59. REFRESH

958 112 37
                                    

FLEX

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw si Armie?" tanong ko kay Armie habang nakahiga kami sa damuhan, sa garden ng Mansion niya. Masarap ang tulog ko kagabi dahil alam kong safe ako sa piling ni Armie o Monyo. Maganda din ang gising ko kanina. Ang sweet ni Armie dahil ipinaghanda niya ako ng almusal. Ess. Pagkatapos ng almusal ay dito na kami sa garden dumeretso.

"I want you to accept me as me. Naisip ko kasi na baka tatanggapin mo lang ang halimaw na ako dahil ako ay si Armie, ang Armie na crush mo." paliwanag niya pagkatapos ay sabay ngiti sa dulo. Bumangon ako at binatukan siya. "Ouch! Para saan iyon?"

"Para sa pag-aalala ko. Grabe ang iyak ko noong akala ko ay patay ka na!" naiinis kong ani. Sinimangutan ko siya.

"Sorry na po!" tumawa siya. Bumangon din siya tsaka kiniliti ako.

"Armie! Tigilan mo iyan! Isa!" pinipigilan ko lang ang sarili ko na tumawa.

Hindi ko na matiis ang kiliti kaya tumayo ako at tumakbo papalayo sa kaniya. Ang saya saya. Hinabol niya ako kaya ito naman ako nagpahabol din at binilisan pa lalo ang takbo. Ang arte arte ko lang. Ess.

Habang hinahabal niya ako ay hindi ko namalayan na may bato pala kaya napatid ako at natumba sa taniman ng daisies. Agad akong pinatayo ni Armie. Inaayos niya kaagad ang mga daisy na nadaganan ko. Alagang-alaga niya talaga ang mga ito.

"Sorry Armie." nakangiwing ngiti ko.

Nahihiya ako dahil napisat iyong mga bulaklak ng daisies. Grabe pa naman ang pag-aalaga niya para mapadabong ito. Mahihiya ka talaga kapag nasira mo ang garden na ito. Ito kasi ang pinakamagandang garden na nakita ko sa buong Hacienda. Sa gilid, malapit sa taniman ng daisies at iba pang bulaklak ay may mga tanim ding strawberries. Alam kong favorite niya ito kaya may tanim siya nito.

"It's okay, Flex." ngiti din niya.

"Hindi ko alam na magaling ka palang  gardener?" papuri ko. "Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko.

"I want Armie — myself to be happy. Haha! Pati ako nalilito na din sa pangalan ko. Nasanay na kasi akong Monyo ang tinatawag mo sa akin." aniya na natatawa.

"See? Pati ikaw nalilito na din. Ano ba ang gusto mo na itawag ko sa iyo?" tanong ko.

"I think it will be okay kung Monyo na lang ang itawag mo tuwing tayong dalawa lang." suhestiyon niya.

"Okay Monyo!" I salute.

Tumawa siya at saka lumapit sa akin. Hinagkan niya ako ng napakahigpit at binuhat patungo sa batis. Mukhang alam ko na ang gagawin niya.

"Monyo? No!" sigaw ko nong ihahagis niya na ako sa tubig.

Hindi ko na siya napigilan. Ilang sandali lang ay nasa ilalim na ako ng tubig. Naubo ako dahil may nalunok akong tubig. Ang sakit sa lalamunan. Langya ka Monyo!

"Ang sama mo Monyo!" inis na sabi ko. Tumawa lang ng tumawa ang loko. "Maligo ka na! Huy!" utos ko.

"Sure! Sabi mo eh!" tsaka niya hinubad ang tshirt na suot niya. Napanganga na lang ako nang masilayan ang topless niyang katawan. Grabe! Wow abs! Ess. Ganitong-ganito ang eksena noong naligo kami sa Usok Falls. Natatawa lang ako kapag naaalala ko ang brief niya na nadikit ko sa mukha ko. Kasalanan kasi iyon ng identical bags. Napagkamalan ko tuloy ang bag niya na bag ko.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon