FLEX
Alas cinco na ng hapon ako nagising. Ngingiti-ngiti ako pagkabangon ko sa higaan. Sariwa pa kasi ang nangyari kaninang umaga. It was awesome! That's why I can't help on smiling. Ikaw ba naman ang maligo sa loob ng tangke ng tubig at tsaka magpatihulog mula sa tore at biglang sasaluhin sa ere? Di ba awesome? Siguradong ngingiti ka lang talaga.
Ang cute pa ni Monyo. Ess.
Napawi bigla ang ngiti ko ng makita ang cellphone ko na kagabi ko pa hindi natingnan. Ni-silent ko kasi ito bago pumasok ng gym.
"Ano to?" mahinang tanong sa sarili.
23 Missed Calls
9 Messages
Hala? Bakit ang daming ganito? Pinindot ko ang Missed Calls at tinignan kung sino ang tumawag.
Ewan.
Si Ewan?
Ano naman ang kailangan niya sakin?
Pumunta ako sa inbox ko at binasa ang mga text. Galing din ito lahat kay Ewan. Ganoon na ba niya ako ka-miss?
From: Ewan
Yesterday 6:09 PM
-Enjoy the party Flex. Be careful ah?From: Ewan
Yesterday 9:57 PM
-Huwag kang aalis mag-isa. Always be with your friends.🙂From: Ewan
Yesterday 11:49PM
-Where are you?From: Ewan
Today 12:54 AM
-Bakit hindi ka nagrereply? I'm worried for you Flex. Tatawagan kita.From: Ewan
Today 1:02 AM
-Sagutin mo Flex. Please.From: Ewan
Today 2:34 AM
-Tell me where you are.From: Ewan
Today 3:49 AM
-You are not here the gym.From: Ewan
Today 5:53 AM
-Thank God you're home.From: Ewan
Today 4:57 PM
-Kanina pa ako dito sa bahay niyo. Gumising ka na.Bakit parang naging paranoid si Ewan? Hindi naman siya ganito dati ah. Ang creepy lang na alam niya na nakauwi na ako. Nakita niya kaya ako nong hinatid ako ni Monyo kanina? The only answer is to go downstairs and talk to him.
Dahan-dahan akong bumaba at pinakinggan kung sino-sino ang mga naririto. The only thing that I can hear is the sound of rushing water. Kasabay noon ang tilantik ng mga plato at kutsara. Nag-huhugas pala si Mama.
"Ay nakong bata ka!" nagulat si Mama ng pagtalikod niya ay nandito na ako sa gilid ng lamesa.
"Sorry Ma." pasensya ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy sa paglalagay ng mga hinugasan sa cabinet.
"Gutom ka na ba? May pancakes akong niluto." aniya.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro