48. INTRUDER

1K 105 22
                                    


TAISSA

"Hindi mo na dapat ginawa yon." sabi ko kay Henry matapos nilang papuntahin sa stage ang babaeng naka-red.

Tinanong nila ni Cormac ng kung anu-ano ang babae tapos sinabi nila na naiinis ako kay Henry dahil sa kaniya. Hindi ko lang ma-gets. Ang liit na bagay lang iyon para sa akin. Ang gulo ni Henry.

"I just want to prove na hindi ko siya type." tugon ni Henry.

"Alam mo okay lang naman na type mo siya. Wala naman akong karapatang magalit." paliwanag ko.

"You know you have, after what happened earlier." lumapit siya sa akin saka bumulong. "The kiss means something." anong ibig-sabihin nito?

"Anong meaning?" gusto kong klaro ang lahat kaya tinanong ko ito.

"That we are together." ngiti niya.

"Together? As in tayo na?" ani ko.

"Yes tayo na!" tugon niya.

Hindi ako makapanila masyado. Si Henry at ako? Kami na? Parang ang bilis lang ng pangyayari. Mas okay na nga itong may label kami para hindi na ako mailang. Matapos ba naman ng halikan ay dapat siyempre kami na talaga.

"Tayo na." mahinang sabi ko na nakangiti.

Bigla akong binuhat ni Armie. Masayang-masaya siya na pumayag akong kami na. Lumapit sa amin sina Shaina at Emery at nakiusyoso.

"Ano to?" mapanuksong tawa ni Shaina.

"Kami na!" masiglang balita ko sa kanila.

"Weh di nga? Baka nabigla ka lang Henry ah?" tanong ni Emery na hindi makapaniwala.

"I am certain." tanging tugon ni Henry.

"Grabe ka Em ha? Hindi ba ko pwedeng maglasyota ng pogi, ha?" nangyayambi kong sabi.

"Siyempre deserve mo iyan Tais." ani Emery. "Nakakagulat lang na kayo na." ngiti niya.

"Ako nga nagulat din eh." tawa ko.

"So paano ba yan? Kami na lang ni Joan ang single." nagpouty lips si Shaina.

"Ako nga taken pero nasa ibang lugar din naman." wika ni Emery.

"Tama na yang usapang jowa na yan!" saway ko.

"Let's enjoy the rest of the night!" sigaw ni Henry.

At yaon nga ang ginawa namin. Nagpatugtog ng masisiglang kanta at sinabayan ito ng disco ball. Naging makulay at masaya ang gabi naming magkakaibigan. Ang suwerte ko ngayong taon. Na-enjoy ko ang halos lahat ng panahon ng senior year, lalo na itong Monster Party.

Mga alas tres ng umaga ay umakyat si Cormac sa taas ng stage at nagsalita tungkol sa isang anunsiyo. Isang oras bago matapos ang Monster Party.

"Good Morning ladies and gentlemen! I'm back." sabi niya ng nakangiti. "I want to announce that this night we gathered an exact amount of 95,542 pesos. This will go to the school's fund and charity. This made possible because of you! Thank you!" nagsipalakpakan ang lahat.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon