TAISSANakita ng dalawang mata ko kung paano nilamon ng apoy ang mansion at kasama nitong nilamon sina Flex at Miss Melania. Ako na lang ang natitira sa FIERCE 5. Wala na ang mga kaibigan ko. Wala na rin si Flex.
Halos hindi ako makalakad sa sobrang panghihina ng aking loob. Maraming tao na ang nawala sa akin. Marami na ang namatay.
"Taissa!" sigaw ni Henry nang napaupo ako sa lupa. Buhat niya sa kaniyang balikat si Rylee. Hindi ko kayang umalis ng wala si Flex. Pinangako namin sa isat-isa na sabay kaming makakaalis dito.
"Kasalanan ko to." iyak ko.
"No Taissa. Flex sacrificed her life for me, for you, for Rylee! For all of us! Masasayang ang lahat ng ginawa niya kapag hindi ka kumilos!" desperadong sigaw ni Henry.
Malakas ang pag-ugong ng apoy sa likod ko. Mabilis na natutupok ang lahat ng bahagi ng Mansion. Ilang saglit pa ay bumagsak na ang buong Mansion sa likuran ko. Mabilis akong hinila ni Henry papalayo bago pa ako matabunan. Humahapdi ang mga mata ko dahil sa usok. Hindi lang kasi ang Mansion ang nasusunog kundi pati na rin ang buong gubat. Palinga-linga si Henry sa paligid. Humahanap siya ng pwedeng mahingan ng tulong. Nababalot na kasi ang buong paligid ng nagngangalit na apoy. Mukhang hindi na kami makakalabas dito.
"Ewan!" sigaw namin ni Henry.
"Prima!"
"Nasaan kayo?"
May nakarinig din sa wakas sa aming sigaw ngunit ang masaklap ay hindi ang grupo ni Ewan kundi ang grupo ng mga infected na aso.
"Henry!" sigaw ko sa sobrang takot. Lumalakad patungo sa akin ang tatlong aso. Nagngangalit ang kanilang mga ngipin.
"Taissa! Run!" sa hudyat ni Henry ay binilisan ko ang aking takbo. Mabagsik na nakabuntot sa amin ang tatlong aso.
Biglang tumalon kay Henry ang isang aso. Mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas kaya tumilapon ang aso at dumeretso sa apoy. Mas nagalit ang dalawang aso kaya umatake ito ng mabilis. Ibinaba ni Henry si Rylee sa lupa at dinampot ang isang nag-aapoy na sanga at hinampas sa mga aso. Hindi natitinag ang mga aso at patuloy pa rin sila sa pag-atake. Hinila ko si Rylee papunta sa gilid dahil may nagsibagsakan na mga punong malapit sa kinahihigaan niya. Hindi ko namalayan na wala na si Henry sa harapan ko. Isang iglap lang ay nawalay na kami sa kaniya. Hindi ko na siya makita at gayon din ang mga aso. Nabagsakan kaya siya ng mga puno? Sana huwag naman.
"Henry!" sigaw ko. Takot na takot ako.
Walang Henry ang sumagot sa sigaw ko. Tinakpan ko ang bibig at ilong ko. Malaki na ang apoy sa paligid. Hindi na ako gaanong makahinga sa kapal ng usok.
May nakita akong isang anino ng tao sa di kalayuan. Papalapit na siya sa akin. Kakaiba ang pagkilos nito kaya masasabi ko na hindi ito si Henry. Kasunod na nagsisulputan ang iba pang katulad nito. Rinig ko ang pag-angil nila habang papalapit na sila sa akin. Tumayo ako at hinila si Rylee. Nakita ko ang pag-iba at pagbilis ng kilos nila. Tila mabangis na hayop sila na takot maubusan ng pagkain. Nilakasan ko lalo ang paghila kay Rylee. Kapag hindi ko pa binilisan ay siguradong mamamatay kami. Maaaring dahil sa apoy o sa mga infected.
Nailayo ko si Rylee papunta sa bahaging hindi pa naaabot ng apoy. Maya-maya ay siguradong matutupok na din ito. May bulalas akong narinig sa kailaliman ng gubat. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Wala na akong mapupuntahan sa pagkakataong ito.
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro