Chapter 10: RAINFLEX
"G U Y S ! ! !" Pagsisigaw ko.
Dali-dali naman silang lahat na pumunta sa akin. Akala siguro nila na may nanyari ng masama sa akin.
"Anong nangyari?" Bungad ni Armie sa akin. Sya ang unang dumating. Masisilayan sa mukha nya ang pag-aalala. Nag-aalala ba sya para sa akin?
Tinuro ko sa kanya ang puno. Nagulat rin sya sa nakita nya. Kinapa nya ang mga kalmot sa puno.
"Mga kalmot ito." Mahina nyang sabi. Matapos nyang tignan ang mga puno ay tumungo ito sa isa pang puno at sa isa pa.
Habang tinitingnan ni Armie ang mga puno ay napatulala nalang sina Jessa. Hindi sila gaanong nagsasalita. Ramdam ko ang mga takot nila.
"Yan na ba ang mga kalmot ng halimaw?" Takot na tanong ni Nema. Nakahawak pa sya sa boyfriend nya.
Walang sumagot sa tanong nya.
Walang may alam kung sa halimaw nga ito.
Marahil.
Kung ano man ito ay isa lang ang nasisigurado ko. Mabangis ito at pwede kaming mapahamak.
Pwede kaming mamatay.
Bumalik na si Armie at tiyak na may dala syang paliwanag kung ano ang mga ito.
"Mga kalmot nga ito. Sinundan ko ito at patungo ito bandang don." Sabi nya sabay turo sa bandang silangan ng gubat.
"Naputol din ang mga ito kaya hindi ko na alam kung saan ito patungo." Pagpapatuloy nya. There's hesitation in his voice.
Hindi nya sinabi kung kanino o ano ang kalmot na ito.
May hindi sya sinasabi.
~~~~
Hindi na kami bumalik sa pagsiswimming kaya naghanap na kami ng lugar na pagtatayuan namin ng tents. Pinili namin ang parte ng gubat kung saan huling makikita ang mga kalmot. Nagset na rin kami ng cameras at sensors sa buong paligid. Para safe ang lahat.
"Tinawagan ko na si Taissa, ready na sya." Ang sabi ni Jessa.
Si Taissa ang magmamasid samin habang nasa gubat kami. Tatawagan nya kami kung may makikita o may maririnig sya na kung ano sa paligid. Makikita nya ito sa computer sa bahay nila. Connected naman kasi ito doon.
Nag-aalala ako dahil kumukulimlim na eh alas 2 pa lang naman ng hapon. Mukhang uulan dahil maririnig ko na ang mga kulog. Mas mahihirapan kami pag umulan. Bumababa kasi ang temperatura dito kapag umuulan. Mas malamig yon kapag nagkataon.
Hindi ko alam kung naiwan ko sa daan o hindi talaga ako nakadala ng tent. Kanina ko pa ito hinahanap ngunit wala talaga. Napansin ata ni Nema na may hinahanap ako.
"Anong hinahanap mo Flex?" Tanong nya.
"Kanina ko pa kasi hinahanap yung tent ko." Nadedismaya kong sabi. Bakit kasi sa lahat ng makakalimutan ang tent ko pa?
"Tumabi ka na lang kay Armie." Biglang sabi ni Jessa na sumulpot sa likod namin.
Nashock ako sa suggestion ni Jessa. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang sobrang kahihiyan ko kanina.
"Hindi ka pwedeng tumabi sakin o kay Jessa, Flex. Magagalit ang mga boyfriend namin." Seryosong sabi ni Nema pero alam ko na ginagawa nila ito para asarin ako. Para maging close kami ni Armie.
"Ayaw mo bang tumabi sakin? Hindi naman ako nangangagat ah?" Biglang sabi ni Armie na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. Nahihiya na talaga ako. Sobra na to. Ang init ng mukha ko.
"H-hindi naman sa ganon." Nahihiya kong tugon habang ang mga chaka ay parang tatawa na.
Great friends are those who will push you on the edge of embarrassment. Sila ni Jessa yon. Masasakal ko talaga sila pagbalik namin sa school. Urrrggg!!!
"Kalimutan mo na ang nanyari kanina, wala na yon." Ngumiti na naman sya. That smile. Hmmm.
"Ewan muna namin kayo ha?!" Sabay na sigaw ni Jessa at Nema. Tumatawa sila at kinikilig pa. Bumalik sila sa pag-aayos ng tents nila.
Naiwan naman kami ni Armie and silence consumes us. Walang gustong unang magbitiw ng salita. Nahihiya ako kaya hindi ako nagsasalita ngunit sinira ng malakas nyang tawa ang katahimikan.
"Ano magtititigan na lang tayo? Halika ka tulungan mo kong tapusin ang pag-aayos ng tent." Natatawa nyang sabi.
Inayos namin ang tent. Nahihiya pa talaga ako hanggang ngayon kaya wala akong imik habang kasama ko si Armie.
"Nga pala ikaw na lang ang matulog sa loob ng tent." Sabi ni Armie habang inaayos namin ang tent.
Ang gentleman nya talaga. Binuhat nya ako kanina ng masakit ang mga paa ko, tapos sa tent pa nya ko matutulog.
"Pano naman ikaw? San ka matutulog?" Tanong ko sa kanya.
"Sa labas na lang ako. May dala naman akong OFF lotion at magbabantay na lang din ako." Aniya.
Siguro nahihiya din syang katabi ako sa loob ng tent. Hindi naman kasi kami magshota. Friends lang kami at hanggang dyan na lang siguro.
Friends.
~~~~
Sumapit na ang dilim. Walang mga bituin dahil mukhang uulan. Hindi na kami naglagay ng bonfire dahil may mga nakasabit na na mga ilaw sa mga puno malapit sa mga tent. Pagkatapos na maghapunan ay nag-ayos na kaagad kami para matulog. Pagod ang lahat kaya kailangang bumawi.
Totoo si Armie sa kanyang sinabi. Ako lang ang natulog sa loob ng tent habang sya ay nasa labas. Mabuti na rin yon na may magbabantay, para safe.
Mga bandang alas 8 ng gabi ay bumagsak na nga ang malakas na ulan na kanina pa parang gustong bumuhos. Walang ng choice, kailangan talaga kaming magsama ni Armie sa isang tent. Binuksan ko ang tent para papasukin sya.
"Armie pumasok ka na! Lalakas pa itong ulan!" Malakas kung sigaw na kakompetensya sa malakas na bagsak ng mga patak ng ulan.
Dali-dali naman syang pumasok sa tent dala-dala ang mga gamit. Basang basa ang ulo at damit nya kaya kumuha ako ng malinis na damit at pinunasan sya. Nag-hesitate pa sya at pinigilan ang kamay ko sa pagpupunas sa kanya. Nahiya sya siguro ngunit hinayaan nya na lang ako.
"Salamat." Ang tanging nasabi nya.
Ang tahimik naming dalawa. Walang gustong magsalita sa ganitong katahimik at kalamig na gabi. Habang pinupunasan ko ang pisngi nya ay napatitig ako sa kanya. Ang ganda ng mga mata nya at ang astig din ng pagkacurve ng kilay nya na may kulot na patusok sa bandang gilid. Ang pula rin ng mga labi nya. Halatang hindi sya naninigarilyo. Mukhang malambot ito. Gusto ko itong hal....
Napatitig sya sa akin kaya natigilan ako. Direkta sa mga mata ko ang kanyang titig. Napakurap ako. Hindi ko kaya na ganito kalapit ang mga mukha namin sa isat-isa. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kabog nito. Matagal ko ring hinangad ang pagkakataong ito. Ang masolo si Armie. Ang ipadama sa kanya na gusto ko sya. Dati pa.
Hinawakan ni Armie ang kanang pisngi ko at unti-unti nya itong inilapit sa kanya. Papalapit ng papalapit. Nasa 1 inch na lang ang pagitan ng mga labi namin. Nangungusap ang mga mata nya. Nagtatanong kung gusto ko bang ituloy ang gagawin namin. Nagtatanong kung pwede. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na lumapat ang mga labi nya sa akin. Ramdam ko ang hangin na nanggagaling sa hininga nya. Alam kong malapit na.
Hindi ito natuloy ng may narinig kaming tunog.
Ring... Ring... Ring....
~~~~
This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.
•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️
BINABASA MO ANG
GROWLING HEARTS
Mystery / ThrillerThis is a story of a GIRL who falls in love with a MONSTER. REMEMBER: The bravest kind of heart is the one that growls. •Highest Ranking: #1 in Mystery/Thriller DATE COMPLETED: MAY 19, 2020 By: @haciandro