FLEXI can leave Monyo but my conscience says don't . Monyo's been good to me. He's always my protector though I'm a pain in the ass. He's my Knight in this world full of Princes.
Kanina ko pa natanggal ang bala sa tiyan ni Monyo. Ginamit ko ang kutsilyo sa kusina. Kahit na wala siyang malay ay makikita na iniinda niya ang sakit. Kakaiba ang bala na nakuha ko. May tatlong hooks ito sa ilalim at mas malaki ito sa karaniwang bala.
Pagkatapos matanggal ang bala ay nag-init ako ng tubig at nilinisan ang sugat niya. Sa palagay ko ay may nakaenkwentro siya kagabi kaya hindi siya nakauwi kaagad. Marami siyang hiwa sa buong katawan niya. Mabuti na lang at mababaw lang ang mga ito. Ang nagpalala lang talaga sa kanya ay ang tama ng bala sa kanyang tiyan.
****
Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ang payapa tignan ng mukha niya. Hindi bakas dito ang mabagsik niyang nakaraan. Nagbago na talaga siya. Mabuti na siyang halimaw siyang halimaw ngayon.
Habang wala pa siyang malay ay ako muna ang nag-asikaso ng lahat. Nilinis ko muna ang marka ng dugo sa labas at loob ng Mansion. Babaho kasi ito kapag matagalan at matuyo, Ang kumot sa kwarto ko ay pinalitan ko ng kumot ni Monyo. Duguan na rin kasi ito. Dinala ko ang mga ito sa batis at nilabhan. Pakanta-kanta na lang ako para hindi ako mabored.
Hindi gaanong natanggal ang mantsa sa kumot dahil wala naman akong sabon na ginamit. Sinampay ko kaagad ito sa mga puno malapit sa may taninam ng bulaklak. Baka bumango ito kapag dito ko sinampay. Instant fabric conditioner. Natural pa.
Nakaramdam na ako ng gutom pagkatapos kong maglaba. Mataas na rin ang sikat ng araw. Napagod ako sa mga ginawa ko, sobra. Kailangan ko na atang kumain. Hinalughog ko ang lahat ng bahagi ng Mansion ngunit wala talaga akong makitang pagkain. Saan niya tinago ang pagkain? O baka wala talagang pagkain?
Ang batis ang naging sagot sa gutom ko. Doon kami kumuha ng makakaing isda kahapon kaya siguradong makakakuha ako ngayon kahit isang isda man lang. Humanap muna ako ng matulis na sanga ng kahoy sa gubat. Tinali ko sa dulo nito ang kutsilyo sa kusina na ginagamit ni Monyo. Pagkatapos kong gawin ito ay tumungo na muli ako sa batis.
Lumusong ako sa tubig at pumuwesto sa bahaging hanggang tuhod ko lang ang lalim. Siyangang nakakamangha ang batis na ito. Nakikita ko kasi sa ilalim ang mga malulusog na mga isda. Padaan-daan lang ang mga ito sa paanan ko. Sinimulan ko na ang panghuhuli. Una attempt ko ay failed agad. Hindi ako nawalan ng pag-asa kaya sinubukan kong muli. Hindi ako basta lang na susuko. Kaya ko to!
Isang oras na yata akong nakalusong sa tubig ngunit wala pa rin akong hawak na isda. Puro tubig ang natatamaan ko imbes na isda. Ess. Paano na ito?
Gutom na gutom na ako!
Promise!
One more try pa!
Sige pa Flex!
Maswerte ang one more try dahil pagkataga ko ay may sumamang isang cute na isa. Kasing-laki lang ito ng palad ko. Kulay pink ang isdang ito. Bading na isda? Ess. Nakakaawa nga siyang lutuin ngunit magiging mas kawawa ako kapag hindi ko siya niluto.
Sasabawan ko itong isda na ito. Gusto ko na makahigop si Monyo ng mainit na sabaw para gumaling siya kaagad. Pagkain ang lunas sa sakit.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro