CHAPTER 27

1.4K 145 33
                                    


Chapter 27: IN THE AIR

FLEX

I accepted my fate. Flex Cecilio will die and no one will ever know. After I fell in the cliff, I thought that it was my end. But hell no. I'm still falling and falling. Hey!!! Please!!! Someone help me please!!!

Before I could reach the deadly bottom, someone grabs my hand. I suddenly stopped mid-air and my savior and me are like dancing with the wind. Pumaikot-ikot pa kami bago tuluyang huminto. Iminulat ko ang aking paningin at nasilayan ko ang makukulay na mga mata ng halimaw. Parang kumalma lang ako sa sandaling ito. His face is so scary but there is something in his aura that makes me calm. Kasing gaan ng malamig na hangin na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa ayaw ko pang mamatay ay napaakap ako sa kanya ng mahigpit. To make sure na hindi niya ako mabibitiwan. Tumigil muna kami sa gitna ng ere. Gusto ko ang ritmo ng pagpagaspas niya ng kanyang mga pakpak. This is the first time na nakita kong muli ang kanyang mga pakpak. His blue wings glow in the dark. Pati pakpak niya pala ay umiba na din ng kulay. Gabi na ngayon kaya nangingibabaw sa kadiliman ang makintab niyang pakpak.They are so beautiful.

Malayo ang kaniyang tingin habang nasa ere kami. Hindi ko alam kung kalma o kalungkutan ang nasisilayan ko sa kaniyang mukha. Tumingin na din ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin. I am amaze by the sight of the last light of sunset. May buwan at bituin na rin na makikita sa langit. Nangangahulugan na panibago na namang araw ang lumipas. Ibig sabihin na ikalawang gabi na ito na ako ay nawawala. Siguradong nag-aalala na sina Mama.

****

We are walking side by side right now. We are going back to the old mansion. I don't have a choice but to be with him. Matapos ang tuluyang paglubog ng araw kanina ay inilipad na ako ng halimaw pataas at inilapag sa may gilid ng bangin. Hindi ko na din makuhang makapagpasalamat kanina gawa ng hindi ko rin alam ang sa sasabihin ko. Nobody wants to start a conversation so I force myself to talk.

"Why you keep on saving me?" I asked him. Hindi ko talaga alam ang motibo niya.

Nagpatuloy lang siya sa paglagad. Parang wala lang siyang narinig na nagsasalita sa tabi niya. Hindi man lang niya nakuhang lumingon sa akin. Siguro galit pa rin siya dahil sa muntikan kong pagtakas.

"Ano ba ang balak mo sa akin?" Tanong kong muli. This time napalingon na siya.

"WALA AKONG BALAK NA MASAMA SA IYO. KUNG 'YAN ANG GUSTO MONG MARINIG." Diretsong sagot niya.

Sa palagay ko ay napatunayan ko na na wala nga siyang balak na masama sa akin. Kung meron sana ay kahapon niya pa dapat ako kinain. Dalawang beses niya na kaya akong iniligtas.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit." Mahinang sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto na din ako. He stares directly into my eyes.

"MINSAN HINDI MO NA KAILANGAN NG DAHILAN PARA TUMULONG SA IBA." Sabi niya sabay pagpapatuloy sa paglakad.

Did I hear it right? Ang halimaw gustong tumulong? Hindi ko nakakalimutan na pinatay niya ang mga kaibigan ko. Siya ang dahilan kung bakit naging malungkot ang buhay ko. Pero marami ang nag-iba sa kanya. Paano kung hindi pala siya ang halimaw na iyon? Ibig sabihin ba nito na marami pang halimaw ang naninirahan dito sa Hacienda Señeres?

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon