends lang naman kami.
"Mahabang storya, tsaka ko na ikukuwento sa iyo." ani ko.
May sasabihin pa sana siya kaso biglang dumating sina Mama at Stephen. Mangiyak-ngiyak si Mama ng makita niya ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ginantihan ko ito ng matindi ding yakap sabay halik sa pingi nila ni Stephen. I miss this feeling. Ang pakiramdam na kasama mo na ang mga taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro